T W E N T Y - T H R E E

1.3K 10 3
                                    

"Ano, Flynn? Sagot!" Pang-aasar pa ni Caspian.

Mas lalo akong namula at parang gusto kong ibaon ang sarili sa kahihiyan. I shouldn't have done that! Ano na lang ang masasabi nitong mga pinsan ko? Ghad!

Ito namang si Exton, hinubad pa ang damit niya! E, alam naman na niya kung gaano karami ang kalmot ko sa likod niya kagabi! Or maybe...he did that on purpose?

"Mga gago. Alam niyo na nga ang sagot, nagtatanong pa kayo. Bobo lang?" Humalakhak si Exton at nilapitan ako. Umakbay siya sa akin at hinalikan ang sentido ko.

Impit na tumili ng sabay sina Martina, Safire at Hailey. While the boys were just laughing. Inabala ko na lang ang sarili ko sa pag-kain at piniling tumahimik. Denying it is futile.

Pero pwede na atang ihambing ang namumula kong pisngi sa kamatis. I am freaking red right now! Gusto kong mag walk-out at walang kakausapin ni isa sa kanila.

Kumain na rin si Exton sa gilid ko at hindi pa rin humuhupa ang issue. Patuloy pa rin sila sa lantarang pag-uusap tungkol doon at sa harapan ko pa talaga. Nagpaabot ako ng tubig kay Exton at uminom muna siya roon bago ibinigay sa akin.

"Grabe ka, Flynn. Mabuti na lang at di ako ganun." Sabi ni Martina.

"Anong hindi?" Panunuyang sabi ni Alexus.

"Oh my ghad!" Ako naman ngayon ang tumawa bilang ganti sa kaibigan ko.

"Magbestfriend nga naman talaga ang mga jowa niyo. Parehong gusto mangalmot." Umiiling na tawa ni Caspian.

"Hah! At dahil nilaglag mo 'ko, Alexus, walang sexy time mamaya." Asik ni Martina sa pinsan ko na napatigil.

"Fuck..." Pabulong na mura ni Alexus at ginulo ang sariling buhok.

"Wrong move, Kuya!" Humagalpak kaming lahat dahil sa sinabi ni Atticus sa kapatid nito.

"But I can relate, though. Ganyan din naman kasi mangalmot si Hailey sa akin." Ngisi ni Caspian sabay inakbayan ang pinsan ko.

Nanlaki ang mga mata ni Hailey at tinulak nang malakas si Caspian. "Tang'na mo!"

Patuloy lang kami sa pagtatawanan habang kumakain. Tumayo muna ako at sinabihan si Exton na buhosan ng tubig ang mga kamay ko para mahugasan ko ito. Nag boodle fight kasi kami.

Napatingin ako sa gawi nina Devin at Atticus na nagtutulakan dahil ma'y babaeng dumaan na nakabikini. Minura ni Devin si Atticus at sinabihang kunin ang number ng babaeng dumaan. Pero sa huli, silang dalawa pa rin naman ang lumapit sa babae. Napailing na lang ako.

Pagkalipas ng isang oras ay napagdesisyonan na naming sumakay ng bangka para sa medyo malalim na parte kami maliligo. Dalawa ang ginamit naming bangka dahil nga marami kami. Hinubad ko na lang ang suot kong damit dahil suot ko naman ang napili kong bikini kanina.

Nakaupo ako sa kandungan ni Exton dahil iyon ang gusto ng mahal na hari. Naka-bikini raw kasi ako kaya kailangan niya akong hawakan palagi. Nakapulupot ang mga braso niya sa baywang ko habang pinapanuod ko naman kung gaano na kalalim ang tubig. His chin was placed on my shoulder.

Nanunuya ang mga tingin sa akin ni Martina. Kanina pa 'yang kaibigan ko! Naku, talaga. Pagkarating namin sa gustong pwesto nina Devin ay agad silang lumusong sa tubig. Ang naiwan lang sa bangka namin ay kaming apat nina Martina, Alexus at Exton.

"Ano? Ayaw niyo pang maligo?" Tanong ni Martina.

"E, paano ako makakaligo kung napakahigpit nang pagkakahawak ni Exton sa akin?" Hindi ko maiwasang hindi mapairap sa kawalan.

"Tss! Mauna na kayong dalawa ni Alexus. Susunod din kami." Medyo iritadong sabi ni Exton sa kaibigan ko.

"O sige," Tango ni Martina at binalingan si Alexus na mukhang badtrip pa rin. "Halika na, babe! Sige ka, wala talagang sexy time mamaya."

Being Wet Behind EarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon