Kyle's POV;
"What?!.Hindi mo ba ako kilala?.Tawagin mo ang manager mo sya ang kakausapin ko..kung hindi e ipapasara ko 'tong cheap na hotel nyo!.",sigaw ko sa babae.
"Ma'am huminahon lang po kayo..", natatakot na sabi ng receptionist na humarap sa amin..
Sa totoo lang galit na galit ako..Ganon ba ako ka bobo?. Maniniwala ako na papasok si Sam at ang lalaki na yun sa ganitong klase ng hotel na silang dalawa lang kung wala silang ginawang masama.?
Kilala ko yung lalaki na yun..si Wilbert yun..Yung hayop na ex ni Sam na dahilan kung bakit kami naghiwalay noon.. Yung hayop na yun..pagkatapos na buntisin si Sam e iniwan nya.. Tapos heto sya na babalik sa buhay ni Sam na parang walang nangyare..
Ganon nalang ba kadali kay Sam na harapin yun lalaking nang gago sa kanya.? At ganon nalang ba kadali sa kanya na gaguhin ako?. Para ano?. Para sa lalaking ganon?.
"Kyle please..kumalma kana..",awat sa'kin ni RC pero parang wala akong naririnig.
Magkahalong galit, lungkot at disappointment ang nararamdaman ko na tingin ko ay makakapatay ako pag nakita ko silang dalawa..
"Miss ano?!.Titignan mo lang kami?!",sigaw ko.
"Ah-eh kasi po..hin-----"
"Excuse me po Ma'am, ano pong maipaglilingkod namin sa inyo..?",magalang ngunit halatang takot na tanong ng isang medyo may edad nang lalaki na tingin ko ay manager sa hotel.
"Eto kasing receptionist nyo..tinatanong ko kung saang room pumasok yung huling dalawang taong nag check in kanina pero hindi ako sinasagot!.",sigaw ko pa.
Alam ko pinagtitinginan na kami ng mga tao pero wala akong pakelam..Ano bang pakialam ko sa kanila kung alam ko namang niloloko na ako ni Sam.
'Bakit Sam... bakit!..'
Pilit kong pinipilit na huwag umiyak kahit alam kong niloloko na ako ng babaeng minahal ko ng sobra..Yun naman yun diba?. Hindi naman sila papasok sa ganitong lugar para lang maglaro ng piko o ng tumbang preso..
Hindi ko alam kung kelan nagsimula yun pero ang gusto ko malaman e..kung anong nagawa ko at ginawa yun sa'kin ni Sam..
"Ah..e..-Sir kasi po..----"
"Let me handle this Claire..paki asikaso nalang yung ibang mag chi-check in..",utos ng manager nga yata sa babae tsaka ito humarap sa ibang customer.
Dumadami na din kasi ang nakapila pero wala akong pakelam sa kanila pero ang nakakainis ay hanggang ngayon ay di ko pa nakukuha ang gusto ko sa mga p*ste na'to..
"Ano!.Anong petsa na!.Hindi pa kayo kikilos?!.",sigaw ko pa.
"Calm down Ma'am..nasa S.O.P po kasi namin na ------"
"Letcheng S.O.P yan!. Yan din yung sinabi ng receptionist sa'kin kanina e..E kung yung S.O.P nyo lang pala ang gusto ko marinig, edi sana sya nalang ang kinausap ko!.E bakit kapa nandito?. Ano pa palang ginagawa mo sa harap ko?!",sigaw ko pa.
"Kyle please stop..",awat ulit ni RC habang nakahawak pa sa braso ko..
Malinaw ito sa pandinig ko pero bakit parang hindi ko sya marinig.. Ni wala nga akong balak marinig yung kung anong meron sa paligid..Ang alam ko lang ay galit ako..
"Ma'am sorry po talaga..pero bawal po sa code of conduct ng hotel namin ang gusto nyo..",magalang na sagot ng manager.
"That's b*llsh*t!.Hindi mo ba ako kilala?!.Kaya kong ipasara 'tong bulok na hotel nyo!.Papa-imbestigahan ko ang building na'to hanggang sa makakita ako ng dahilan para maipasara 'to..! Kaya kung ako sa'yo papasukin mo na ako!.", sagot ko habang pinapakita ang lisensya ko.

BINABASA MO ANG
Forget You Not (Miss Sungit and Me book 2)
Fiksi PenggemarIf you ever read Miss Sungit and Me..Sure you will understand it's book two. This is story is about Kyle and RC.. couple who use to believe that forever exist even in "this" kind of "thing".. Paano nga ba muling iikot ang istorya ng masungit at...