chapter 30: Dressed Up

583 18 12
                                    

 
RC's POV;
  
   
"Oh.. where's Kyle and Deb?.",tanong ni ate Lyra sa'kin pagkalapit ko sa kanila.
   
  
Kasama nya ang iba pa bukod kay Dylan na nasa ibang hotel nga naka check in at kina Deb at Kyle na iniwan ko sa room namin.
  
   
Nandito na kasi kami ngayon sa dalampasigan as our meeting place, sun bathing ang trip namin ngayon at maya-maya ay magta-try naman kami ng mga activities na pwede naming gawin dito sa Bora.. Alam kasi namin na maraming magagandang lugar dito, at marami ding boutique na pwede bilhan ng pwedeng pang pasalubong kina Nanay.. Yun kasi ang bilin nila sa'kin e..
   
    
'.. anyway, nasaan nga ba si Kyle..'
   
  
"Ha?.ewan ko..iniwan ko sila ni Deb e..ang tagal kasi magsipag bihis e..", sagot ko tsaka ako naupo sa buhangin sa tabi nila.
    
   
"Oh, ayan na pala si Debbie e..",sabi pa naman ni Jel habang nakatingin sa papalapit na si Deb.
   
  
"Guys!.guys!..",excited na sabi ni Deb ng makalapit sya sa amin. At parang kilig na kilig pa nga na ewan.. "matutuwa kayo sa makikita nyo.."
   
  
"Anyare sa'yo?. where's Kyle?.", nawi-wirduhan ding tanong ni Jane sa kanya..
  
  
"Guys...Let me present to you..the CEO of G.Ads..Kyle Guevara!.", tuwang-tuwang introduction ni Deb kay Kyle tsaka kami napa tingin lahat sa likod, patungo sa taong tinutukoy nya.
     
   
Bahagya ko pang binaba yung sunnies ko para makita ng malinaw ang parating.. And to my surprise, nakita namin ang pormadong si Kyle..Naka shades pa sya and as usual, gwapong-gwapo sya sa suot nyang floral light blue polo na nakapatong sa loose white t-shirt, na binagayan din ng white shorts and black flip-flops.
   
    
Parang nag slow mo yung unti-unti nyang pag lapit sa amin habang naka pamulsa pa sya at inaayos yung sun glasses na suot nya.. At dahil dito, bigla nanaman bumilis at di nanaman naging normal ang tibok ng puso ko..Nakatanga lang ako habang nakatingin sa kanya.. At yung ngiti nya,.tipid pero makalaglag panty, este puso pala.. 'gaya padin ng dati..'
     
    
'.. compose yourself RC!..'
   
   
"Para kang tanga dyan Deb..stop that will you?.",sita ni Kyle sa kaibigan na OA ang pagpapa-kilala sa kanya..
   
   
"Why?.bagay naman sa'yo ha..diba RC?.", sagot ni Deb sabay baling sa akin.
   
  
"H-ha?.A-ah..Oo, b-bagay sa'yo..", sagot ko habang tarantang pino-proseso sa utak ko yung biglang pag tawag ni Deb sa pangalan ko..
   
   
At tanging smirk naman ang sinagot sa'kin ni Deb, nahalata nya yata yung pagka tense sa mukha ko..Ee paano titig na titig ako sa creation nya..
     
    
"Thanks..", sagot ni Kyle na lalong nagpataranta ng sistema ko. Naramdaman ko pa yung unti-unting pag init ng buong mukha ko dahil sa hiya.. Nag iwas nalang ako ng tingin sa kanya para di nya mahalata yung hiya na pilit kong tinatago..
   
  
'..Kinikilig ba ako?.ano ako bata?.'
   
  
"Wow cauz'.. pormado ha..saan lakad?.", amazed din na comment ni Marco sa kanya.
  
  
"Dude..magkaka girlfriend kana ulit..",biro naman ni Phil tsaka umakbay sa kanya.."pogi e.."
  
   
'Dude..magkaka girlfriend kana ulit..'
    
   
'Dude..magkaka girlfriend kana ulit..'
    
    
'Dude..magkaka girlfriend kana ulit..'
    
   
Ito yung salitang nagpa-init yata ng ulo ko.. At sa unang pagkakataon, gusto kong patayin sa pamamagitan ng matalim na tingin si Phil dahil sa sinabi nya..pero syempre, di ko pinahalata..mahirap na ma bully ng iba..
    
    
"Mga siraulo talaga kayo!.", sagot ni Kyle na hindi yata alam kung gaano ka-init ang panahon pero sinabayan nya pa.."Ayoko muna ng sakit ng ulo.."
   
    
"E bakit kasi tinalo mo yung dalawa sa pormahan?.",naka ngiting tanong ni ate Lyra habang nakadapa sa towel nya na naka latag sa buhangin.."Anong meron?."
   
   
Ganon nga din pala ang ginagawa ng iba pa..'..malamang, sun bathing nga e..' Ako lang naman yung ayaw muna mag sun bathing, di ko pa feel e..naka white long sleeve at maong shorts pa nga ako e..
    
   
"Oo nga, pogi mo dyan..nakaka-in love e..",biro pa ni Jane habang nakatingala sa kararating lang na kaibigan.
  
   
"Gosh gurl..move on!.", sagot ni Mitch kay Jane.."Hanggang ngayon ba naman?.",sabay peace sign sa kaibigan.
    
    
Oo nga..di na ngapala lingid sa kaalaman ko at ng iba sa amin na nagkagusto si Jane kay Kyle noon.. May time pa nga na pinag selosan ko ang closeness nila kahit kami na noon, pero syempre nawala din naman yun..
     
    
"Sira.. I already did noh..nong naging sila ni..........",biro na sagot ni Jane habang nakatingin sa'kin.. Di na nya natuloy yung sasabihin dahil tinignan ko na sya agad ng masama..
   
   
"Nino?...",takang tanong ni Kyle na halatang nabitin sa sinabi ni Jane.. Napakunot pa nga ang noo nya dahil dito.
   
   
"Naku.. it's nothing..", sagot ni ate Lyra kay Kyle..
   
  
"Bakit kasi bihis na bihis ka?.", curious na tanong ko..
   
  
"Bihis na bihis ba ako?. Di naman masyado.. besides, it's not my fault..Si Debbie kasi, pinag-tripan yung mga dala kong damit..", casual sagot nya.
    
      
"Ee paano,..kung nakita nyo lang yung suot nya kanina, parang hindi CEO ng malaking company e..Ang panget ng style..", maarteng sagot ni Deb habang naghahanda na din sa pag sun bathing.."Kaya tinulungan ko na..at ang galing ko diba?."
   
  
"Why?. what's wrong with my style?.", sagot naman nong isa.
   
  
"Wala naman, jologs lang..e paano, kung ano lang yung makuha mo sa bag mo e yun na yung susuotin mo.. Di ka man lang mag isip ng new style..Tsaka, para saan pa at nasa fashion industry ako kung di ko maayusan yung mga kaibigan ko?.at aminin mo, bagay sa'yo..", sagot ulit ni Deb tsaka dumapa sa towel na nilatag nya sa buhangin..
   
    
"Nice ha.. great job Deb..", comment ni ate Lyra. "Maganda diba RC?."
   
    
"A-ah..y-yeah.",utal na sagot ko..nagulat kasi ulit ako nang si ate naman ang humingi ng opinion ko..di ako prepared..
   
  
'.. bakit ba kasi laging ako yung dapat may opinion?. talaga naman..'
    
    
"Oo na.. thanks anyway..", walang ganang sabi ni Kyle kay Deb. Yung isa naman, nag thumbs up lang as an answer, feel na feel yung araw e..
   
   
Tsaka ko napansin yung tatlong magagandang babae na kanina pa dumadaan sa harap namin.. And take note, halata ang pagpapapansin nila sa amin, lalo na kay Kyle.
    
    
"Dude.. nakita mo yun?.", bulong ni Marco kay Kyle habang naka akbay pa ito sa kanya..
   
  
Gaya ko kasi, ay di din sila nakipag sabayan sa iba mag sun bathing, sa halip ay naupo lang kami sa gilid ng iba pa habang pinagmamasdan ang paligid..
   
  
"Alin?.", sagot ni Kyle.
   
  
"Kanina kapa tinitignan ng mga chix doon oh..", sagot ni Marco habang naka tingin sa mga babaeng naka tingin din sa amin..
   
   
Gaya ng mga kaibigan ko kasi ay nagsa-sun bathing din ang mga ito wearing their two piece..
    
   
Tsaka naman tumingin ang lahat sa kinaroroonan ng mga babae.. mukhang narinig din kasi ng lahat ang sinabi ni Marco.
   
    
"Yung mga babae doon sa umbrella..", sagot ulit ni Marco sabay turo sa mga babae na tinutukoy nya..
  
   
"Oh..ano naman?.",walang ganang sagot ni Kyle na mukhang nauna pa akong makapansin na naka tingin ang mga ito sa kanya..
  
     
"Ano kaba..kanina pa sila naka tingin sa'yo..", sagot ulit ni Marco na parang sinilihan ang pwet sa excitement dahil sa mga babaeng magaganda.. pasimple pa nyang kinawayan yung mga babae na kumaway din naman sa kanya pabalik.. '..harot!..'
   
     
'..isa pa 'to si Marco..sasampigahin din e..',inis na sabi ko sa sarili ko habang naiiritang naka tingin sa kanila..buti nalang di halata yung pag titig ko ng masama sa mga ito, salamat sa sunnies..
     
   
"Nakz naman Kyle..chick magnet ha..",sabi naman ni Jel."Ang gaganda oh..lalo na yung isa.."
   
   
"Baliw.. isa kapa..",walang pake na sagot ni Kyle na umiwas na ng tingin sa mga babae kanina.
  
  
'..sabagay, si Marco lang naman yung di mapakali e..'
  
  
"Hoy ikaw..yung mata mo ha.. subukan mo lang..tutusukin ko yan!.",sita ni Mitch sa girlfriend nang mapansin na naka tingin din si Jel sa mga babae.."may pag comment kapa talaga ha!.",sabay irap pa nito..
    
   
"Hala.. behave ako noh..ikaw lang love ko e..tsaka para kay Kyle yun diba?..", sagot ni Jel sabay yakap sa girlfriend na di padin sya pinapansin..
  
   
'..lagot ka ngayon Jel..'
     
     
"Anong sa'kin?. Tigilan nyo ako will you?.Not even interested..", walang ganang sagot ni Kyle habang naka upo lang sa buhangin sa tabi ko..mas trip nya pa yata ang mag muni-muni kesa mag harot..'..buti naman..'
    
    
"Ikaw naman Kyle..minsan lang e..tsaka para naman mapalitan mo na yung ex mo..",biro din ni Phil.
    
     
"Not that topic Phil..", sagot naman nya.
  
   
"Oh..ayaw mo noon..maisasampal mo din sa ex mo na di lang sya yung may kayang mag hanap ng iba..", diin pa ni Marco.
   
  
"Wow..mga B.I din talaga kayo e noh?.tigilan nyo na nga si Kyle..", singit ko sa kanila.
  
   
"Selosa..", pasimpleng bulong ni Marco, titigan ko nga ng masama.. Buti nalang di narinig ni Kyle kundi patay talaga sa'kin 'tong baliw na'to.. Si Phil naman, eto tinatawanan lang kami..
    
     
Di ako selosa noh..Nakakainis naman kasi yung kaka-break lang nila, at technically na wala pang 3 months e mag haharot na agad sya.. di ba nila alam yung 3 month rule?. At itong dalawang 'to, bugaw din..
    
  
"Ngapala RC... where's Dylan?.",tanong ni ate Lyra na nag angat bahagya ng tingin sa'kin.."Di ba sya susunod sa'tin?."
   
  
"Ha?.not sure e..last text nya kasi is pupunta nalang daw sya dito..", sagot ko tsaka ko chineck yung phone ko.."baka nagbibihis pa yun.."
  
  
Nasabi ko na kasi kay Dylan kung nasaan kami, and as per him, susunod nalang daw sya sa'min after namin maghiwa-hiwalay kaninang after lunch..Gusto kasi namin mag punta sa mataas na bato, yung may tinatalunan dito sa Bora, I forgot the name pero sikat daw yung spot na yun dito..maiba lang..
   
   
"Hello, sorry I'm late...",bungad ni Dylan pagka lapit nya sa'min.
  
  
"Wow.. hottie huh..", comment ni Deb pagka kita dito..
  
  
Actually, hinead to foot nya si Dylan.. Angat naman kasi ang kagwapuhan nito sa suot nyang blue polo and white na stripe and black na shorts.. Medyo mababa pa ang pagkaka sara ng butones ng polo nya kaya medyo kita yung toned na chest nya..
  
    
'.. bakit ganon..wala syang dating sa'kin kahit na ang gwapo nya tignan sa suot nya...'
      
    
Pero habang nakatingin kay Dylan yung iba, si Kyle naman ay balewalang tinignan lang ito tsaka binalik yung mata sa dagat.
   
   
'..mukhang nakaka-amoy ako ng bwisitan.. nanaman..'
   
   
"Thanks..",naka smile na sagot ni Dylan habang nakangiti sa akin..
  
  
"Nadagdagan ng pogi ang grupo ha..", singit ni Marco.
  
  
"Oo, height mo lang naman ang di nadadagdagan e..", sarcastic na sabi ni Kyle sa pinsan..nagtawanan naman ang lahat dahil doon..
    
   
"Sayang-saya guys?.",pikon na sagot ni Marco.."At ikaw naman, ang taas mo din noh?.",sabay inis na baling sa pinsan.
    
     
"Oo naman, mas mataas pa sa'yo..", bulong ni Kyle.. mabuti nalang di narinig noong isa kasi malamang mahabang asaran ang mangyayari sa mag pinsan na'to..
   
  
Pero ewan ko, pakiramdam ko ay di nanaman trip ni Kyle yung presensya nong bagong dating..naging di nanaman kasi maganda ang timpla noong isa..
  
   
"Enough of that.., kumpleto na tayo.. we should go...", singit ni ate Lyra na tumayo na at nag ayos ng towel na hinigaan nya kanina.. Ganon din naman ang ginawa ng iba pa..
  
   
"Yey..gosh I'm so excited!..",tili pa ni Deb.."Let's go guys!.."
   
   
"Ahhmmm..mind if I ask..Saan tayo?.",tanong ni Dylan.
  
  
"Basta dude.. maganda doon..sama ka nalang..", sagot ni Phil kaya napatango nalang yung isa.
  
  
"Let's go?.", sabi ni Kyle after nya tumayo..
  
  
"Tulungan na kita?.",sabi naman ni Dylan.
  
  
Sabay na humarap sa'kin yung  dalawa na sabay ding nilahad ang kamay nila sa'kin para alalayan ako tumayo..
    
  
'..hala..paano 'to?..'
   
   
Napansin ko pa yung pag titig ni Kyle kay Dylan at pag tigtig din ng isa doon sa isa, na parang pareho nilang sinasabi sa isa't-isa yung word na"ako na", at pareho din nilang hinihintay yung kung kaninong kamay ang aabutin ko sa kanilang dalawa..
  
  
"Let me help you RC..",sabi pa ni Dylan na sarcastic na nakatingin kay Kyle pero naka ngiti naman sa'kin.
     
    
"No..ako na ang tutulong sa kanya..", madiin na sagot ni Kyle na nakatingin din sa'kin,pero yung parang sinasabi na 'subukan mong kunin yung kamay nya at makikita mo..'  habang naka lahad padin ang kamay at hinihintay na abutin ko..
  
   
'..Wala talagang ka sweet sweet ang ugok na'to..'
     
    
Ako naman, napahinto lang at napatingin lang sa dalawa.. nalilito kasi ako kung kaninong kamay ang aabutin ko.. I mean, kung pipiliin ko yung isa e mapapahiya naman yung isa sa lahat..at ayoko naman na maramdaman yun ng isa sa kanila..
  
  
'..Ang hirap!, kaya ko naman kasi tumayo mag-isa e..ano bang naisip ng mga 'to at nagpaka gentleman pa?.'
   
   
"Dude.. it's okay, ako na..", sabi pa ni Dylan kay Kyle.
   
    
"Dude, ako ang nauna..Kaya ko na'to..", sagot ni Kyle.
  
  
Patuloy padin ang pagtatalo at pagtitinginan ng masama ng dalawa, nang biglang sumulpot sa gitna nila si ate Lyra, hinawi sila nito palayo ng konti sa'kin tsaka nito hinawakan yung mga kamay ko at mabilis na hinila at ako patayo...
   
   
"Oh diba ako na..dyos ko po..ako nalang ha!.ang tagal nyo e..baka bukas pa kayo matapos!...",inis na sabi ni ate Lyra tsaka nya ako hinila sa dalawa.."Para kayong mga bata!..",habol pa nito tsaka ako hinatak palayo sa dalawa.
    
    
"Tsk tsk tsk!..",pang-aasar pa ni Jane habang pailing-iling na naka ngisi sa dalawa, tsaka sya sumunod na maglakad sa'min ni ate.
     
      
Naiwan namang naka tanga lang yung dalawa sa likod namin.. Napansin ko naman ang simpleng pag ngiti at pag iling ng iba pa naming kasama tsaka iniwan din yung dalawa..
    
    
"Ganda mo girl..pinag-aagawan ka ng dalawang hottie..how to be you po?.",biro pa ni Mitch na may pigil na tawa.
   
    
"Sira.. tigilan nyo nga yan.. marinig kayo ni Kyle, mapikon pa yun..", sagot ko.
    
    
"Basta ako, team Dylan ako..", bulong ni Marco sa'min, sumunod din pala sya sa'min.
      
    
"Yung totoo?.sinong pinsan mo?.", sagot ni Phil na naka sunod kay Marco.
   
   
"Si Kyle...pero ayoko padin sa kanya..may problema yun sa height ko e..", sagot ni Marco, natawa tuloy kami sa maktol nya.. Maliit na version kasi talaga sya ni Jake Cuenca..i-imagine nyo nalang guys..hahaha..
     
     
"Ewan..basta team Kyle ako RC ha..", sagot ni Phil habang taas baba pa ang dalawang kilay..
    
    
"Sira!.ano 'to basketball?.may mga team?..", sagot ko sabay irap kay Phil.."Asa kayo.."
   
   
"Kainis ha.. sa'yo dalawa yung tumutulong..pero bakit sa'kin wala?.Maganda din naman ako ha..pero wala man lang nag abot ng kamay sa'kin para itayo ako..",angal pa ni Deb habang padabog na pina-pagpag yung towel nyang hinigaan kanina..
  
   
"Saan ang ganda?. Patingin?.",biro pa ni Jel kay Deb habang hinead to foot yung kaibigan.
 
  
"Tse!.", sagot ni Deb sabay irap.
  
  
Maganda naman si Deb.. masarap lang talaga sya asarin dahil pikon sya..
   
   
"Oh kayong dalawa?. Dyan lang ba kayo?.",tawag pa ni ate Lyra sa naiwan palang si Dylan at Kyle..tulala padin yata sila sa ginawa ni ate kanina.."Bahala na nga kayo dyan!."
    
    
Ang kukulit kasi, buti nalang sinagip ako ni ate..baka nakita nya din na di na ako okay dahil sa asta ng dalawang yun..parang dalawang bata na nag aagawan sa candy...tsk..
   
   
'..Haay..paano pa kaya kami mamaya...'
   
    
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
    
A/N;
     
    
Sorry sa late UD.. No edit..Next chapter na agad tayo.. Thanks for reading..
  
  
PS,
  
Miss you wife.. Love you..super..
  
-MVP

Forget You Not (Miss Sungit and Me book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon