Kyle's POV;
'Oh my God.. she's so beautiful..', ito talaga ang nasabi ko sa sarili ko habang nakatingin sa "bagong" model na napapayag namin para sa project na'to.
Sobrang ganda nya kahit saang angulo yata ng camera..My scene na kinuhaan sya habang sun set, may scene din na kinuhaan sya habang may pa bon fire pa, at sa bawat scene na yun e sobra talagang bagay sa kanya.. Iniisip ko nga na baka mas okay kung sya nalang talaga ang kinuha namin una palang..
"Cut!..",sigaw ni direk.
"Direk kamusta..", tanong ko.
"She's God damn beautiful.. can't you see..Pero nakakainis kasi parang may kulang..", sagot ni direk sa akin.
"Kulang ng saya sa mata nya..Sa ngiti nya..", singit ni Jane na kanina pa din pinapanood ang pag shoot kay RC.
"Baka pagod na sya..", sagot ko.
"Hindi sya pagod Kyle..Sa ating dalawa dapat mas alam mo yun..", makahulugang sagot ni Jane.
'Dapat alam ko yun?.Ano nga ba ang dapat na matagal ko nang Alam?.', tanong ko sa sarili ko habang nakatingin kay RC na nagpapahinga sandali kasama ng ibang mga kaibigan ko.
Iniisip ko tuloy yung lagi nilang sinasabi sa'kin..Na matagal ko nang kilala ang magandang babaeng nasa harap ko..Pero paano ko sya nakalimutan.. Bakit.. 'Ano nga ba ang naging parte mo sa buhay ko RC'..
"Alam mo direk..mas okay yan kung isama nadin natin si Kyle sa commercial..", suggestions naman ni Jane kay direk.
"Tigilan mo ako ha..", bigla namang nagbago ang mood ko dahil sa sinabi ni Jane.
"Ahh direk I bet that's a good idea..E diba LDR naman na yung concept nito.. bakit di nalang natin lagyan ng happy ending?. Na kunwari e nagkita na yung dalawang tao na dating pinaglayo ng tadhana.. Promise, saglit ko lang aayusin ang story line..Konti lang din naman ang i a-add..", singit ni Cess, script writer namin.
"Lakas maka true story ninyo yun diba?.",pang aasar na sabi ni Jane.
"Anong sabi mo?.",tanong ko kay Jane.
"Wala..sabi ko ang galing ko talaga mag isip..",sabi pa ni Jane.
"Brilliant idea..",sabi pa ni direk "Guys,.makeupan nyo na si Kyle.. Bilis..",utos ni direk sa make-up artist.
Bigla naman napatingin sila RC dahil sa narinig.
"Pero direk ayo------"
"Kyle..gusto mo maging maayos 'to diba.? Then do it..Okay na yang suot mo..",sabi pa ni direk sabay balik sa tent nya.
.....ilang saglit lang...
"Kyle.. hold her right hand.. Lumapit kapa sa kanya..Ano ba yan..",utos pa sa'kin ni direk.
Si RC naman, halata din ang pagka stress at pagka ilang dahil sa nangyayari.. Nakakainis naman kasi, si Jane naman kasi..
"Cut!.Ano ba yan!. Gutom na ang lahat ng tao..Ayusin nyong dalawa kundi uuwian ko kayo!..Dyos ko po 5 seconds na scene lang 'to di pa natin matapos.!", pagalit pa ni direk sa amin pareho pero di nalang kami umimik.
"Ganyan ba ang mag jowa na matagal na naghiwalay?. Puro awkwardness ang nakikita ko at hindi pagka miss sa isa't-isa..Ayusin nyo..Isa pa tayo..",sermon ulit ni direk.
"Haay..nakakainis..",bulong ko pa.
"Okay lang yan..ayusin na natin..Tignan mo yung mga nasa paligid.. halatang pagod at puyat na sila..Ayusin na natin?.",sabi pa ni RC at napangiti naman ako dahil doon.
![](https://img.wattpad.com/cover/86138882-288-k606334.jpg)
BINABASA MO ANG
Forget You Not (Miss Sungit and Me book 2)
FanfictionIf you ever read Miss Sungit and Me..Sure you will understand it's book two. This is story is about Kyle and RC.. couple who use to believe that forever exist even in "this" kind of "thing".. Paano nga ba muling iikot ang istorya ng masungit at...