F O U R T E E N

2K 33 5
                                    

I have an event today. Mayroong magaganap na malaking meet and greet dito sa Cagayan De Oro City at kasama ko ang ilang mga kilalang Bloggers at Vloggers sa buong Pilipinas. Pero ang mas ikinasaya ko ay ang makikita ko sina Martina at Terrence dahil isa sila sa mga Vloggers na kasama sa event.

We're staying at the Seda Hotel right now. Pero nakishare na lang ako kay Martina ng room dahil sa bahay pa rin naman nina Hailey ako uuwi mamaya. Mamaya pang alas tres ng hapon magsisimula ang event pero naghahanda na kami ni Martina rito sa hotel room niya dahil kakain kami ng lunch kasama ang iba pa naming mga kasamahan.

"Ugh! It's so hard to choose!" Frustrated na sigaw ni Martina habang ini-scan ang mga damit niya.

I chuckled before I stood up and went to her. Tinulongan ko siya sa pagpili pero nasa kanya pa rin naman ang huling desisyon. At sa huli, ay ang pinili ko ang kanyang sinuot.

"Sayang wala sina Trina, noh?" I frowned.

"Yeah, right. Nasa Europe kasi sila, sponsored ng isang airline." Kibit-balikat na sabi Martina.

"That airline emailed me, too. But, I declined their offer. Pupunta kasi rito sa CDO ang mga magulang ko this week." Tunog paghihinayang ko.

"Girl! Europe trip 'yun at libre pa! Pero sabagay, family first." Sabi niya habang nilalagyan ng lipstick ang kanyang labi.

"Yeah. There's always a next time." I chuckled.

Nagsimula na akong maglagay ng make-up sa mukha ko. I opted for a no make-up make-up look. I also tied my hair into a messy bun. While I was busy fixing myself, my phone suddenly beeped. Naglakad ako papunta sa side table ng bed at kinuha roon ang nakalapag kong phone.


Exton:

Where are you?


Ako:

Seda Hotel. I'm with Martina. We're just preparing for the event later, why?


Exton:

My condo building is just beside that hotel. Dito ka na lang sana nag prepare. I missed you.


Ako:

I missed you, too. Magkikita naman tayo mamaya pagkatapos ng event.


Nilagay ko na sa loob ng bag ko ang aking phone dahil kailangan ko pang mag-prepare. Nagtungo na ako sa harap ng salamin para ipagpatuloy ang ginagawa ko. Pagkatapos ay sinabihan ako ni Martina na kailangan na raw naming bumaba dahil kakain na raw ng lunch.

Kaya pagbaba namin ay agad kaming tumungo sa exclusive room ata kung saan kami kakain ng mga kasamahan ko. We're fifteen all in all. Umupo na kami ni Martina at tumabi sa amin si Terrence. Nagsimula na sila sa pag-serve ng mga pagkain kaya hindi na matanggal ang ngiti ni Terrence.

I turned on my vlogging camera and started talking in front of the camera. Ganoon din ang ginagawa ng iba pang mga kasamahan kong Vloggers. Habang iyong mga Bloggers naman ay nakikipagkulitan lang at minsan din sumisingit sila sa bawat camera ng mga Vloggers.

"Sus, maghohokage ka na naman mamaya sa mga viewers mo. Kunyare ka pang umaakbay at humahalik sa pisngi nila. Ulol mo, Terrence!" Asik ni Martina sa kanya na ikinatawa naming lahat.

"Ang dumi ng utak mo. Ipalinis mo na iyan uy!" Sagot naman ni Terrence.

Napailing na lang ako at nagsimula nang kumain. Habang kumakain naman kaming lahat ay nag-uusap kami related pa rin sa work namin. Hanggang sa napunta ang usapan namin about sa nightlife rito...

"Flynn, ipasyal mo naman kami rito! Party tayo mamaya. What do you guys think?" Suhestiyon ni Martina.

Sumang-ayon silang lahat. Sabi ko ay dadalhin ko na lang sila sa CDO Bar at sa Lifestyle District. Matatapos ang event mamaya ng six pm at pagkatapos kakain muna kami ng dinner bago didiretso sa unang pupuntahan namin, at sabi ko sa CDO bar muna kami pupunta bago sa Lifestyle District. Excited ang lahat lalo na't partygoers itong mga kasamahan ko.

Being Wet Behind EarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon