"Ito lang po ba, Ma'am?" Tanong sa akin ng babaeng staff.
"Yes, please." I nodded.
I gave her my card afterwards. I bought two cameras, because I've decided to go back in the Vlogging world. Iyong mga cameras ko kasi noon ay ibinenta ko. Kagabi ko pa ito iniisip kung babalik nga ba ako sa pagiging Vlogger. Tutal ay wala naman na akong pinagtataguan. And I bet all my viewers would be so damn happy for my comeback. Lalo na siguro kapag sasabihan ko na sila tungkol kina Exton at Kairus.
Gusto ko sanang bumili rin ng drone pero naisip kong sa susunod na lang. Bibili pa kasi ako ng mga groceries mamaya. Hindi ko kasama si Kairus dahil kasama niya ang kanyang Lolo't-Lola, si Exton naman ay nagtatrabaho sa kompanya niya.
"Thank you, Ma'am." Ngiti ng babae sa akin at sinuklian ko rin ito nang ngiti.
Lumabas na ako sa store at nagdesisyon na dumiretso na lang sa grocery store. Gusto ko pa sanang maglibot sa mall pero mukhang konti na lang ang energy ko. Sino ba naman kasi ang hindi mawawalan ng energy kung tinotoo nga naman ni Exton ang sinabi niyang gabi-gabi kaming gagawa ng bata.
Kumuha ako ng cart at nagsimula nang libutin ang buong grocery store. Exton gave me his black card since last night, bilhin ko raw lahat ng mga needs namin. E magaling naman akong mag-budget. Di ako katulad niya na sobra kung magwaldas ng pera.
Lahat ng mga importante at kailangan namin ay nilagay ko sa loob ng cart. Sinabihan pa ako ni Exton kanina na bilhin ko raw ng madaming supplies ng mga pagkain si Kairus. Seriously, magiging spoiled to si Kairus. Hindi naman sa ayaw kong pakainin ang anak ko, kaya lang ma'y limits naman ang pag-kain niya ng mga sweets and all. Plus, I want our son to eat healthy foods.
E kahapon nga ay binilhan ni Exton ng madaming laruan si Kai. Hindi kasi nila ako sinama kaya hindi ko napigilan si Exton. Akala ko mag-bobonding lang sila kahapon, pero nalula ako pagkakita sa mga binili ni Exton para sa anak namin.
Umaray ako bigla ng ma'y biglang bumangga na cart sa likuran ko. Ang sakit nun, a! Napalingon ako sa likuran ko at nagulat ako nang makitang si Rodora ito.
"Ooops, sorry!" She told me but not in a sincere way. Tila sinadya niya talaga iyon.
"Ma'y problema ba?" Tanong ko at pinipigilan ang sariling huwag magalit.
Peke siyang tumawa. "Wala naman. Pa harang-harang ka kasi, e."
Pinili kong huwag na lang siyang patulan. Pasalamat siya at mabait ako at ayaw ko nang away. I pushed my cart and started walking away from her. What is wrong with her? Bitter ba siya dahil nasa akin na ulit si Exton? Well, mamatay siya sa inggit. Ako lang ang tanging babaeng minahal ni Exton, noh.
Sa dami ng mga binili ko ay halos mapuno na ang malaking cart na kinuha ko. Nahihirapan na nga akong itulak 'tong cart, e. Dinamihan ko na lang kasi ang food supplies namin para hindi kami maubosan agad.
My phone suddenly rang. Binuksan ko ang aking bag at hinalughog doon ang phone ko. At nang makitang si Exton ang tumatawag ay sinagot ko agad ito.
"Yes?" Pambungad ko.
"I'm here, baby. Nasa anong section ka ba?" Tanong niya.
"Huh? Akala ko ba nasa trabaho ka? Nasa meat section ako."
"Maagang natapos ang meeting, e." He replied.
"Oh, okay. Hintayin na lang kita rito." I said before ending the call.
Nilagay ko na sa cart ang mga kinuha kong meats at hinintay na lang si Exton. I'm excited to see my man. I just hope na hindi sila magkakasalubong ni Rodora.
BINABASA MO ANG
Being Wet Behind Ears
RomanceShe's young, can be easily fooled, and yes... Inexperienced. Then he met a man who wasn't born yesterday. Meaning, a well-experienced man and definitely not naive. ©November 2017 written in tagalog-english