T H I R T Y - T H R E E

1.6K 20 0
                                        

Nandito kami ngayon ni Exton sa veranda ng kwarto niya. We could see the city lights from here. Ma'y maliit na sofa na nakalagay rito at magkaharap kaming nakaupo ni Exton. He was just staring at me habang hinihintay akong magsalita.

Humilig ako sa sofa at yinakap ang tuhod kong nakatupi. I sighed heavily before opening my mouth.

"I'm sorry. I'm really sorry for everything. I know that you're still mad at me, somehow. Sorry kasi imbes na kausapin ka tungkol sa sinabi sa akin ni Lorelei ay mas pinili kong umalis. Na mas pinili kong maniwala sa kanya kaysa magtanong sa'yo." Panimula ko. Nakayuko lang ako at pinipilit na umiwas nang tingin sa kanya.

"Five years, Flynn. Pinaabot mo pa talaga ng matagal na panahon. Bakit ngayon ka lang bumalik?" He asked me, like he's in a deep pain.

"I...I w-was just scared. Hindi ko kayang malaman na ma'y iba ka na at hindi mo na ako matatanggap ulit. Sa sobrang takot kong malaman na ma'y iba na ka na, pinaki-usapan ko ang mga pinsan ko na huwag akong balitaan tungkol sa'yo. I even deactivated all my social media accounts, Exton."

"Natatakot kang malaman na ma'y iba na ako? At paano naman 'yun mangyayari kung ikaw lang ang kinakabaliwan ko, huh? Ni tumingin nga sa ibang babae ay hindi ko magawa! Maghanap pa kaya?" Hindi makapaniwalang sagot niya.

I pouted when I looked at him. "I know you'd find someone else, Exton. You were a playboy when I met you. So..."

"But you changed me! Not because you told me so but because I chose to change myself! Noong naging tayo, nakita mo bang nambabae ako? O kahit tumingin lang man sa ibang babae? Hindi naman, diba?"

"I'm sorry," Ulit ko at hinawakan ang kamay niya.

"Sirang-sira ako noong iniwan mo 'ko, Flynn. At nasaksihan ng mga pinsan mo iyon. Halos mapatay ko na sa suntok ang mga lalake mong pinsan para sabihin lang sa akin kung nasaan ka, pero wala pa rin akong nakuhang impormasyon sa kanila!" His eyes watered.

Napaiyak ako dahil sa sinabi niya. "I'm sorry for hurting you, Exton. I'm sorry. I'm sorry. Forgive me, baby..."

Malakas siyang napasinghap at kinabig ako. Ngayon ay nakaupo na ako sa kandungan niya ng paharap sa kanya. I wrapped my arms around his neck and rested my head on his chest. Humihikbi na ako at pinipilit ang sarili kong kumalma.

"Gustong-gusto kong magalit sa'yo. Gustong-gusto kong magtanim ng galit sa'yo. Pero...hindi ko magawa. I couldn't afford to hate you even if I want to. Because up until now, I am still so in love with you, baby..." He softly whispered.

Lalo pa akong napaiyak dahil sa sinabi niya. Hinagod niya ang likod ko at hinalikan ang aking noo. Oh my ghad! Am I deserving of this man right here? Sinaktan ko siya pero mahal niya pa rin ako. At nang sabihin niyang mahal niya pa rin ako ay walang katumbas ang kasiyahan na naramdaman ko. I really thought that he was just giving me mixed signals to have his own revenge.

"E, ikaw ba? Mahal mo pa rin ba ako?" He carefully asked.

"I am still so in love with you, too... Ikaw lang naman ang minahal ko." I told him.

"Good to hear that. Alam mo ba kung gaano ko kagustong suntukin ang gagong Neron na 'yun ng malaman kong siya ang kasama niyo ni Kairus sa LA?"

"Wala naman kasing namamagitan sa aming dalawa ni Neron. Malaki ang utang na loob ko sa kanya. Kaya huwag ka nang mabadtrip sa kanya dahil wala naman siyang ginawang masama sa amin ni Kairus." Sabi ko at tinuwid ang katawan para magkaharap na kami. Nakakandong pa rin ako sa kanya at hindi ko maiwasang hindi uminit ang pisngi ko dahil sa pwesto naming dalawa.

"Fine," He rolled his eyes.

I smacked his chest. "Akala mo nakalimutan ko na 'yung ginawa niyong dalawa ni Rodora sa loob ng CR nina Devin, hah!"

Being Wet Behind EarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon