T E N

1.8K 25 1
                                    

I only slept for five hours. Kulang na kulang ang tulog ko dahil sa mga nangyari kagabi. Hindi ako masyadong nakatulog kagabi at kasalanan talaga ito ni Exton. Hindi ako pinatulog sa mga sinabi niya sa akin! Para pa akong baliw na ngiti nang ngiti habang nakahiga sa kama ko.

Pero kahit gusto ko pang matulog ay hindi ko magawa. I still need to edit some footages for my vlog. Kailangan kasing mayroon akong ma-ipost ngayong araw na ito.

"Tita, where's Hailey?" Tanong ko sa kanya pagkababa ko sa dining area para kumain ng lunch.

"Ah, ewan ko sa batang iyon. I tried calling her but she won't answer my calls. Pero bago lang ako tinawagan ni Safire, at ang sabi niya ay sa isang hotel sila natulog. They're on their way home now." Sagot ni Tita habang nilalagyan ng mga pagkain ang pinggan ko.

I nodded. "Ako lang po ba ang nakauwi sa aming magpipinsan, Tita? How about Devin, Alexus and Atticus?"

"Nakauwi naman sila kagabi. 4:00 am na raw sila nakauwi." Kibit-balikat na sagot ni Tita.

Napatawa ako. My cousins are hardcore partygoers, really. Bow na talaga ako sa kanila. Pero ang pinagtataka ko talaga kung bakit hindi nakauwi sina Safire at Hailey. E, magkasama naman sila ng mga pinsan naming lalake. Paanong hindi sila nagkasabay pauwi?

"Who brought you home last night, Flynn?" Tita asked while we were eating.

"It was Exton, Tita." Then I pressed my lips together.

Napataas siya ng kilay. "Oh! Really? Close na pala talaga kayong dalawa?"

"Ah, m-medyo po." Naiilang akong ngumiti.

"Listen to me, Flynn. I like Exton, dahil na rin sa close siya sa mga pinsan mo. Tsaka close rin siya sa amin, para na ngang kabilang iyong si Exton sa pamilya natin, e. That's why, I know him well. Kahit ikaw ay alam mo naman kung paano siya sa mga babae, diba? Kaya Flynn, don't attach yourself too much towards him. Dahil ikaw lang ang masasaktan sa huli at hindi siya."

I cleared my throat and nodded. "Okay, Tita..."

"But, I'm not saying na hindi mo na siya kakausapin. Pinapayuhan lang kita. Nasa sa iyo lang naman kasi ang desisyon, Flynn. Please know, that Exton is still a good man, though." Tita Alice smiled at me.

Napatango ako ulit at hindi na sumagot. Baka kasi saan pa mapunta ang usapin namin ni Tita Alice. Naiintindihan ko naman si Tita. That's normal because I'm her niece. She only wants what's good for me.

Pagkatapos kong kumain ay bumalik na ako sa taas. Pinagpatuloy ko ang pag-edit ng mga videos ko. Konti na lang naman ang aayusin ko dahil kanina pa ako nag-eedit. Then, I'm going to upload it right away.

Biglang bumukas ang pintuan ng kwarto ko at sabay na pumasok sina Hailey at Safire sa loob. Inilapag ko pabalik sa kama ang laptop ko para makausap sila.

"Sa hotel daw kayo natulog? Ba't hindi kayo sumabay pauwi nina Alexus?" Tanong ko pagkatapos nilang umupo sa kama.

"E, paano ba naman kasi, ang landi nitong si Hailey! Jusko!" Umirap si Safire.

My forehead creased. "Huh? What happened?"

"Ang lalandi nilang dalawa ni Caspian! At dinamay pa talaga nila ako sa kagagohan nilang dalawa! My ghad, nakakataas ng alta presyon!" Sigaw ni Safire.

"Tone down your voice, will you!? Marinig pa tayo niyan ni Mommy, e!" Asik sa kanya ni Hailey at sinipa pa niya si Safire.

"Can you be more specific, apoy?" Naiinip kong sabi.

"She got laid last night! At ang nakakagulat ay si Caspian pa talaga! Akalain mo, Flynn? Sinama nila akong dalawa sa hotel at kinuhaan ako ni Caspian ng sarili kong room habang silang dalawa ay magkasama naman sa isa pang room. Sinama nila ako para ma'y magawang dahilan si Hailey kay Tita Alice." Sagot ni Safire.

Being Wet Behind EarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon