RC's POV;
"RC..",tawag sa'kin ni Kyle habang nakasakay sa kotse nya.. Binaba pa nya yung salamin ng kotse para makausap ako..
'..mukhang pauwi na sya...'
Nandito pa kasi ako sa labasan, sa building ng G. Ads, hinihintay si Dylan kanina pa.. sinusundo kasi nya ako everyday.. At ngayon lang sya na-late ng ganito..
Halos two months na din kami, at ito, nasasanay na ako kahit papano sa presence nya.. He's a good person at gaya ng hiling nya noon, binibigyan ko naman sya ng time para mas makilala ko pa sya..
"Yes?.", sagot ko sa nakangiti pang si Kyle.. Nawawala nanaman yung mata nya sa sobrang ngiti..
"Kanina kapa dyan?. Akala ko kanina kapa nakauwi?.",tanong nya.
Kanina pa kasi talaga ako naka out sa office,. nag paalam pa nga muna ako sa kanya bago ako lumabas e.. At ito, naabutan pa din nya ako..
'...Haay,. kainis!....'
"Medyo.. hinihintay ko pa kasi si Dylan e...", sagot ko.
"Ahh..okay,. Darating paba yun?.late na ha..",tanong nya..
Mukhang nahalata nya na kanina pa ako inip na naghihintay kay Dylan.. Nakakahiya tuloy, baka kas isipin ni Kyle na lagi akong pinaghihintay ni Dylan ng ganito kalala..
"Hopefully.. hinihintay ko pa din kasi yung text nya e.. Sabi nya naman kanina na he's going to pick me up.."
Pero ang totoo, halos 1 hour na akong naghihintay kay Dylan.. Di ko lang alam kung nasaan yun.. Hindi naman sya nale-late ng ganito katagal e..At lalong di nya nakakalimutan na mag text sa'kin... Ngayon lang..
"Ahh... okay..", sagot nya tsaka nya pinark ng maayos ang sasakyan nya sa gilid habang naka ngiti sa'kin.
'..anong gagawin nito?..',sabi ko sa isip ko habang nakatingin sa kanya..
"What are you doing?.",takang tanong ko.. Bigla kasi syang bumaba sa sasakyan at lumapit sa'kin..
"Sasamahan kita..", sagot nya habang nakangiti padin tsaka sya tumayo sa gilid ko..
'..soos, wag ka mag pa-cute.. please lang..'
"Maghintay?. Wag na.. okay lang naman ako dito.. nandito din naman yung guard..",pag pilit ko..
Pero ang totoo, hindi talaga ako okay.. Wala pa naman akong kotseng dala, umasa din kasi ako na hinahatid at sundo ni Dylan kaya di ako nag dala.. And it's already 8pm, malamang mag commute ako mag-isa, ng ganitong oras, pag di dumating si Dylan.. Isa pa, kaninang umaga pa di maganda ang langit.. paano kung biglang bumuhos ang ulan?.
'..Haay..nasaan kanaba kasi Dylan?..'
"Soos..okay lang..tsaka medyo gutom talaga ako e..gusto mo kain muna tayo habang hinihintay mo sya?..",sabi nya habang kunwaring hinihimas yung tyan..
"Wag na, baka kasi bigla din syang dumating..hanapin pa nya ako.."
"Ee nasaan na daw ba sya?. Nag text naba?.",tanong nya.
'..Oo nga noh..baka nag text na yun..', sabi ko sa sarili ko tsaka ko chineck ang phone ko..
"Haay..wala pa ding reply e..", disappointed kong sagot.
"Edi kumain na muna tayo..",tsaka nya ako hinawakan sa kamay.. "Let's go..gutom na ako e.."
"H-ha?.T-teka.."
Aangal pa sana ako kaso wala na akong nagawa. Hawak nya padin ang kamay ko nang tinawid namin ang kalsada para pumunta sa isang convenient store sa harap ng G. Ads..Pinapara pa nga nya yung mga sasakyan, makatawid lang kami ng mabilis..
Nakatingin lang ako sa kamay namin habang patawid kami.. 'Teka, kinikilig ba ako?..'
"Oh, ayan ha.. dito lang tayo kakain para pag dumating sya, madali natin makita..", nakangiti pang sabi nya.
Tsaka kami umupo sa mga naka set up na upuan at mesa sa loob ng convenient store.. Good thing is gawa sa salamin yung wall ng store kaya tanaw dito yung entrance sa G.Ads.. Nakaharap din doon yung upuan at lamesa kaya madali kong makikita si Dylan pag dumating sya..
"Para namang may choice pa akong humindi e nandito na tayo..", sagot ko habang naiiling nalang sa kanya..
'.. kahit kelan talaga, makulit talaga 'to..'
"Wala..diba nga, ako ang boss?..", sagot nya sabay kindat sa'kin..
"Soos..minsan sa buhay mo e ako yung naging boss mo..", sagot ko tsaka ko sya dinilaan..
"Talaga?.When was that?.",amazed na tanong nya na parang tungkol sa trabaho yung sinabi ko..
'..Nangyari yun noong tayo pa.. Nakalimutan mo lang..'
"Joke lang..", sagot ko.. "Akala ko ba gutom ka?.",pag-iba ko ng topic.
"Ayy, oo ngapala.. what do you want to eat?.",tanong nya habang tinatanaw yung mga food sa paligid.
"Ikaw na ang bahala..", sagot ko. Tumango lang sya sa'kin tsaka tumayo at nag tungo sa mga naka display na pagkain sa likod namin..
Habang bumibili si Kyle ng food, kinuha ko ulit yung phone ko tsaka ko dinial yung number ni Dylan.. Kaso di parin sumasagot e..Tsaka ako nag text nalang sa kanya, para sabihin na naghihintay padin ako sa pag dating nya..
'..ano kayang nangyare doon..', ang totoo, medyo nag-aalala na din ako sa kanya.. Di naman nya gawain yung nale-late ng di ako sinasabihan e..napa titig nalang tuloy ako sa phone ko habang iniisip kung nasaan na si Dylan..
"Wag mo isipin yun.. mahal ka noon..", naka ngiting singit ni Kyle sa pagiging tahimik ko habang hawak nya yung tray na may mga pagkaing binili nya..
"Ang dami naman nyan?.", sabi ko pa habang nakatingin padin sa food na dala nya..
Paano ba naman, bumili sya ng two set ng ice cream, cup noodles, hotdog at soft drinks..Gutom na gutom nga yata sya..
'...wait,. cup noodles at ice cream?. malamang mangilo ang ngipin ko nito..'
"Ee di ko kasi alam kung anong gusto mong kainin e.. Tsaka, diba sabi ko gutom ako?.", nakangiting sabi nya.
"Ikaw lang naman ang gutom diba?.", sagot ko.. 'Nadamay pa talaga ako sa katakawan nya..'
"E baka kasi hanggang mamaya kapa mag hintay kay Dylan e..ayaw mo noon, at least busog ka..", ngiting sagot nya..
At wala nga akong nagawa kundi kumain nalang habang nakikipag kwentuhan sa kanya tungkol sa kung ano-ano lang..
Hanggang sa kumonti nalang ang mga tao sa loob ng convenient store.. Para tuloy kaming nagde-date..
'..Haay nakow RC, wag mo isipin na date yan.. She's just being kind..', pagalit ko sa sarili ko..
"Ahmm RC..",tsaka sya parang napatingin ng seryoso sa labi ko..
'..wait anong iniisip nya...'
"Y-yes?.",medyo kabadong sagot ko..paano, seryoso lang syang nakatingin sa'kin..Sa mata ko, tapos lilipat yung tingin nya sa labi ko..at paulit-ulit yun, sinong di kakabahan?.
"Ano kasi..ahhmmm..",parang ilang din ng sagot nya, tsaka sya napa kagat ng labi.. Habang unti-unti nyang nilalapit yung mukha nya sa'kin kasabay ng titig na titig padin sya sa labi ko..
Di ko din tuloy maiwasang mapatitig din sa labi nya habang napapahawak pa ako sa dibdib ko, na ngayon ay mabilis na mabilis na ang tibok...
'..t-teka..is she going to kiss me?..'
Yun yung iniisip ko nang bigla nyang punasan ng tissue yung gilid ng labi ko..
"May ketchup kasi yung labi mo.. Pero yan wala na..", nakangiti pang sabi nya tsaka balewalang pinag patuloy yung kinakain nya..
"A-ahh.. salamat..", nahihiyang sagot ko.
'..assumera ka kasi..',pagalit ko pa sa sarili ko habang feeling ko e lulubog na ako sa hiya..Tsaka ko disappointed na tinuloy nalang din ang pag kain ko..
*..... bzzzzzzt... bzzzzzzt....*
"May nag text yata sa'yo..",sabi ni Kyle habang nakatingin sa phone ko na naka patong lang sa mesa..Tango lang ang sinagot ko sa kanya tsaka ko binasa yung message sa phone ko..
( Hello honey, sorry kung late.. pasensya na, may emergency kasi, di kita masusundo ngayon.. Really sorry, ingat ka.. Love you.. -Dylan ) ,basa ko sa text nya.
Ang totoo, ngayon lang ako na disappoint kay Dylan.. Paano ba naman, isang oras na akong naghihintay sa kanya, tapos ngayon lang nya sinabi na di na sya dadating.. Buti nalang, nandito si Kyle kaya nalibang ako..
"Hey..what happened?.",nag aalalang tanong ni Kyle, napansin nya siguro na naka simangot ako pag tapos ko basahin yung text.. "May problema ba?."
"Si Dylan kasi..di na daw sya makakarating..",inis na sagot ko..dahil malamang, umuwi ako ng mag isa.. "Emergency daw.."
'..Sana di ko nalang iniwan sa bahay yung kotse ko..'
"Good.. ah-I mean, okay lang yan.. If you want, ako nalang ang mag hatid sa'yo?.", nakangiting sabi nya.
"H-ha?. Wag na..maaabala pa kita..", sagot ko.
"Soos.. okay lang yun..tsaka late na din,.malayo kapa diba?. Para at least alam ko na safe ka..",pag pilit nya..
"Wag na nga.. okay lang..tsaka baka gabihin ka din.."
"It's okay, wala namang pasok bukas diba?. kahit mapuyat pa ako..",sagot nya sabay kindat sa'kin.
'..nag pa cute pa talaga..'
"Wag na nga.. okay lang ako promise.."
"tsssk..I insist..wag kana mag pilit, di ka mananalo..",biro nya pa..
'..asa ka, lagi akong nananalo sa'yo......noon...'
At wala nga akong nagawa, dahil di pa kami tapos kumain ay hinatak nanaman nya ako palabas ng convenient store.. hanggang makarating nga kami sa kotse nya..
"You first Ma'am..",naka ngiting sabi nya nang pinag buksan pa nya ako ng pinto ng sasakyan..
"Thank you..", sinakyan ko naman ang trip nya.. Feeling ko kasi, trip nya mag feeling princess charming ngayon e..
"Seat belt Ma'am..", pagpapa-alala nya pa, tsaka ako natatawang kinabit nalang ang seat belt ko.. Habang napansin kong ganon din ang ginagawa nya..
"We're ready.. Let's go..", nakangiti pang sabi nya na parang alam nya naman kung saan ako nakatira.. Napapangiti nalang tuloy ako sa kakulitan nya..
Ang tagal na kasi nang huli syang nakarating sa bahay namin..Di ko nga alam kung bakit mapilit sya ngayon.. Ang di lang ako sure e kung anong magiging reaction ni Nanay pag nakita sya..
~~~~~~~~~
Kyle's POV;
"Nay... nandito na po ako..",tawag ni RC sa Nanay nya habang pumapasok sya sa pinto ng bahay nila..
Ang totoo, kinakabahan ako na makilala ang pamilya nya.. Di kasi ako prepared talaga,. Paano kung di maganda ang maging impression nila sa'kin..
'.. bakit nila kailangan ma-impressed sa'yo.. boyfriend kaba?.',pag papa-alala ng epal kong utak sa'kin..
I know na di ako ang boyfriend..pero kahit na.. Mahirap na ma bad shot sa kanila.. Baka di pa ako makabalik..
'..diba nga, first impression last..'
"Kyle..ano pang ginagawa mo dyan.. pumasok kana kaya..",tawag pa sa'kin ni RC.. napansin siguro nyang nahihiya pa akong pumasok sa bahay nila..
Tsaka nga ako pumasok..
In fairness, maganda at malinis ang bahay nila, nakadagdag sa aliwalas ng paligid yung puting pintura pa nito.. May kalakihan din pero palawak ang bahay nila at hindi pataas..Parang bungalow..
At base sa mga kwento ng mga kaibigan namin, sya daw ang dahilan kung bakit nagkaroon sila ng ganito kagandang bahay.. Dati daw kasi e hindi sa isang subdivision nakatayo ang bahay nila..parang rags to riches nga daw ang buhay ni RC, at dahil yun sa kasipagan nya..
'...Well..di naman ako na surprised doon.. masipag naman kasi talaga sya..'
"Oh..ano pang hinihintay mo, maupo ka kaya..", natatawang sabi pa ni RC.. tsaka ako tarantang umupo sa sofa..
E pano ba naman, nahihiya kaya ako.. Tsaka di magandang manners ang mag feeling bahay na bahay sa isang lugar na di naman sa'yo..
"Wag kana mahiya..",sabi pa nya at napatango lang ako..
'.. nalunok ko yata ang dila ko..'
"Oh anak..kanina kapa dumating?.", bungad ng babae na kakalabas lang mula sa isang kwarto..nasa 50's na siguro sya..
Bigla tuloy akong napatayo sa gulat ko nang marinig ko ang boses ng babae..Tsaka sya naka-kunot noong tumingin din sa'kin habang tinitignan ako mula ulo hanggang paa.. Maya-maya pa ay ngumiti din sya sa'kin..
'..sya siguro ang Nanay ni RC...', magkamukha kasi sila..Bata lang si RC pero ang totoo ay maganda pa din ang babaeng kaharap na namin ngayon..
"Nay..kasama ko ngapala si Kyle.. sya po ang nag hatid sa'kin..",pakilala pa ni RC.
"Kamusta po kayo..",tsaka ako parang Korean na yumuko sa kanya.. stiff na stiff ako dahil sa kaba..Di ko alam, pero para akong natuod dahil sa presence ng Nanay nya..
"Ikaw ang kamusta?.",tanong ng Nanay nya habang nakatingin padin sa'kin.. "Ang tagal mong di nagpakita dito ha.."
"H-ho?.",utal na sagot ko.. Nahihiya kasi talaga ako..
Pero yung tanong nya.. sinabi nya yun na parang nakarating na ako dito noon pa.. Ganitong-ganito din yung tono ng Lola ni RC noon nang dalawin namin ito sa Tagaytay..
"Nay..di pa po sya magaling diba?.", singit ni RC na bahagyang lumapit sa Nanay nya..
"Ahhh..akala ko kasi...", sagot ng Nanay nya na napapa-tango lang.. "Upo ka Kyle..wag ka mahihiya ha..", dugtong pa nito habang nalang sa'kin..
"S-salamat po..", sagot ko tsaka ako umupo.
"Ngapala nak, nasaan naman si Dylan.. bakit si Kyle ang nag hatid sa'yo?.",tanong ng Nanay nya tsaka umupo din sa harap namin..
"May emergency daw po e..kaya ayun...", sagot ni RC sa Nanay nya tsaka napa tango naman yung isa na parang na gets agad yung sinabi ni RC.
"Ahmm.. wait lang Kyle ha.. magpapalit lang ako ng damit, medyo naiinitan na ako sa suot ko e..",paalam ni RC, tumango lang ako tsaka sya pumasok sa isang kwarto..
"Iwan muna kita dito ha.. kukuha lang ako ng makakain nyo ni RC..",sabi pa ng Nanay nya tsaka akmang tatayo..
"Naku, wag na po kayo mag abala.. busog pa po ako..", sagot ko.
"Soos na bata ka..wag kana mahiya.. Sigurado akong namiss mo ang luto ko..",pag pilit pa nito tsaka pumunta na nga ng kusina..
BINABASA MO ANG
Forget You Not (Miss Sungit and Me book 2)
FanfictionIf you ever read Miss Sungit and Me..Sure you will understand it's book two. This is story is about Kyle and RC.. couple who use to believe that forever exist even in "this" kind of "thing".. Paano nga ba muling iikot ang istorya ng masungit at...