chapter 4: Come Back Home

1.2K 41 6
                                    

RC's POV;

Andito na ako ngayon sa airport, inip na naghihintay ng sundo ko..Kanina ko pa kasi kino-contact e..ang reply sa'kin puro "on the way" lang..psshhh..

After nga kasi ng tawag ni Jane sa'kin ay dali-dali akong umuwi sa Pilipinas..Kinapalan ko na din ang mukha ko, nagpatulong na ako sa kanya to book a flight para lang makauwi ora mismo..

Hindi ko naman din gusto na pag may mangyaring masama o kung ano man ay malayo ako sa lahat.

...flashback...

"Ano ba RC..baka ikaw naman ang atakihin dyan..",pagpapa kalma sa akin ni Phil.

Habang ako naman ay di na mapakali dahil sa balitang itinawag ni Jane kani-kanina lang..Ni hindi ko nga namalayan kung paano ako naihatid ni Phil dito sa tinutuluyan ko.

"Paano ako kakalma kung nandito ako?.Nag aalala ako sa nangyayare sa atin Phil..",halos mangiyak-ngiyak kong sagot kay Phil.

Kanina ko pa talaga gusto maiyak..ang kaso'y alam ko namang di makakatulong ang pag iyak ko sa sitwasyon. Paano kung may mangyaring masama sa kanya..

"Psshhh..how will you able to think better kung ganyan ka?.",sabi pa nito.

May point sya, napa buntong hininga nalang tuloy ako sa sinabi nya. I need to think better..

"Oh, ano nang balak mo?.",tanong ni pa Phil na nag aalala na din.

"Uuwi ako sa atin Phil..hindi pwedeng dito lang ako, naghihintay ng balita sa kung anong nangyare sa kanya..habang sya..haaay..",sagot ko.

"Paano?.",tipid na tanong ni Phil.

"Natawagan ko na din naman ang secretary ko para sa pagpapa-book ng flight pauwi sa atin..nakisuyo nadin ako kay Jane para mapabilis na..",sagot ko.

"Paano yung trabaho mo?.",curious na tanong nya.

"Magpapaalam ako ng maayos,I'm going to ask for a leave..I guess for a month if it needs to.. 'wag ka mag alala..",sagot ko ulit habang sya ay napatango nalang sa sinabi ko.

"Una palang, dapat di na ako umalis..",hindi ko na talaga napigilan ang luha ko dahil sa sobrang pag aalala, agad naman nya akong nilapitan para aluin..

"Soos RC..wag kana umiyak..Lumolobo sipon mo oh..",biro pa ni Phil.

"Gago.!",sagot ko.

Seryoso na sana bwisit pa, pareho talaga sila ng best friend nya..Alam ko naman din na pinipilit lang nya pagaanin ang nararamdaman ko kaso di ko maiwasan..

'paano kung mawala sya sa akin ng tuluyan?.',siraulong isip, ayaw tumigil.

Pero isa lang ang alam ko, uuwi ako kahit anong mangyare..kasi alam kong ako ang kailangan nya sa panahon na'to..

...end of flashback..

"Ate!.",sigaw ni JR habang kumakaway sa kabilang side ng waiting area dito sa airport.

Kinawayan ko naman din sya para lumapit sa'kin at ginawa naman nya ito. Kinuha na din nya ang mga gamit ko at isinakay sa kotse.

"Ate si...."

"Alam ko na..bilisan mo nalang para maka punta na tayo ng ospital..",putol ko sa sasabihin ng kapatid ko.

"Doon tayo didiretso?.",tanong pa nito.

Tumango nalang ako to answer him. Pag ganito kasing stress ako e mas gusto kong tumahimik sa byahe habang pinagmamasdan ang paligid. Hinayaan ko nalang ding nagku-kwento sa byahe si JR tungkol sa nangyare..

Forget You Not (Miss Sungit and Me book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon