chapter 33: Lunch

606 21 0
                                    

   
RC's POV;
   
    
    
"Hon, here..try this..",tsaka inilapag ni Dylan ang fish fillet na inorder namin for a dinner.."You should also try it with it's sauce..mas okay..", nakangiting dugtong pa nito..
    
   
"Cheesy...alagang-alaga ha..", comment naman ni Deb..
   
     
"Syempre.. you always need to  court your girl everyday kahit pa kayo na..", sagot pa ni Dylan habang nakangiti sa'kin..Di ko tuloy alam ang magiging reaksyon ko, kasi honestly, hindi ako kinikilig..
   
   
"Baduy..", bulong pa ni Kyle habang patuloy lang sa pag kain..Nakita ko naman kung paano sya tignan ng masama ni ate Lyra na narinig din sya malamang..
     
   
Nandito kami ngayon sa isa sa mga floating restaurant.. As in nakasakay kami sa isang balsa habang nasa gitna ng dagat.. Pina-set up 'to actually ni Dylan for us.. celebration nadin daw ng  pagiging official namin..
   
   
"Ito RC..ito ang subukan mo.. masarap 'to..",sabay singit ni Kyle habang akmang ilalapag yung beef steak sa pingan ko..
   
      
"Ah wag na..ako na..tsaka baka mapuno na yung pingan ko..", sagot ko.
   
   
Ayoko na kasing ginagawa nya 'to..yung parang aasikasuhin nya ako..I mean what for?. Besides, ayoko naman magka issue yun kay Dylan..
   
   
"Ahh..s-sige..",parang napahiyang sagot nya..
     
   
"Akin nalang..gusto ko nyan..",pagsalo ni Jel ng pagka pahiya ni Kyle.. naramdaman nya siguro na aloof na ako doon sa isa..
     
   
Alanganing ngiti naman ang binalik ni Kyle sa kanya tsaka walang choice na inilapag yung pagkain sa pingan nong isa..
    
   
"Dude.. someone's coming..", bulong bigla ni Phil kay Kyle habang nakatingin sa kung saan..
     
    
"Hanggang dito ba naman?.", narinig kong bulong ni Jane na napapa-roll eyes pa nang makita kung sino ang parating..pero di ko nalang pinansin, sabi ko nga sa sarili ko e di na ako single, kailangan ko nang ituon ang attention ko sa ibang bagay..
    
   
"Oh hi girls..",bati ni Marco sa kanila na parang tatakbo ng pagka Mayor sa sobrang welcoming ng dating nya..
    
   
"Hello..", magiliw na bati ni August kay Marco.. "Hello Kyle..",tsaka tinapunan ng malanding tingin si Kyle..Habang yung mga kasama nya naman ay humagikgik na parang kinikilig pa..
    
    
Naka jetski pa sila papunta dito..Si August na angkas si Daisy at si Lily yung doon sa isa..
     
   
"Ang sexy nyo naman sa tanghali..", pambobola pa ni Marco,.sa ilalim kasi ng life jacket e two piece swim suit lang ang suot nila at halatang galing sila sa pag langoy dahil medyo basa pa ang buhok nila..
     
     
"So, what brought you here?..",tanong pa ni ate Lyra sa kanila..
    
   
"Nothing, I mean nakita lang namin kayo and we think at least we can say hi to you guys?.", pa-cute na sagot pa ni August na may pakagat-kagat pa ng labi..
   
    
"Ang haba ng paa..sakto sa kainan..", sarcastic na mahinang sabi ni Mitch..
    
    
"What?.",tanong ni Daisy na halatang di narinig yung sinabi ni Mitch dahil sa lakas ng ingay ng makina ng jetski nila..
    
     
"Nothing.. I mean ang sarap ng food..", palusot pa ni Mitch tsaka sinubo yung food na nasa kutsara nya..Yung iba naman ay pigil ang tawa dahil dito..
    
     
"Do you wanna join us?.",biglang singit ni Dylan.."Marami pa namang space e..tsaka para ma try nyo din yung food.. masarap..", magiliw nya pang sabi sa mga ito..
   
   
Samantalang yung mga kasama namin, ayun napa roll eyes nalang sa tinuran ni Dylan.. kahit nga ako nainis e, ayoko kasi ng ibang level na kaharutan ng mga babaeng 'to..Ewan ko ba kung mabait 'to si Dylan o engot din, di man lang nahalata na ayaw naming mga babae sa tatlo..
    
   
"Are you sure?. nakakahiya naman..", sagot nong Lily..
     
     
"Okay lang..wag kayong....mahiya kayo..", sarcastic na sabi naman ni Mitch na buti nalang e di na gets nong tatlo..natatawa nalang tuloy kami..
     
      
Si Deb naman, nalilito lang sa kinikilos namin..paano sya lang yung wala sa kwentuhan kagabi..nagpa-iwan ba naman sa party..
    
     
      
     
      
     
....... flashback......
    
    
    
     
"Sh*t!...",inis na sabi ko habang nagpapa-padyak sa buhangin dahil sa halo-halo ko nang nararamdaman.. "Sh*t talaga!.."
     
      
Di ko na kasi talaga matiis ang nakita ko kanina kaya bago pa mag dilim ang paningin ko ay umalis na ako, lalo na nong lalapit pa si Kyle sa'min kanina.. Di ko naman din sya masisisi dahil wala namang alam si Kyle tungkol sa nararamdaman ko..
     
    
"Hey..are you okay?.I mean bigla ka kasing-------",sabi pa ni Dylan na nakasunod pala sa'kin..
     
      
"Dylan!..",di na natuloy nya ang pangungulit nya nang tawagin sya ni ate Lyra mula sa malayo, sinundan pala nila kasi kami dito sa beach front..Akala ko nasa party pa sila.,kasama nya na din sina Jane, Mitch at Jel..
     
    
'..I can't believe na may boyfriend na ako...',bigla kong naalala nang marinig ko ang boses ni Dylan.. Nag shift tuloy sobrang lungkot yung kaninang inis na nararamdaman ko nang makita ko sya.. Lungkot kasi nagdesisyon nanaman ako ng di naman ako sigurado..
    
    
"Kami na ang bahala kay RC..I think marami nang nainom 'to..",sabi pa nito pagkalapit sa'kin..
    
     
Pero ang totoo, di naman masyadong marami ang nainom ko e..dahil kung lasing ako, baka di ko nakita yung nakita ko kanina.. Hindi sana ganito kalinaw lahat sa ala-ala ko..At di sana ganito kasakit..
     
    
"Oo nga, tsaka diba medyo malayo dito ang hotel mo..sige na..kami na ang bahala dito..", dugtong pa ni Jane..
    
      
"O-okay..", alangan na sagot ni Dylan..
    
    
Siguro pakiramdam nya ay pinapalayas na sya ng mga kaibigan ko..pero mas mabuti na'to para di nya makita na bumuhos ang lahat ng emotions ko dahil sa nasaksihan ko kanina..
    
    
"I'll just text you when I get there ha..ingat kayo..",sabi pa nito at tumango nalang ako.. Kahit papano ay inalis ko muna yung nararamdaman ko para di nya makita..
     
    
Ngumiti sya tsaka kami bineso para magpaalam na din sa iba pa naming kasama..kumaway pa sya bago mag lakad palayo..
    
     
"So RC.. what's with that earlier..",sabi agad ni Jane nang makalayo na si Dylan sa'min.. "Seryoso kaba?.. Sinagot mo na?.", dugtong nya na parang pinapagalitan pa ako..
    
     
"Question is.. sigurado kaba?. E baka naman lasing ka lang?. Or worst is, epekto lang yan ng nakita mo kanina doon?.",sabi naman ni Jel na parang ini-interrogate ako pertaining to Kyle and August..
   
    
Yun naman talaga yun e..dahil yun sa nasaktan lang ako ng nakita ko.. Na naisip kong sagutin si Dylan para baka sakali e wala na akong mararamdaman na masakit pa.. Na akala ko magiging masaya ako pag ginawa ko yun..Hindi din pala.. worst is, pwede ko pa masaktan yung isa...
     
     
"Girl..kung tama kami..kawawa naman si Dylan..",sabi naman ni Mitch.."Don't you think it's unfair for him?."
    
    
'..paano ko sasabihin sa kanila na tama sila?..'
    
      
"K-kasi....",at di ko na namalayan na bumuhos na nga ang luha ko..Gaya ng kung paano ako iwan ni Kyle noon..
    
   
Nilapitan naman ako agad ng mga kaibigan ko tsaka ako niyakap ni ate Lyra at yung iba ay naka himas sa likod ko..
     
     
"Tahan na.. magiging okay din lahat..",sabi pa ni ate tsaka ako humarap ulit sa kanila at pinunasan ang luha ko..
     
     
"Sa susunod kasi ikaw na ang manligaw..",biro pa ni Jel na halata namang pinapagaan lang yung loob ko.. Napatingin tuloy ng masama sila ate Lyra sa kanya..
    
   
"Oh bakit?. Uso naman na yun ngayon..na ang babae ang nanliligaw..nasa new era na tayo.. I mean, mas babae ka naman, ikaw na gumawa ng paraan para maging kayo.. Single naman na sya e..", katwiran pa ni Jel.. "Girl, kung ayaw mong may ibang pumapasok, bakuran mo na.."
    
    
"Tapos paano si Dylan?. syempre masasaktan yun..", sagot naman ni Jane..
    
     
"Haay ang hirap..alam mo, feeling ko nangyare na'to noon..yung may sinagot ka kahit di ka naman sure..Yun nga lang e ibang scenario naman ngayon..",sabi pa ni Mitch habang napapa-iling..
    
   
I think she's pertaining to me and Mark years ago..pero iba na ngayon.. Di ko nga sure kung maaalala pa yun ni Kyle..
   
    
"Haay..ang hirap talaga mag move on lalo na pag di naman talaga kayo nag break at all..", comment pa ni Jel..
     
     
"E paano kami magbi-break..di pa nga nya naaalala na may kami pala e may kaharutan na sya..",birong sagot ko nalang kasabay ng pag pigil ko sa pag iyak ko..
      
     
"Kelan ka kaya nya maaalala?..", malungkot na sabi pa ni Jane..
    
    
"Aasa paba ako?.", sagot ko na may pilit na ngiti.
     
    
"Kainis!..una palang talaga mainit na ang dugo ko sa tatlong yun e.. May sa linta kung maka-kapit..",sabi naman ni Mitch na naka pamewang pa at halata ang di pagka gusto sa tatlo..
    
    
"..me either..Di ko ma explain why e..", dugtong pa ni Jane..
    
    
"Sa susunod nga wag na talaga natin isama si Marco ha..",biro naman ni Jel, pero parang half meant din naman.. paano, maharot si Marco na nadadamay yung isa.."Sya lang naman 'tong babaero.."
     
     
"Girls.. I think this is not the right place to talk about this issue..punta nalang tayo sa hotel..", suggest ni ate Lyra..
    
   
May point naman sya dahil medyo madilim at malamig din kasi dito sa beach front.. besides, baka may makarinig pa sa amin..
    
       
"Great idea..buti nalang may dala akong drinks..",sabi naman ni Jel habang pinapakita ang 1 bottle of vodka na hawak nya..
     
      
     
      
......end of flashback......
    
      
       
    
"Oo nga, tsaka baka sabihin nyo feeling close agad kami ha..", pa-cute na sabi naman nong Daisy.
    
    
"No..It's okay, besides friend naman kayo nila Kyle diba?. I insist..", sagot naman ni Dylan sa kanila..
    
   
"Oo nga join us here..", singit ni Marco..
   
     
Nagtinginan pa ang tatlong babae na parang nag uusap sa pamamagitan noon kung tatangapin nga nila ang invitation ni Dylan habang naka ngiti at kinikilig pa nga.. Tsaka sila napatango na parang nakapag decide na..
   
     
"Okay..if you insist.. thank you then..", sagot ni August..
    
   
"Ahhmm..Mind if you help us?.",sabi pa Daisy kina Marco at  Phil habang inaabot ang kamay nya sa kanila para tulungan silang maka akyat sa balsa,at ginawa naman ito ng dalawa..
   
    
"Nice.. nice...", sarcastic pa na sabi ni Jel habang nakatingin sa mga babaeng uupo na din sa harap namin..
    
   
"So,.how did your night ends?.", out of curiosity na tanong ko sa tatlo..
     
     
"Let's just say na medyo bitin..", sagot ni August tsaka tumingin kay Kyle ng malagkit..
     
   
Si Kyle naman, nabilaukan pa yata at muntik pa nyang maibuga yung pagkain na nasa bibig nya..Hindi ko tuloy maiwasang mapa roll eyes dahil doon..
   
   
"P-paanong nabitin?.",tanong ko ulit.
   
   
'..Gosh..hindi kaya?!...........'
   
    
"Yeah..bigla kasing nawala si Kyle few minutes after nyo umalis e..di na namin sya nakita.. buti nalang nandoon si Phil at Marco..", sagot ni August..
    
   
"Ahh.. o-okay..", sagot ko..Tsaka ko nakita na tinatawanan ako ni Jel na parang alam nya yung iniisip ko kanina.. Inirapan ko tuloy sya..
   
   
I honestly felt relief to hear that from August.. Akala ko kasi may nangyare nang... you know......
      
        
"S-sorry..hinatid ko na kasi si Deb sa room namin e.. Sobrang lasing na kasi sya..Kaya bago pa ako maglinis ng pwedeng mabasag nya doon kagabi e pinatulog ko nalang sya sa kwarto..", sagot ng nahihiya pang si Kyle..
    
   
"G-ganon?.sh*t..ano nanaman kayang nagawa ko!..", singit pa ni Deb sa kwento ni Kyle..
    
    
"Di mo alam?.Itanong mo sa mga bote ng beer na tinanim mo sa buhangin kagabi..Tignan mo din kung dumami talaga sila ha..", pang-aasar pa ni Marco tsaka nagtawanan ang lahat, samantalang si Deb naman ay parang lumubog na sa upuan dahil sa hiya..
    
   
Ganon kasi talaga si Deb pag lasing..magagahasa sa sobrang lupaypay..
    
   
Pero ang tanong.. hanggang kelan kaya kami susundan ng tatlong babae na'to..
   
   
~~~~~~~~
   
   
Kyle's POV;
   
    
"RC....",tawag ko kay RC bago sya sumakay ng kotse ni Dylan..Sya kasi ang nag presinta na mag hatid kay RC sa bahay nila..
    
   
Nandito na ngapala kami sa Manila.. sa wakas, after ng ilang araw na tour namin sa Boracay ay naka uwi na din kami..at malamang, back to work na..
   
   
"Yes?.",alangan na sagot ni RC na nilingon pa ako.
    
   
"Ingat ka..I mean kayo..", nahihiya namang sagot ko.. Ngumiti lang sya tsaka sya sumakay ng sasakyan.. Pinagsarhan pa sya ni Dylan ng pinto ng sasakyan, tsaka tumango din si Dylan sa'kin para mag paalam..
     
    
"Dude.. let's go..",yaya naman ni Phil na sa'kin din nakisabay tsaka ako sumakay na sa kotse..didiretso kasi si Phil sa bar nya na on the way lang din naman sa bagong condo na nilipatan ko, kaya pumayag na ako..
    
     
"Seat belt ha..",sabi ko pa na ginawa naman nya tsaka ako nag simulang mag drive..
   
   
"Bagay sila noh?.", paninimula nya ng topic na di ko naman agad na gets.
    
    
"Huh?."
  
   
"I mean si Dylan at RC..bagay sila..", nakangiting sagot nya.
   
  
"Ahhh..",tipid na sagot ko..at gaya nong isang araw, para nanamang pinipiga ang puso ko sa di ko alam na dahilan..
   
   
"Alam mo ba noong nasa US pa ako, would you believe na magkikita kami ni RC doon.. And she looks pale and sad..Yung parang, nabubuhay lang sya para mag patayin ang sarili sa trabaho..", kwento pa ni Phil.
     
      
"Mahirap kasi talaga mag-isa abroad.. Nakakamatay ang lungkot ng home sick.. Anyway, bakit pala sya umuwi to work here?. E diba mas maganda ang opportunities abroad..Lalo na for RC.. magaling sya e.."
   
   
"Umuwi sya dahil sa father nya.. nagkasakit kasi.. Sakto naman na may offer sa kanya ang Dad mo.. Kaya she grabbed it agad,. makikita na nya family nya everyday, may work pa sya.."
   
   
'..may sakit ang Dad nya?..', naisip ko tuloy na di ko pa nakikita ang parents nya..
    
    
"May sakit pala ang Dad nya?.di ko alam e..",nag aalalang sagot ko.."E how's her Dad?."
    
   
"How would you know things if you didn't bother to ask?..", makahulugan nyang sagot.. "Anyway, her Dad is doing fine, naka survive daw ito sa operation nya.."
    
    
"Glad to here that.."
   
  
"Alam mo ba..si RC na talaga ang pinaka matatag na babaeng nakilala ko.. sunod-sunod kasi yung problema na nangyare sa kanya.. First yung may nangyare sa boyfriend nya..tapos after that e yung boyfriend nya pa e hindi sinasadyang iwan sya at ipagpalit sa iba.. Kaya nya piniling mag isa at mag move sa US para makalimot.. Tapos na Ospital naman yung Dad nya.. Imagine Dude, kinaya nya yun.."
    
   
"Wait, di ko ma gets..paano mong di sasadyain na ipagpapalit mo ang girlfriend mo sa ibang babae?. Gago ba yun?. Sinadya nya yun..kasi pinili nyang iwan si RC para sa iba..Bobo sya!.", sagot ko pa na medyo gigil sa ex ni RC.. Napahinto naman si Phil at ilang segundo lang ay utas na sa kakatawa..
    
      
'..Bakit natatawa 'tong baliw na'to?..' Diba pag nagloko naman talaga ang isang tao e pinili nya yun, dahil ginusto nya mag landi sa iba..Pero yung kwento ni Phil?. Kalokohan..
    
    
"Oo Dude..Bobo talaga yun...but believe me.. Hindi nya yun sinasadya..", natatawa pading sagot ni Phil, habang napapa-iling nalang ako sa pagta-tangol nya sa ex ni RC..
    
     
"Whatever!..", sagot ko sabay irap sa kanya.. "Nasaan na pala ang Dad nya?.", dugtong ko, bigla kasi akong nakaramdam ng pag aalala sa Tatay ni RC kaya inulit ko ang pagtatanong tungkol dito, di ko alam kung bakit parang biglang bumigat pakiramdam ko na parang kilala ko na sya..
   
   
"Gaya ng sabi ko earlier, he's doing good..Ang alam ko sa bahay nalang ito nagpapagaling after his surgery e.. puntahan mo kaya..", sagot nya,. but by that I felt relief at tumango nalang ako sa kanya as an answer..
    
   
"I will.... Ngapala, paano kayo nag meet ni RC?. Parang ang tagal nyo na kasi syang kilala e..", dugtong na tanong ko.
    
     
Actually, noon ko pa 'to gusto itanong sa kanila.. Para kasing all of a sudden e close na close sila,.habang ako, ito.. Iniisip ko din kung paano ko sya nakilala..
    
    
"I met her through you..", sagot nya.
    
   
'..through me?. paano?..'
   
   
"Paanong through me?. Bakit ako, hirap na hirap akong maalala sya?.", confused na tanong ko..
  
    
"Dude..may amnesia ka lang..pero di ka manhid..Gamitin mo yung puso mo at hindi yung mga bagay na nakita o nakikita mo lang pagka gising mo.. Sure naman din kasi ako na pag gising mo noon ay pinaniwala kana ni Sam sa mga bagay na gusto nyang paniwalaan mo.. Pero Dude ikaw na'to ngayon, wala na si Sam, desisyon mo na'to lahat.. Alam mo kung bakit wala kang maalala?. Kasi takot ka sa mga pwede mong maalala.. Alisin mo yang takot na yan.. Malay mo, di mo nga maalala lahat, pero may maalala ka naman kahit papano..", mahabang litanya nya pa habang tinatapik ako sa balikat..
       
     
    
'..takot?. Hindi ko alam kung takot ako mabalik yung ala-ala ko..pero bakit?..'
     
    
     
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
    
    
A/N
    
   
Abangan nyo po ang sagot sa tanong na yan ni Kyle sa mga susunod pa na chapter..
    
   
But for now, plug ko lang po yung mga stories na sinusulat ko pa..
    
    
Please read "Naked Eye" and "Come What May" na syempre written by me.. And guys naka HOLD po ang "The Gangster's Girl" for personal reason..
    
   
At syempre, para magustuhan ng lahat ang story nila Kyle and RC, mas okay po na simulan nyo ito sa book 1 nito na "Miss Sungit and Me"..
    
   
Grazie'.. -HK
   
    
PS,
   
   
Love, tindog lang.. Kaya mo yan.. be good nga diba sabi ni ate.. Love you..sobra...
    
   
- your MVP

Forget You Not (Miss Sungit and Me book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon