chapter 32: Official

721 28 11
                                    

   
RC's POV;
     
   
"Sure ka okay ka lang ha..bigla ka kasing tumahimik e..",sabi pa sa'kin ni Dylan habang nag-aalalang nakatingin sa'kin.. Tumango nalang ako as an answer..
    
   
Actually, kanina pa nya ako tinatanong ng tungkol dito.. medyo inis na nga ako dahil paulit-ulit nalang sya e.. Pero ang totoo, kanina pa ako wala sa mood,.dahil lang naman sa mahaharot na nilalang na nasa harap ko..
   
    
At ayun na sila sa dance floor..Buti nalang ay umalis na sa harap ko..Mas gusto ko naman na malayo sila kesa kitang-kita ko kung paano mag landian yung dalawa..
   
    
Sino yung tinutukoy ko?. Syempre, si Kyle at yung new found f****ng friend nya named August..
    
   
Noong una akala ko si Kyle ang mabubwisit ko dahil sa kung ano-anong pag-iinarte ko.. Yun pala umasa lang ako..Mas nabwisit ko panga yata yung mga kaibigan ko e.., dulo-dulo kasi ay ako yung mas na bwisit..
    
   
E paano ba naman, mas maarte pa sa maarte yung babaeng naka pulupot sa kanya kanina pa.. Mantakin mo ba namang sapawan ako sa kainartehan ko kanina.. Of course alam ko na sinasadya nyang gawin yun para magpa-pansin kay Kyle..pero mas malala sya.. Mantakin mo ba namang halos i-chukchak nya na si Kyle sa harap ko..
   
   
At yung isa naman,. gustong-gusto.. Napapapikit pa e.. Sarap tusukin ng mata para di na makadilat..
   
  
'..bwisit!..'
   
   
Yun yung mga bagay na nasa isip ko nang makarinig ako ng ingay mula sa dance floor..Napalingon pa ako sa gilid ko nang biglang tumayo si Dylan na naki usyoso sa nagtitilian at nagpapalakpakan..
    
   
"Anong nangyayari?.",tanong ko kay Dylan..
   
  
"Not sure e..di ko kasi makita..", sagot nya habang tinitignan padin yung dance floor..
   
  
"Woooh!."
   
  
"Nice one!.."
   
  
"Get a room!.."
  
  
Ito yung mga salita na maririnig mo sa mga tao bukod sa mapapansin mong parang naka-ikot ang lahat sa kung ano..
   
  
Ang nakakapag taka ay biglang lumakas ang tibok ng puso ko..parang kinutuban ako sa isang bagay na gusto ko masigurado.. At dahil doon ay napatayo ako tsaka ko biglang hinatak ang kamay ni Dylan para samahan ako makita kung anong pinagkaka-guluhan ng lahat..
   
  
"T-teka..saan tayo pupunta?.",si Dylan na naudlot ang pag lagok sa beer na hawak nya..
    
   
"Basta..", sagot ko tsaka sya walang choice na sumama nalang sa akin..
   
  
  
  
  
....ilang saglit pa....
   
   
  
"What is......oh...",nasabi nalang ni Dylan habang laglag ang pangang nakatingin sa mga taong nagmi-make out session sa gitna ng dance floor..
   
   
Torrid kung torrid kissing ang ginagawa nila Kyle at ng babaeng kanina lang nya nakilala..Halatang gusto din naman ni Kyle yung nangyayari sa kanila ngayon..
   
    
Para akong binuhusan ng malamig na tubig, tsaka ako parang binalatan ng buhay habang di ko maiwasan ang mapakapit pa ng mahigpit sa lalaking katabi ko..
   
     
Ganon pala kasakit..ganon padin pala kasakit.. Akala ko kasi wala na e.. na okay na ako,.na casual nalang kaming magkatrabaho after what had happen between us few months ago.. 'hindi padin pala..'
   
  
Tinatagan ko lang, sinubukan kong pinigilan lahat ng sakit na nararamdaman ko, kasi feeling ko konti nalang e tutumba na ako sa kinatatayuan ko..parang di na kasi ako makahinga..dahil kasi sa sakit e parang pinipiga pati daluyan ko ng hangin..
   
   
Tsaka ako parang napahiya na  napatingin sa mga tao sa paligid ko.. Halos lahat tuwang-tuwa sa nakikita nila..yung iba, kilig na kilig..yung iba, parang nakapanood ng scene na papunta na sa porn kasi ilang na ilang.. Habang ako, hindi na ako makahinga sa sakit..
    
   
Tsaka ko hinanap yung mga kaibigan ko na mabilis ko naman ding nakita.. Si Ded, Phil at Marco schocked na napatakip pa sa bibig dahil sa nakikita nila.. si Mitch naman tinakpan pa ang mata ni Jel para di yun makita..si Jane at ate Lyra, gaya ng inaasahan, di na maipinta yung mukha dahil sa inis at disappointment sa nakikita..
   
   
"RC...."
  
  
Nakita kong sabi ni ate Lyra habang nakatingin sa'kin.. Di ko man narinig kung anong sinabi nya dahil sa distansya nya sa kinatatayuan ko, nabasa ko naman ito the way she mouthed..Alam ko din naman na nag-aalala sya sa'kin dahil sa nakikita namin pareho..
   
   
At dahil din doon ay nakita kong napatingin din sa kinaroroonan ko si Jane tsaka sya parang nahiyang napayuko at tinungo ang kinatatayuan ko..
    
   
"RC let's go..upo nalang tayo..",sabi pa nito pagka lapit sa'kin.
   
    
"Ha?. bakit naman?.Ano kaba.. okay lang ako..", sagot ko habang pinipigilan ang luhang malapit na tumulo sa mata ko..
    
   
Ewan ko ba kung tanga lang ako o masokista pero habang nagsasalita ako e di ko padin maiwasan ang di tumingin sa ginagawa ni Kyle..
   
     
"RC ano kaba..lika nalang doon!.",madiin na sabi pa ni Jane..
   
   
"RC sige na..", singit ni ate Lyra na di ko namalayang sumunod pala kay Jane.. "Dylan, pakihatid nalang din si RC doon..",sabay baling nya sa katabi ko..
   
  
"Ha?. o-okay..",napapa-kamot pang sagot ni Dylan, halata naman sa kanya yung pagka lito sa nangyayari dahil sa kinikilos ng lahat..
    
   
"No Dylan..I'm okay..we can stay here..", sagot ko sa pilit ang ngiting lalaki sa harap ko litong-lito na sya sa mga inaasal namin nila Jane at Ate.
    
  
"Sure ka?.",tanong pa nito na bakas ang pag-aalala, na parang naiintindihan yung nararamdaman ko..
    
     
"Yeah..", sagot ko with a fake wide smile.. then I paused for awhile tsaka nag-isip..huminga ng malalim at humarap ulit sa kanya..
    
   
"Oo ngapala Dylan..tayo na..",sabi ko na blanko ang expression ng mukha.. nakita mo naman kung paano din nagulat sila ate Lyra at Jane..
    
    
"W-hat?..", shocked na tanong ni Dylan na bahagyang nanlaki ang mata dahil sa gulat..
     
    
"I mean, boyfriend na kita..",sabi ko pa kay Dylan na di maiwasan ang matuwa sa narinig nya sa'kin kanina pa..
   
     
Napansin ko pang napa mouth si ate Lyra ng "what" na gulat din sa sinabi ko, habang si Jane naman e napahawak lang sa braso ko ng mahigpit na parang sinasabi na itigil mo yan..
       
      
'..tama ba ang ginawa ko?..',tanong ko sa sarili ko habang nakatingin kina ate Lyra at Jane..
     
     
'..nabigla yata ako ha...bahala na..'
      
      
    
~~~~~~~~
   
  
Kyle's POV;
    
    
     
At isang mahaba at mainit na halik ang binigay sa'kin ni August matapos nyang sabihin ang una nyang sinabi kanina..
    
   
Honestly, di ko naman sure kung attracted ako sa kanya..pero sigurado ako na gusto ko ang attention na binibigay nya sa'kin kanina pa.. And besides, wala na kami ni Sam kaya siguro naman okay lang na gawin ko ito.
     
      
"Oh my God..Yes!..",bigla naman kaming napahinto ni August sa mainit na halikan ng marinig namin pareho ang sigaw ng kung sino, na sinabayan naman ng katahimikan ng lahat.. Pati nga yung tugtog ng DJ ay napahinto dahil sa sigaw na yun..
      
    
Literal na umagaw ng atensyon ng lahat ang tao na yun..pati nga ng atensyon namin e..
      
    
'..What was that....teka lang si....'
      
      
"Dylan?.",sabi ko pa habang nakatingin sa lalaking parang tuwang-tuwa sa kung anong bagay..
     
    
"God..thank you.. thank you!..",sabi pa nito tsaka paulit-ulit na niyakap ang kausap na si RC.. habang ang mga nasa likod nito na sina Jane at ate Lyra at di naman maipinta ang mukha..
      
      
"Ahmmm..What's happening here?.", tanong naman ni August sa kanila..
    
   
"Kami na ni RC!.. Sinagot na nya ako!..", tuwang-tuwa na sagot nya habang yung sinasabi nyang girlfriend nya na ay blangko naman ang mukha na nakatingin sa akin..
    
   
'..anong nangyayari?.',tanong ko sa sarili ko habang itinuon ko ang attention ko sa mga nasa likod nya..
   
   
"Oh.. congratulations guys..",sabi pa ni August sa kanila tsaka sya lumapit sa dalawa sabay shake hands sa kanila..Di ko din tuloy naiwasang lumapit din sa kanila..
     
      
"Thank you..", sagot ni Dylan na di ko mahulaan kung gaano sya kasaya ngayon habang tuwang nakikipag shake hands din sa isa..pero si RC, ibang-iba yung kilos nya..na di man lang sya ngumiti..
   
   
"Well..we have more reason to celebrate!..",sabi pa nong Daisy na nakalapit nadin pala sa kanila..
      
      
"Yeah!.. Let's party!..",sigaw pa nong Lily, sabay nagsigawan ang lahat tsaka nagpatugtog ang DJ ng malakas na party songs..
   
    
"RC..",sabi ko out of nowhere tsaka ko akmang lalapitan sya kaso ay mabilis pa sa alas kwatro na iniwan nya ako matapos nya akong titigan ng masama.. Pati nga si Dylan ay iniwan nya..
      
      
I have this weird feeling na parang biglang sumakit yung dibdib ko at napahawak pa ako dito..
       
      
Kasabay noon ang mas malakas na sigawan at tilian ng mga tao..at muli ngang nagpatuloy ang sayawan ng lahat.. Habang ako, pakiramdam ko disappointed sa kung anong dahilan kaya parang tinatamad na akong sumayaw..
     
    
"RC wait..", rinig kong tawag ni Dylan.."Excuse guys  ha..",paalam nya sa'min tsaka sinundan si RC..
      
    
"Anong nangyare doon?.",tanong pa ni August habang naka kapit padin sa balikat ko..
     
    
"I'm not sure..", sagot ko habang nakatingin padin sa dalawang umalis nalang bigla..
    
   
"Just let Dylan handle her..",sabi pa ni ate Lyra tsaka sya tumalikod sa akin kasabay ni Jane..
     
      
"S-saan kayo pupunta?.",tanong ko sa kanila.
     
    
"Uupo na..we're tired..", si Jane na ang sumagot, di ko kasi alam kung bakit di na nag abala si ate Lyra na lumingon sa'kin e..Tsaka ko nakita sila Mitch, Jel at Phil na sumunod din sa kanila..
     
     
Susunod na sana ako sa kanila..bigla kasing nawala ang gana ko.. Parang may sariling utak yung sistema ko na biglang tinamad sa lahat..Lalakad na nga sana ako, ang kaso'y......
      
    
"Hey.. where do you think you're going huh?.",tsaka naman lalong hinigpitan ang hawak sa'kin ni August at bahagyang hinatak ako sa dance floor..
     
     
"Let's enjoy here muna.. nandito padin naman yung iba mong kaibigan e..", dugtong pa nito.
     
      
As I have looked at Marco, ayun enjoy na enjoy nya makipag sayaw kina Lily at Daisy..habang si Debbie naman ay halatang lasing na talaga na halos mag wala na dance floor..
      
      
'..Haay..mukhang di na ako makaktangi dito...'
     
     
     
     
       
     
......kinabukasan.....
     
   
   
     
      
      
"H-hi...", nahihiyang bati ko sa mukhang kakagising lang na si RC..
    
    
Ewan ko, pero pakiramdam ko ay may ginawa akong kasalanan sa kanya.. Pangalawang beses ko na'tong nararamdaman e.. Una nong nagising ako noon sa Hospital na di ko alam kung sino sya.. Panglawa, yung kagabi..
     
    
Nandito ngapala kami ngayon sa canteen.. At kaming dalawa lang bukod sa mga tao na di naman namin kilala.. Sya palang kasi yung nandito e.. '..mukhang tulog pa yung iba..'
    
   
And I just really feel awkward knowing na kaming dalawang lang.. at feeling ko, ganon din ang nararamdaman nya the way she looks at me..
        
    
"Hi...",bati nya sa'kin na parang nagulat pa sya.. she's smiling but I honestly felt weird of it..
    
   
Kagabi kasi is parang ang bigat ng mga tingin nya sa'kin.. Lalo na nong umalis sila ni Dylan e..pero ngayon, parang ngiting-ngiti sya.. weird is sobrang saya ng ngiti nya..pero parang weird talaga e..
     
    
'..speaking of Dylan..di ngapala natulog sa kwarto namin si RC ha..'
      
     
"Ahmm..oo ngapala, s-saan ka ngapala natulog kagabi?.ah-I mean, di na kasi kita nakita after the party..",ilang na tanong ko..
       
     
"Ahh..sa room nila ate Lyra..nag kwentuhan pa kasi kami e..at nag shot pa ng konti..", ngiting sabi nya pa while holding her coffee..
     
   
'..great!..akala ko kay Dylan e..Ang bilis naman ng mokong na yun..'
     
     
"Ganon?. Bakit di nyo ako niyaya?.", ako na kunwaring nagtatampo pa sa kanya.
     
   
"E diba busy ka?.", makahulugang sabi nya pa na di naman ako nakasagot, I know what she means..
    
   
"Anyway,.coffee?. you want?. Mag order kana, mukhang mamaya pa gigising ang mga yun..",pag iiba nya ng topic, ni hindi na nga nya tinanong kung gusto ko e.. Dahil tinawag na nya agad yung waiter at nag order na sya ng coffee for me..
     
     
"Nandito na pala kayo..",sabi ng antok na si Deb pagkalapit palang sa'kin..may hang over 'to malamang..Sya kasi talaga yung inasikaso ko kagabi e..paano, halos sa mesa na sya matulog kagabi..
     
      
"Yeah.. naghahanap na ng kape yung tyan ko e..",biro nya pa kay Deb.. Kasama na din ni Deb yung iba pa..
       
      
"Oo ngapala girl..jowa mo na daw si Dylan ha?.. congrats!.",sabi pa ng kilig na kilig pang si Deb, at ngiti naman ang sinagot ni RC sa kanya..
      
     
"Wait, alam mo na yun kagabi diba?.",takang tanong ni Mitch.
    
     
"Oo nga..nasa party ka din e?.", dugtong pa ni Jel.
    
   
"G-ganon?.S-sorry ha..wala akong matandaan kagabi e..", sagot ni Deb tsaka nahiyang yumuko.
    
     
Sabi ko na e..sa dami ng nainom ni Deb, malamang pati yung pagtanim nya ng beer sa buhangin kagabi e di na nya matandaan..Oo, ginawa nya yun sa sobrang kalasingan, at sabi pa nya e dadami daw yung beer pag tinamin.. '..baliw diba?..'
    
   
"Haay, pambihira..", comment pa ni Marco.
   
   
"Speaking of the boyfriend.. he's coming..", singit ni ate Lyra tsaka tinuro yung lalaking parating.. Nakangiti pa sya sa amin habang kumakaway..
    
   
"Hello guys..am I late?.",bati nya sa'min tsaka kami ngumiti pabalik sa kanya.. "Hello hon..",bati nya naman kay RC tsaka nag beso dito..
   
   
"No, actually your just on time..", malambing na sagot ni RC sa kanya.
    
    
"Order na tayo ng food.. kinda hungry..", singit ko sa pagka sweet ng dalawa.. At totoo, gutom na talaga ako..
     
   
Tsaka nila tinawag ang waiter at nag order nga kami ng breakfast.. Few minutes lang nga ay nai-serve na agad sa'min ito..
   
   
Kita ko kung paano inasikaso ni Dylan ang awkward lang sa nangyayari na si RC..para kasing iba yung tingin ni RC doon sa isa, di gaya ng tingin ni Dylan sa kanya.. mukha namang mabait si Dylan at mapapasaya nya si RC..
    
     
'..well..wish them well..'
       
      
       
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
      
    
A/N;
    
   
Di na single si RC guys..at kasalanan 'to ng utak ko..haha
    
   
Guys, may new story ngapala ako na sana paki suportahan din..
    
     
Please support "Naked Eye", it's another love story and the said story is a collaboration story by me and my Love..Sana magustuhan nyo..
     
    
Please also support my other on going story "Come What May".. and will try to update my story "The Gangster's Girl" soon, medyo na writers block kasi ako doon e..
    
   
Paki kalat na din ang unang book ng story ng RC at Kyle na "Miss Sungit and Me"..para mabasa ng lahat..
   
   
Salamat.
   
  
-HK
   
  
PS,
   
  
Love you Love..akala mo nakalimutan ko na mag message sa'yo noh?.of course not..hehe
   
  
-MVP

Forget You Not (Miss Sungit and Me book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon