Kinalma ko muna ang aking sarili bago naglakad pabalik sa bakuran. Dinig ko rito ang mga tawanan nila pero napahinto ang mga pinsan ko nang makita nila akong naglalakad papunta sa pwesto nila. I gave them a smile before I went to Alexus.
Yumuko ako para mabulongan siya. "Kailangan ko nang umuwi. Hindi makakatulog si Kai kapag wala ako."
"Are you sure? What happened back there?" Pabulong niyang tanong.
"Wala naman," Pa-simple akong nagkibit-balikat.
"You can't lie to me, Flynn Atascha." Mariing sabi niya.
Ngumuso ako. "Please...I want to go home."
Tumango siya at bumuntong-hininga. "Guys, uwi na kami. Tsaka tinext na rin kasi ako ni Martina, e."
Umangal silang lahat, lalong-lalo na ang mga kaibigan nila. I'm sorry to ruin their night, but I really want to go home. Ang bigat ng puso ko ngayon at wala akong gustong ibang gawin kung 'di ang yakapin ang anak ko. Kai has always been my comfort.
"Kai..." I mouthed to my cousins secretly. Kaagad naman nilang nakuha iyon kaya pumayag na silang umalis na kami.
"Ingat kayo pauwi!" Tumango si Devin.
"Bye, everyone! Enjoy the rest of the night!" Sigaw ko habang umaatras na paalis.
Kumaway sila sa akin at tumalikod na ako. Naramdaman ko agad ang akbay sa akin ni Neron kaya pinulupot ko na lang ang mga braso ko sa baywang niya. Pagkapasok namin sa loob ng sasakyan ni Alexus ay pinasibad na niya ito.
Humilig ako sa bintana at humalukipkip. I was having a hard time stopping my tears from flowing. Pigil na pigil ako kahit medyo nanginginig na ang bibig ko.
Tahimik lang ako hanggang sa makarating na kami sa bahay nina Alexus. Lumabas kaagad ako at hindi na hinintay ang dalawa. Tumakbo ako sa loob dahil gusto kong yakapin ang anak ko.
"O, Flynn! Nasa kwarto si Kai," Imporma sa akin ni Martina nang makita ko siyang kumakain na naman dito sa living room habang nanunuod ng tv.
Tumango lang ako at nagmartsa na papunta sa guest room. Nadatnan kong busy sa pagkukulay ang anak ko sa coloring book niya. He gave me a wide smile upon seeing me. Then I went to him just so I could hug my kid.
"You already missed me, Mom?" He chuckled.
"Of course, Kai! Kahit ilang minuto lang ata mawala si Mommy ay ma-mimiss pa rin kita. That's how much I love you, sweetie."
"Awww, I love you more. You're the best Mommy in the whole world!" He replied sweetly.
Kumalas na ako sa pagkakayakap namin at umupo na sa kama. Kinuha ko ang coloring book ni Kai at nagpabuhat siya sa akin para makaupo sa kandungan ko. Pareho kaming napaangat ang ulo nang makita si Neron na kakapasok lang sa loob ng guest room.
He softly smiled at me.
Tumabi siya sa akin at inakbayan ako. Nakitingin din siya sa hawak-hawak kong coloring book ni Kairus.
"Ang pangit naman niyan," He bullied Kai.
"Tito! You're so bad! Why did I even love you, anyway? Palagi mo 'kong binu-bully!" Maktol ni Kairus.
Pareho kaming napahalakhak doon. Kinurot naman ni Neron ang dalawang pisngi ng anak ko.
"You love me because I always spoil you, unlike your Mom..." Pang-aasar sa akin ni Neron at marahang humalakhak sa tainga ko.
"Hmmm, you're right." Kai replied while nodding.
Talaga namang tandem talaga ang dalawang 'to. Pinagtutulongan ako, e.
BINABASA MO ANG
Being Wet Behind Ears
RomanceShe's young, can be easily fooled, and yes... Inexperienced. Then he met a man who wasn't born yesterday. Meaning, a well-experienced man and definitely not naive. ©November 2017 written in tagalog-english