Samu't sari ang mga nararamdaman ko ngayon. Kaba. Takot...you name it. Ito na ang araw kung saan makikita ko na siya. Ito na ang araw kung kailan susubukan ko siyang kausapin. Ito na ang araw na pinakahihintay ko.
I stared at my own reflection in the mirror. I'm wearing a fitted crop-top and a black high-waisted shorts. Hindi na ako masyadong nag-ayos dahil hindi naman formal party ang magaganap sa birthday ni Devin, that's what Alexus has told me.
Hindi ako nag make-up ng todo. Just lipstick and powder. Sinuklay ko ang aking buhok at hinayaang ipalugay ito. Napatingin ako kay Kairus nang lumapit siya sa akin.
"Bakit hindi ako pwedeng sumama sa inyo, Mom?" He asked while pouting. Naku, kanina pa 'tong anak kong 'to. Kinukulit niya ako palagi dahil gusto niya talagang sumama e, hindi pa naman pwede. Ayaw ko rin namang biglain si Exton.
"Kai, kids aren't allowed there. Kanina ko pa iyan sinasabi sa'yo." Sagot ko habang nakayuko sa kanya.
"And why is that?" He pressed.
"Kairus, huwag mo nang kulitin ang Mommy mo." Mahinang saway ni Neron sa kanya.
Sabay kaming tumingin ni Kairus sa kanya. Neron's sitting down on the edge of the bed while looking at us. He's already done preparing himself. Sasama kasi siya ngayon. At si Martina naman ang makakasama ni Kairus dito. Buntis kasi e, kaya ayaw pumayag ni Alexus na sumama siya sa amin. Panigurado raw kasing ma'y maninigarilyo roon at ayaw niya naman dawng malanghap ni Martina ang mga iyon.
"Okay. I'm sorry Tito...Mom..." Mahina niyang usal at tumabing umupo kay Neron.
"Don't worry, bukas na bukas din ay mamamasyal tayo ng Mommy mo." Pampalubag-loob ni Neron sa bata.
Lumiwanag ang buong mukha ni Kai. "I'm looking forward to that, Tito! Promise, a?"
He raised my son's hand and they entertwined their pinky fingers. "I promise..."
Natawa ako sa kanila dahil doon. Nahahawa na ata sa pagkabata 'tong si Neron, e. Nagkilitian sila pagkatapos. That's what they always do. Minsan ay sinasama pa nila akong dalawa, kaya halos hihimatayin ako sa tuwing kinikiliti nila ako ng walang humpay. Sabi pa ni Kai, tandem daw silang dalawa ng Tito Neron niya.
"Flynn? Alis na raw kayo. Nasa loob na ng sasakyan si Alexus." Imporma sa amin ni Martina habang kumakatok sa pintuan.
Naglakad na ako papunta sa pintuan at binuksan ito. "Okay, then. Habaan mo na lang ang pasensya mo sa anak ko dahil kilala mo naman siya, napakakulit na bata."
"I know right? Mana sa ama, diba?" Panunuyang sabi niya.
I rolled my eyes. Pumasok na siya sa loob ng kwarto dahil dito raw muna siya tatambay kasama si Kai. Kaya lumapit na ako sa aking anak para makapagpaalam na sa kanya.
"Bye, anak. Huwag bigyan nang sakit sa ulo ang Tita Martina mo, a?" Hinalikan ko siya sa magkabilang pisngi niya.
"Yes, Mom. I'll be a good boy." He smiled.
Tumango ako at binalingan si Martina. "Alis na kami. Ingat kayo rito."
Nag thumbs up siya sa akin at tumayo na rin si Neron para mahalikan sa noo si Kai. Pagkatapos ay sabay na kaming lumabas, kaagad dumantay ang kanyang braso sa baywang ko at pinisil ito.
"Para ka talagang hindi nagkaanak, Flynn." He slightly laughed.
I slapped his toned tummy. "Binobola mo lang ako, e!"
"Of course, not!" Mariin niyang pangtanggi habang nanginginig ang balikat dahil sa pagtawa niya.
Inirapan ko siya at patuloy pa rin siya sa pagtawa. Pagkalabas namin sa bahay nina Martina ay nakaabang na ang pick-up ni Alexus sa labas. Pinagbuksan ako ni Neron ng pintuan sa front seat at sa backseat naman siya umupo.
BINABASA MO ANG
Being Wet Behind Ears
RomanceShe's young, can be easily fooled, and yes... Inexperienced. Then he met a man who wasn't born yesterday. Meaning, a well-experienced man and definitely not naive. ©November 2017 written in tagalog-english