S E V E N T E E N

1.5K 22 1
                                    

For the past two weeks, wala kaming ibang ginawa ng mga pamilya ko kundi ang magbakasyon sa iba't-ibang mga lugar. We went to Davao, Camiguin, Dahilayan and Bukidnon. Hindi na sumama sa amin sina Lola at Lolo dahil matanda na raw sila at madali na silang mapagod. But we're constantly calling them and have face time with them, as well.

Sobrang na-mimiss ko na si Exton. We haven't seen each other for two weeks already. But we're always communicating. Tuwing gabi nga ay palagi kaming nag-fefacetime dalawa.

"Flynn, stop frowning!" Saway sa akin ni Atticus.

Napukaw ko ang aking atensyon at napakurap sa pinsan ko. "Hindi naman a."

"Anong hindi? E, para ngang pinabagsakan ng lupa iyang mukha mo! Mas mabuti pa at kuhaan mo ako ng photo." Utos niya pa sa akin.

Natatawang tumango ako at tumayo na. Nasa RR Resort kami ngayon sa Bukidnon. Maganda ang buong resort at madami ring mga pool. Which is a good thing, though. Madami ka kasing mapapagpilian, e. At malaki pa ang tsansa na pwede mong ma solo ang isang pool dahil nga marami ang mga pool dito. And the whole place isn't too crowded.

Ilang photos ang kinuha ko kay Atticus, at talagang sinagad na niya ang pag-utos sa akin. Iyong iba rin naming mga pinsan ay kasalukoyang naliligo sa pool, na maswerteng nasolo rin nila dahil wala namang tao na naliigo banda roon.

"Tama na! I still need to Vlog, Atticus." Reklamo ko sabay lahad sa kanya pabalik ng kanyang DSLR.

"Sus! At ano? Para ka na namang timang na kinakausap ang camera mo?" Bumunghalit siya nang tawa.

"Whatever, Atticus. Ganyan naman talaga ang nature ng trabaho ko." Napatawa na rin ako sabay tinalikuran ang tumatawa ko pa ring pinsan.

"Dinamay mo pa si Safire! Iyan tuloy, dalawa na kayong timang sa magpipinsan natin." Pahabol niya pa nang sigaw.

Napailing na lang ako sabay binuhay ang Canon kong camera. Oo nga pala, nagsimula ng mag-upload si Safire sa sarili niyang Youtube Channel. Medyo marami na rin siyang subscribers. Well, thanks to me. Paano ba naman kasi, sa tuwing mayroon akong vlog ay sinisingit niya ang kanyang sariling channel sabay sabi na mag subscribe sa kanya. Wala namang problema iyon sa akin.

I roamed around the resort and took a lot of footages. Hindi ko pa man tuloyang nalibot ang buong resort ay bumalik na ako sa cottage namin. Nakakapagod ba naman kasi. Sobrang laki naman kasi nitong Resort na ito.

"O, Flynn, ba't hindi ka pa naliligo? Nagsasayahan na roon ang mga pinsan mo." Puna ni Tita Cathy na kasalukoyang inaayos ang mga pagkain namin sa lamesa.

"I took some footages earlier for my vlog, Tita. Maliligo na rin po ako ngayon." I replied.

"Or maybe...you're not in the mood because you missed Exton already." Ma'y halong panunuya ang boses ni Tita Cathy.

Natawa ako sabay sinilid sa loob ng bag ko ang aking camera. "Nag-uusap naman po kami araw-araw, Tita."

"Oo nga. Pero iba pa rin naman iyong nagkikita at nagkakausap kayo sa personal, diba?"

"Of course, Tita."

"Hayaan mo, uuwi naman na tayo ng CDO bukas. You'll finally see your Exton." Ngiting-aso sa akin ni Tita.

Tumawa na lang ako at tumayo na. Nakabihis naman na ako ng panligo kaya nagpaalam na ako kay Tita na pupuntahan ko na ang mga pinsan ko. Si Tita Cathy lang naman kasi ang natira sa cottage, kailangan kasing ma'y maiwan. Habang magkakasama naman sa pagliligo sina Tita Alice, Tita Trinity at ang mga magulang ko. Ang mga asawa naman nina Tita ay siguro dadating na iyon sila any moment by now. Ma'y inasikaso pa kasi sila sa kanilang mga trabaho sa CDO.

Being Wet Behind EarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon