Nang sumapit ang biyernes ay hinatid na namin ang mga magulang ko sa airport. Kailangan na kasi nilang umalis dahil ma'y mga kailangan pa silang gawin. I hugged my parents tightly and kissed them both on the cheeks.
"Ingatan mo ang sarili mo rito, anak." Mom said while smiling dearly at me.
I nodded. "Bye, take good care, Mom and Dad..."
"Tell your boyfriend I'd break his bones if ever he'll cheat on you, okay?" Bilin pa ni Daddy na ikinatawa ko.
"I will, Dad."
Pagkatapos ay umalis na rin kami ni Alexus kaagad sa airport. Kami lang dalawa ang naghatid kina Mommy at Daddy dahil iyon ang gusto ng mga magulang ko. Hindi naman daw sila pupuntang ibang bansa kaya bakit kailangan pa raw na ang buong angkan namin ang maghahatid sa kanila?
"Pakihatid na lang ako sa Seda Hotel, Alexus. Kailangan ko kasing puntahan ang kaibigan ko roon." Paki-usap ko sa aking pinsan na seryosong nagmamaneho.
"Huh? Ma'y event na naman kayo rito sa CDO?" Pagtataka niya.
I nodded before yawning. "Yes. Grand opening ng isang store sa Centrio Ayala Mall mamaya."
"I see,"
Martina is back again here in CDO. Last night, we talked over the phone for about a few hours. Tatlong araw lang din siya rito dahil tutulak pa siya papuntang Singapore. Dapat sana ay kasama ako sa trip na iyon, pero puno ang schedules ko for next week.
"Oh my goodness! I missed you, Flynn!" Tili ni Martina pagkatapos niya akong pagbuksan ng pinto na ikinatawa ko.
"I missed you, too. Wow ha? Kung makaasta ka ay parang ilang taon tayong hindi nagkita."
Inirapan niya ako at pumasok na ako sa loob ng kanyang hotel room. I sighed heavily when I saw some of her things were scattered on the floor. Umupo ako sa kama at siya naman ay sumalampak sa sahig para ipagpatuloy ang paghalughog sa kanyang maleta.
"Tatlong araw ka lang naman dito, pero pang isang week ang dinala mo. Hay naku, Martina." I muttured while shaking my head.
"It's for emergency purposes, Flynn! Duh?"
"Ewan ko sa'yo. Tsaka bilisan mo nang pumili ng damit diyan dahil baka ma-late pa tayo niyan mamaya sa event."
"Oo na, oo na. Teka! Kamusta na kayo ni papi Exton? Staying strong pa rin?" She playfully grinned at me.
"Yeah," I shortly replied.
She crumpled her face. "Ang pangit mong kausap! Ang tipid mong sumagot!"
Humagalpak ako at mas lalong gumusot ang mukha ng kaibigan ko. Kinuha ko na mula sa loob ng aking bag ang camera ko at nagsimula nang magsalita sa harap ng camera. Sinabi ko lahat ng mga gagawin ko ngayon para sa araw na ito. Si Martina ay pa minsan-minsan ginugulo ang pagsasalita ko sa harap ng camera.
"Martina!" I shouted horrifyingly when she suddenly got out from the bathroom wearing nothing but brassiere and underwear. Paano ba naman kasi, nakuha iyon ng camera ko habang nagsasalita ako at nasa bandang likuran ko siya.
Humalakhak siya at kinuha ang damit na susuotin niya para sa event. "Flynn, ibinabalandara ko nga palagi ang mga bikini photos ko sa Instagram, e. Tapos ngayon pa ako magiging demure sa harap ng camera?"
"Ghad, Martina!" Napatawa na lang din ako.
"Tsaka huwag mong i-cut iyon, a! Maganda angle ko roon." Pahabol niya pa bago tuloyang pumasok sa loob ng banyo.
Napailing na lang ako sa kagagahan ng kaibigan ko. I turned off my vlogging camera and decided to start doing my make-up. As what I said before, I'm not really fond of make-ups. Sa tuwing mayroon akong mga events lang talaga ako naglalagay ng make-up sa sarili.
BINABASA MO ANG
Being Wet Behind Ears
Roman d'amourShe's young, can be easily fooled, and yes... Inexperienced. Then he met a man who wasn't born yesterday. Meaning, a well-experienced man and definitely not naive. ©November 2017 written in tagalog-english