chapter 39: Searching

46 2 0
                                    

  
   
 
Kyle's POV;
   
  
 
'..nasaan kaba kasi RC..'
   
 
  
Ilang araw na ang nakalipas buhat nang araw na iyon.. At ilang araw din na di pumapasok si RC, kahit magparamdam ay hindi nya ginagawa.. Nag iwan lang sya ng letter sa HR na mag li-leave sya for personal reason.. Ang tanong ay hanggang kailan..
    
 
  
Minsan, para akong baliw na dadaan sa office nya.. Sisilipin kung pumasok naba sya.. Kaso wala e..
  
  
 

'..kung ano man yang nararamdaman mo, sana sinabi mo sa akin..'

 
 
     
    

  

........flash back........
  
     

"Ano Kyle, nakita mo ba sya?..", bungad sa'kin ni ate Lyra at tanging iling lang ang ginawa ko..

  
Ang totoo, hindi ko talaga alam kung saan sya hahanapin at kung saan sya susundan, ilang minuto din akong nag drive around the area, pumunta sa mga possible na lugar kung nasaan sya, pero kahit anino nya ay hindi ko makita..
    
  
  

"..nasaan nanaman kaya yung bata na yun!..", galit na wika ng tatay nya.
     
  
   
"Arnulfo..kumalma ka nga, walang magagawa ang galit na yan.. Imbes mag alala ka sa anak mo e nagagalit kapa!.",saway ng nanay ni RC sa asawa.
   
    
   

"..paanong di ako magagalit..nakaka hiya!..",sagot pa ng Tatay ni RC.
   
    
   
"Tatay, Nanay.. manong kumalma nga kayo.. Nawawala na nga si ate ay nag aaway pa kayo..", awat ni JR, kapatid ng RC, sa mga magulang.
    
    
   
"Pag nakita ko talaga yung bata na yan, malilintikan..", habol pa ng Tatay nya.
     
      
    

"..kalma na po kayo tito..baka po atakihin kayo..",singit ni Jel, tsaka nya dinala ang pamilya sa sasakyan nito.
    
   
  

"Pasensya na, di ko talaga nakita e.. Di ko alam kung saan pumunta..", malungkot na balita ko kina Jane.
    
   
    
"Okay lang, hayaan mo na.. I time, magpaparamdam din yun..",sagot ni Mitch
    
   
    
"Dejavou...",bulong ni Jane na narinig naman ng lahat.
   
  
  

"..Jane, tigilan mo..",awat ni Mitch.
    
  
              
"Oh, kamusta yung parents ni RC..", tanong ko ka Jel nang makabalik na ito sa amin..
      
    
      
"Ayos lang, uuwi na daw muna sila sabi ni Jr, sakali din daw ay susubukan nyang tawagan ang ate nya..", sagot ni Jel.
    
    
        
"Sabagay, di naman makakatiis si RC e, malamang tatawag din yun sa Nanay nya..",dugtong naman ni Mitch.
     
     
       
"Kamusta pala si Dylan?.",tanong ko.
      
   
       
"Ayun, kausap ni ate Lyra..",sagot ni Jane. "Pinapakalma din nila.."
     
   
     
"Tara puntahan natin..",sagot ko.
       
    
      
Akmang lalakad ako papunta kay Dylan ay hinawakan na agad ako ni Jane, tsaka sya umiling.
      
   
    
"Wag na Kyle.. dito na ka nalang..dito nalang tayo, hayaan na natin si ate Lyra, kaya na nya yan..",sabi pa nito.
     
      
    
        
"Or umuwi na muna tayo, para makapag pahinga na tayo at masyado nang maraming nangyare sa araw na'to..",suggestion naman ni Mitch. Tsaka kami nagpaalam na din sa lahat ng nandon..

   
       
     
     
...... end of flash back ......
     
        
       
'..Hindi ako pwedeng mag hintay lang dito na nag aalala kung nasaan ka..'

  
 
Ilang minuto pa ay maaga akong nagpaalam sa secretary ko para pumunta sa bahay nila RC, upang maki balita sa kanila..
    
           
"..Good afternoon Jr.. nandyan ba si Tito at Tita?.",magiliw na bungad ko sa kaharap habang naka tayo sa gate ng bahay nila..

Forget You Not (Miss Sungit and Me book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon