chapter 21: Fun? Fine..

715 32 8
                                    

Kyle's POV;

"Thanks ha..",sabi ng babaeng lumapit sa'min tsaka sya kumindat pa sa'kin.

'Pini-flirt nya ba ako?.', sabi ko pa sa sarili ko habang ilang na ngumiti pabalik sa kanya. 'Hindi naman siguro'..

"Let me introduce myself first.. I am Alex..and this is Sandy and Bree..",sabi ulit ng babae sabay shakehands sa mga kasama ko.

Syempre, nakipag shakehands naman sila kahit ramdam ko na medyo irita sila ng konti sa pag dating ng mga ito.

'Siraulo kasi talaga 'to si Marco, halata naman na ayaw ni Ate.. syempre bonding time namin 'to e..di marunong maka tunog..'

Pero nong ako na yung makikipag shakehands, nagulat ako na i-beso ako ng babae.. At hindi lang basta beso..dahil naramdaman ko kung gaano kalapit yung lips nya sa lips ko..haging e..

I don't know pero pakiramdam ko din ay pinilit nyang maupo sa tabi ko, magalang naman syang nag excuse..at ito namang Marco na'to e hinayaan lang na tumabi sa'kin si Alex.

Rectangular yung may kalakihang table sa pwesto namin at may malambot na couch na naka palibot dito kaya may kalakihan talaga ang pwesto namin. Pero take note sa tabi ko padin sya umupo kahit pwede naman sa tabi ni Marco na mas malapit sa kanya.

Ang pwesto namin paikot sa table is Ako at sa kaliwa ko is si Alex, Marco, Sandy, Bree, Debbie, Mitch, Jel, RC, Jane at si Ate Lyra na katabi ko din sa right side ko. Kung iisipin talaga e maluwag pa sa palibot nitong mesa.

"Nice meeting you..",bulong pa ni Alex sa tenga ko na nagpataas ng balahibo ko sa batok.

Gosh..Alam mo yung sexy voice ang gamit nya habang sinasabi nya yun?.Tapos sinadya nya pang patamain yung labi nya sa earlobe ko..

Ewan ko ba pero awomatikong napatingin ako sa pwesto ni RC na kanina pa pala nakatingin sa akin..pero iba yung tingin e..yung tipong kung nakaka hiwa lang yung titig nya e kanina pa ako puro sugat..

At ayun.. kwentuhan at landian ng malala ang nangyare..Landian kasi malamang ang landi ni Marco e.. katabi nga kasi nya sina Sandy and Bree..Minsan talaga umaandar ang kayabangan ng pinsan ko pag may kasamang chicks, kanina pa sya bangka e..

Okay naman sila kausap..mabait at masaya pa nga sila kausap.. Nalaman din namin na galing sa isang prominenteng pamilya from Cebu sina Alex, Bree and Sandy na nagbabakasyon lang dito sa Manila.

"Bakit yata di ka masyadong umiinom?.",Alex asked with matching sexy voice.

"Ahh.. magda-drive pa kasi ako e..", maikling sagot ko.

"Soos.. magda-drive din naman ako.. sabihin mo takot ka lang sa girlfriend mo..",sabat ni Marco.

"Shut up!..", pangbabara ko kay Marco na halatang lasing na.

"Ohh.. you're in a relationship..",sabi ulit ni Alex and I just smile as an answer.

"Is she your girlfriend?.",bulong pa ni Alex sa'kin pertaining to RC na naka tingin nanaman sa'min.

"No..", sagot ko.

"Ahh..kanina pa kasi sya nakatingin sa'kin e.. feeling ko kakainin nya ako ng buhay..hahaha",biro pa ni Alex.

Napatingin tuloy ako ulit kay RC..na nakatingin padin sa'kin..Nginitian ko nalang sya..di ko kasi alam kung bakit ganon nya ako tignan..pero inirapan nya lang ako..'Inaano ko kaya sya..'

"Guys.. tutugtog na sila Phil...",si Jel.

"You know them?.",tanong ni Alex pertaining to Phil and his bandmates.

Forget You Not (Miss Sungit and Me book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon