Maganda ang buong resort nina Exton. Madami ring taong nagbabakasyon dito ngayon. Kasama ko sa isang hotel room sina Hailey at Safire, at napagdesisyonan namin kanina na magpahinga saglit dito sa loob ng kwarto namin. Habang ang mga iba naman naming kasama ay hindi namin alam kung anong ginagawa nila ngayon.
Madami na akong nakuhang mga footages kanina for my vlog, kaya heto ako ngayon, nag-eedit para ma'y ma-ipost na akong video sa channel ko. Ilang oras na kami rito sa loob dahil natutulog pa ang mga pinsan ko, puyat kasi anong oras na nang umuwi sila kagabi.
Nang sa wakas ay natapos na ako sa pag-eedit ay in-upload ko na ang video ko sa aking channel. Buti na lang at medyo malakas ang wifi rito. Tumayo na ako at ginising na ang mga pinsan ko dahil kailangan pa naming kumain ng lunch. Anong oras na, o.
"Pagkatapos ng lunch ay maliligo na tayo sa pool." Utas ni Hailey habang kinukusot ang kanyang mga mata.
Pagkatapos naming maghanda ay bumaba na kami para mapuntahan na ang mga pinsan namin. Tinawagan ni Safire si Devin para tanungin kung nasaan sila at sabi ay nasa isang seafood restaurant na sila rito sa loob ng resort habang hinihintay na kami.
Nilakad na lang namin ang sinabi nilang seafood restaurant at panay ang pagkuha ng mga litrato ang mga pinsan ko. Ginawa pa akong photographer.
"Flynn! Ayun, o! Ma'y hottie!" Tili ni Hailey sabay nguso sa lalakeng na-spotan niya.
"Ay naknang! Ma'y pa-pandesal si Mayor!" Humalakhak si Safire.
"Hey, we're not here to flirt." Pagpapaalala ko sa kanilang dalawa.
"Minsan sa buhay natin, Flynn, kailangan nating lumandi para magka-boyfriend naman tayo o kahit fling lang. Hindi na pwede ngayon iyong tutunganga na lang tayo at maghihintay na lang ng grasya, noh!" Bulalas ni Hailey.
Pareho kaming natawa ni Safire sa sinabi ng pinsan namin. Nang makarating kami sa sinabing seafood restaurant ng mga kasama namin ay agad namin silang nakita sa ma'y bandang sulok. Nakita ko rin si Caspian. Hindi siya nakasama sa amin papunta rito kanina kaya siguro sumunod na lang siya rito.
Pagka-upo naming tatlo ay napagitnaan ako nina Safire at Hailey. Kumuha na agad kami ng mga pagkain dahil gutom na kami. Ang mga pinsan naming lalake ay tapos nang kumain habang sina Caspian at Exton ay kumakain pa rin.
"Ba't kayo natagalan?" Tanong ni Atticus.
"Nag boy hunting lang kaming tatlo." Natatawang sagot ni Hailey.
Exton's sharp eyes darted at me immediately. Na para bang hindi siya natutuwa sa sinagot ni Hailey, na ipinagtaka ko naman. I looked away because I couldn't handle the intensity of his eyes.
"Ma'y nahanap naman kayo?" Tanong ni Exton sa aming tatlo pero sa akin siya nagtaas ng kilay.
"Of course! Kami pa ba?" Umirap si Safire.
I cleared my throat. Nagtawanan ang mga kasama namin pero kaming dalawa lang ni Exton ang hindi tumawa. Lahat kami napatingin sa kanya nang tumayo siya.
"Labas lang ako. Mag-yoyosi lang." Paalam niya bago siya umalis.
Tahimik na lang akong kumain habang mapanuyang tinitignan ako ni Alexus. Pagkatapos naming kumain ay hindi pa muna kami umalis dahil busy pa sila sa pag-uusap. Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin bumabalik si Exton.
Nagpaalam akong lalabas muna pero hindi ko sinabing pupuntahan ko si Exton. Ayokong magtaka sila. Hindi kasi napapanatag ang loob ko dahil pakiramdam ko ay galit siya sa akin, sa hindi ko malamang dahilan.
Nakita kong nakasandal siya sa isang pader while puffing a cigarette. He looked annoyed and irritated. I slowly walked towards his direction, at nang makarating ako sa harapan niya ay sinamaan niya ako nang tingin.
BINABASA MO ANG
Being Wet Behind Ears
RomanceShe's young, can be easily fooled, and yes... Inexperienced. Then he met a man who wasn't born yesterday. Meaning, a well-experienced man and definitely not naive. ©November 2017 written in tagalog-english
