RC's POV;
"Kyle..labas muna tayo..",tawag ni Estong sa kakatapos lang mag hapunan na si Kyle.
"Bakit anong meron?.",tanong ko.
"Nagkakasiyahan kasi kami ng barkada sa labas..baka gusto lang ni Kyle na sumali sa'min..", napapakamot pa na si Estong.
"Nagkakasiyahan o nag iinuman?. Hindi pwede..babyahe pa kami bukas..",mataray na sagot ko.
Kilala ko kasi 'tong Estong na'to..mabait pero pag dating sa inuman, malala..Hindi uuwi nang di gumagapang.
"Si Clang naman..minsan lang e..", sagot ni Estong.
"RC.. e hapon pa naman ang alis natin diba?.",si Kyle pero inirapan ko lang sya.
"Pag sinabi kong hindi..hindi!.."
"Ano kaba naman bata ka..hayaan mo na ngang mag saya yang si Kyle dito sa atin, panigurado naman akong di pababayaan ni Estong yan..", singit pa ni Lola.
"Oo naman po 'La..ako pa..paano ba yan Clang..si Lola na ang nag sabi ha..Tara na Kyle bilis..baka kumontra nanaman yang pinsan kong kj..",si Estong tsaka nagmamadaling hinatak pa si Kyle palabas.
"Estong!. siraulo ka pag pinabayaan mo yan sa labas patay ka sa'kin!.",sigaw ko sa dalawa.
"Hija..ano kaba no'n Nanay?..hayaan mo na nga si Kyle..ikaw ba naman ay napaka sungit nanaman dyan..",sabi pa ni Lola.
Wala din naman akong nagawa dahil umalis narin naman yung dalawa kanina pa..
'..patay ka talaga sa'kin Estong pag pinabayaan mo yan si Kyle sa labas..'
....ilang oras pa....
"Hija..dalhin mo nga itong pulutan kina Kyle..",utos pa ni Lola sabay abot ng sisig at adobong palaka.
"Ang lola naman, imbes na awatin mo e..", sagot ko.
"Minsan lang naman syang nandito e hayaan mo na.."
"Oo na po..", sagot ko tsaka ako lumabas kina Kyle para ihatid nga ang ipinabibigay ni Lola.
"Oh...",pabalang na sabi ko tsaka ko inabot ang pulutan kina Kyle.
"Wow..ito ba ang masarap na adobong palaka ni Nana Minda..", sabi ni Junior, kapitbahay nila Lola na isa sa kainuman nila Kyle.
"Naku..magpasalamat pala tayo at nakainuman natin ang kaibigan ni Clang na taga Maynila..may masarap tayong pulutan..",sabi pa ni Jayson na kainuman din nila.
"Ang saya nyo ha..pag yang bisita ko pinabayaan nyo patay kayo sa'kin!..", sagot ko sa kanila.
"Ito namang si Clang..wala kabang tiwala sa'min?.",sabi pa ni Sandro.
"Syempre naman.....wala!..", sagot ko sabay irap sa kanila.
"Nakow..pag pasensyahan nyo na 'tong pinsan kong kj ha..at tumatanda na kasi 'to kaya ganito..",biro pa ni Estong tsaka tumawa ng malakas.
"Siraulo ka Estacio ha..makikita mo ang galit ko pag pinabayaan nyong malasing ng malala 'to..", sagot ko pa sabay irap sa kanila.
"Estacio?.Ang baho talaga ng pangalan mo 'Tong.. hahahahahaha..",sabi pa ni Jayson tsaka tumawa ng malakas ang lahat.
![](https://img.wattpad.com/cover/86138882-288-k606334.jpg)
BINABASA MO ANG
Forget You Not (Miss Sungit and Me book 2)
FanficIf you ever read Miss Sungit and Me..Sure you will understand it's book two. This is story is about Kyle and RC.. couple who use to believe that forever exist even in "this" kind of "thing".. Paano nga ba muling iikot ang istorya ng masungit at...