Kyle's POV;
"Kyle.. let's eat?.",aya sa'kin ni RC after ng mahaba at nakakagutom ng oras sa trabaho.
It's Monday..back to normal nanaman.. at kailangan ko isipin na bukod sa ex boyfriend ako ay amo din ako ng ilang daang employee na kailangan sumuporta ka pamilya nila..So I need to go to work kahit feeling ko ay drain padin ng utak ko.
Nakabalik nadin kami ni RC ng Manila from her Lola's house.. Anyway,nag promise din naman kami na babalik kami doon sa fiesta e..
"12pm na pala..di ko namalayan..", sagot ko while looking at my watch.
"Dadating pala sila Jane ha.."
"Talaga?. bakit di ko yan alam?.",tanong ko, di naman ako sinabihan ng mga yun e..
"Don't know..nag message lang sa'kin few minutes ago..", tumango lang ako as an answer, nag aayos pa kasi ako ng gamit ko bago kami umalis e..
"Speaking of.. nasa elevator na daw sila..",sabi pa ni RC habang binabasa ang text sa phone nya.
"Oh..there they are..",sabi ko nang makita ko ang mga kaibigan ko.
"Kyle!...",tili ni Debbie paglabas palang ng pinto tsaka ito yumakap sa'kin.
Nag beso din naman sa'kin yung iba pa pero OA lang talaga si Debbie.
"Hey..hey.. higpit ng yakap mo e..do you have plans of killing her?.",natatawang awat ni Jane kay Deb.
"Bakit mo ba ako inaawat?.e sa namiss ko si Kyle e..",si Debbie.
"Ang OA mo kasi..",si Mitch kay Deb with poker face.
"Kamusta?.", simpleng tanong ni Jel sa'kin pero ewan ko ba pakiramdam ko maiiyak ako sa tanong nya. But I just smile as an answer.
*.....ting.....*
"Bukas na ulit yung elevator..tara na..I'm kinda hungry..",sabi ko nalang para di nila mahalata yung lungkot ko.
.......sa restaurant.....
"Ang landi talaga ng babae na yun kahit noon pa..sabi ko na e.. bakit mo ba kasi binalikan pa yun?. Ilang buwan ka naming di nakasama noon dahil iniiwas ka nya sa amin.. Yun pala, kami pala ang dapat mag iwas sa'yo sa kanya!.",biglang sabi ni Deb na alam ko naman kung sino ang tinutukoy.
"Kaya pala kung saan-saan ko nakikita yun..",sabi pa ni Mitch.. "Remember last time, I told you that I saw her somewhere?."
"Anong balak mo?.",si Jane.
"Nothing.. magta-trabaho.. uuwi para pumasok ulit kinabukasan..I mean, you know...", sagot ko.
'...ganon naman ang dapat gawin right?. to keep moving forward..'
Tsaka umuwi naman talaga ako sa'min last night.. At naabutan ko si Chloe na natutulog sa kwarto kasama ang Yaya nya.. Kahit naman umalis ako, I constantly communicate her and her Yaya..just to check them..
Akala ko pa nga na kukunin ni Sam sa bahay yung anak nya pero mali ako.. Feeling ko tuluyan na syang sumama sa kabit nya at di man lang inisip yung anak nya.. As always, she's as selfish as hell..
"Ganon lang?. E paano yung bata?. You told me last time that she's with you still?.",sabi pa ni Jane.
"Oo..sabi lang ni Yaya is hindi pa daw umuuwi si Sam sa bahay.. I mean even until now.. That's why I'm planning to ask Manang Rosa and Mang Cardo to take over.. kahit man lang sa pamamalakad lang sa bahay.. I'm not good at that..Dati kasi si Sam ang gumagawa noon..", sagot ko tsaka ako napayuko nang naalala ko lahat..
Sam use to handle all the shores.. kasi sabi nya gusto nyang maging hands on sa'min..Kaya bukod sa Yaya ni Chloe ay wala nang ibang nag aasikaso sa bahay..sya lang..
"Oh..bakit parang nalungkot kapa?. Ang kapal naman ng mukha nya kung umuwi pa sya sa inyo..",inis na sabi pa ni Deb.
"Ano kaba.. syempre uuwi yun.. anak nya padin yung bata..",sabi naman ni Mitch.
"Anong gagawin mo kung dumating nga sya at kunin yung bata?.",nag aalalang tanong ni Jane.
'..ano nga ba ang gagawin ko?..',tanong ko sa sarili ko dahil alam kong napa mahal na sa'kin yung anak ni Sam.
"Kyle?...",sabi ulit ni Jane habang hinihintay ang sagot ko.
"Hindi ako sure..pero malamang wala akong magagawa..", napaisip tuloy ako ng malalim.
"Are you okay?.",tanong ni Mitch.
"I still don't know..just wanted to breathe..", sagot ko pa.
"You know that we're here for you right?.",sabi pa ni Jel at ngumiti lang ako.. Alam ko naman kasi na kahit mga may sayad ang mga kaibigan ko e di nila ako iniwan..
"Ayan na yung food.. Let's eat..",panguna ni Jel na halatang gutom na tsaka kami nagsimula nang kumain.
"Maiba ako guys..",sabi ko nang bigla akong may maalala.
Out of the blue kasi ay bigla kong naalala yung nangyare sa flower shop, nong nasa Tagaytay kami ni RC. Hindi din kasi mawala sa isip ko yung maikling kwento ng tindera ng bulaklak e.. Hindi din naman nabanggit sa'kin ng mga kaibigan ko yun..
'.. Iniisip ko kung nag propose ba ako kay Sam noon..sa Tagaytay talaga?...'
"May nakausap kasi akong tindera ng bulaklak sa Tagaytay..May kinwento daw ako sa kanya noon may plans akong mag propose..Kay Sam ba yun?.", bigla namang natahimik ang lahat.
Napansin ko pa kung paano nag tinginan at nag senyasan yung apat habang si RC ay napayuko lang..
"Okay lang kayo?.",tanong ko.
"Ahh..o-oo naman..hehe",ilang na sagot ni Deb.
"Di nyo kasi sinasagot tanong ko e..Kay Sam ba ako nag propose noon?.Anong nangyare sa proposal?. Di ko maalala e.. pasensya na ha..Pero kung kay Sam yun.. I think I have to forget it, gaya ng kailangan ko nadin sya kalimutan.. Wala lang kasi akong matandaan na may memories kami doon kaya ko natanong..",mahabang litanya ko pero nanatili lang ang ilang sa mga kasama ko.
"A-ah e-eh m-may naalala kaba sa kwento ng tindera?.I mean, may pumasok ba sa memories mo about what happened?.",utal na tanong ni Mitch.
"O-oo nga..anyway, you don't have to remember anything about what had happened, Sam is all gone.. I hope she's now gone for good..",sang ayon pa ni Deb.
"Sorry guys ha.. I know we're over..pero gusto ko padin maalala..Weird din kasi, I have this strange feeling na hindi pa ako kahit kelan nag propose kay Sam.. Tsaka, baka makatulong kasi sa pag galing ko yung mga bagay na maiku-kwento nyo e..", sagot ko pa pero wala namang gusto sumagot sa tanong ko.
"Guys, can we change the topic..lumalamig na din yung food e..", singit ni RC na pakiramdam ko ay pinilit ibahin ang mood ko.. tsaka namang tarantang nagsi kuha ng kanya-kanya nilang pagkain ang iba pa..
'..gutom lang?..'
Sa totoo lang..di ko alam kung ready na akong pag usapan lahat.. Like it just happened last week..Ang nakakaloko ay parang ang daming nangyare sa buhay ko sa loob lang ng one week..Lalo na yung kay Sam.. masyado pang fresh sa utak ko lahat..
"Saglit nga lang pala kami dito ha..",sabi pa ni Jane.
"Yeah.. I still have my meeting at 2pm e.. chineck ka lang namin..",sabi pa ni Mitch.
"Ahhhmmmm.. excuse me...", singit ng isang lalaking pamilyar sa'kin..
'...hmmm..saan ko ba nakita 'to...'
Pero ang pinagtataka ko pa ay lumapit nga sya sa table namin pero sa dami namin ay kay RC lang sya nakatingin..
'..magkakilala ba sila?..'
"God..sabi ko na nga ba ikaw yan e..", tuwang sabi pa nito kay RC.
"Excuse me..kilala mo ba sya RC?.",tanong din ni Debbie sa naguguluhan lang din na si RC.
Kita kasi sa mukha ni RC ang pagkalito na parang iniisip din nya kung sino yung lalake.
"Ahmm..I'm Dylan.. I don't know if you still remember me pero nagkakilala tayo sa Tagaytay..",sabi pa ng lalaki.
"Ahh..now I remember you..ikaw yun..Hello..",sabi pa ni RC.
"Yeah.. I remember you too..ikaw yung lalaking presko di naman gwapo..",sabi ko pa pero syempre binulong ko lang yung huli kong sinabi, baka sabihin pa nito e mayabang ako..
'..I'm not mayabang..konti lang..'
Pinandilatan naman ako ng mata ni RC.. narinig nya siguro yung sinabi ko..
"Small world huh..",sabi pa ng lalaki.
"Yeah..small world..sing small mo..",sabi ko pa pero tinignan nanaman ako ng masama ni RC.. Yung mga kaibigan ko naman e natatawa lang.
"Ahmm..what brought you here?. dito ka din ba nagwo-work?.",tanong ni RC.
"Yes.. actually owner ako ng isang maliit na business, actually it's clothing line..I don't know if you heard Ultra Clothing..", mayabang pa na sabi ng lalaki.
"Ahh talaga?.Never heard----outch!.",sabi ko nang biglang sipain ni RC ang paa ko and she mouthed the word "shut up" to me..
Inirapan ko nalang sya.. masakit kaya ang ginawa nya.. Sipain ba naman ako.. kainis pa 'tong Dylan na'to..Ang yabang.. tinatanong ba namin sya..
"Talaga..bago yun noh?.", kunwaring tanong ni Jell na feeling ko ay nayayabangan din sa lalaking kausap namin.
Don't get me wrong ha..mayabang talaga sya..pini-flex nya pa yung braso nya habang nakikipag usap sa amin.. 'Pakelam ko naman sa biceps nya..'
"Mga 5 years nadin.. I'm just 26 ha..21 palang ako may negosyo na ako e.. syempre galing sa namana ko sa parents ko..", sagot ng lalaki.
"Wow..Alam mo ba itong si Kyle..Sya lang naman ang CEO ng Guevarra Ads..",pagyayabang pa ni Debbie habang tinatapik pa ang balikat ko.
"Hindi lang yun ha..isa pa sila sa may ari ng Guevarra International School..take note ha, bukod pa yun sa kung ano-anong negosyo na stock holder ang parents nya..",gatong pa ni Mitch.
"At hindi lang yun..sa ngayon ay may pinapatayong Ospital sila Kyle.. You know, new line of business..", mayabang na sabi naman ni Jel.
"Not to mention that my friend here is just 25..", pahabol pa ni Deb.
'.. siraulo 'tong mga 'to.. bakit ako ang pinang yabang nila e mga CEO din naman sila...'
"Talaga?.ang galing naman..", amazed na comment nong Dylan.
"Wag ka maniwala sa mga 'to..",biro ko pa, nahiya naman ako sa lalaki ng konti..
"Anong wag..totoo kaya yun..",sabi naman ni Jel.
"Ahmm.. pasensya kana sa mga kaibigan ko ha..mga palabiro talaga yan.. Anyway, I'm Jane, and this is Debbie, Mitch and Jel.. And I believe you already know Kyle and RC..", singit na ni Jane sa mga makukulit kong kasama.
"No worries..cute nga e..", sagot ng lalaki.
"Anyway Kyle..we really need to go..", paalam ni Jane.
"Oo nga at may kailangan pa akong gawin sa office..",si Mitch
"Yeah..just keep us posted okay?.",si Jel.
Tsaka sila naunang tumayo at lumabas nga ng restaurant habang si RC naman, eto nakikipag tsikahan sa lalaki.
"God.. really can't believe na makikita ulit kita dito..", nakangiti pang sabi ng lalaki. "Anyway, I also need to go.."
"Talaga?.buti naman..",sabi ko pa.
"Excuse me?."-si Dylan
"Wala..sabi ko ang bilis naman.." -ako
"Ahh..Oo e..may kailangan pa kasi akong gawin sa office..", sagot nya. "So paano RC, text nalang kita?."
"Huh?. Ah eh..s-sige..",utal na sabi pa ni RC na nakapag pakunot ng noo ko.. tsaka umalis na ng tuluyan yung lalaki..
'..at talaga namang magti-text pa..'
............
Isang araw pag uwi ko ng bahay..sinalubong ako ni Manang Rosa.. Isang lingo na ngapala silang nandito ni Mang Cardo, para makasama ko sa bahay..
"Kyle may bisita ka.. pero gusto ko kumalma ka anak..", bothered na sabi pa nito sa'kin. "Pasensya na kung pinapasok ko na po sya.."
"Babe....", salubong ni Sam sa'kin.
"Sige na po manang, ako na pong bahala dito..matulog na po kayo..",sabi ko sa matanda tsaka ko hinarap si Sam.
Iba ang itsura nya, parang pumayat sya at lumalim ang mata samantalang halos 1 month palang naman kaming di nagkita..
"B-babe...I'm so------"
"Anong ginagawa mo dito?."
"Babe please..let me explain..",tsaka sya lumapit sa'kin pero halos ayaw ko humarap sa kanya.
"Wala na tayong dapat pag usapan.. We're over, kaya umalis kana..",cold na sabi ko sa kanya tsaka ko sya tinalikuran.
Pinilit ko na magpaka tatag dahil ayaw ko na mag mukhang mahina sa harap nya.. Sya ang nag loko, hindi na ako para magmaka-awa sa pagmamahal nya na dapat sa'kin lang nya binigay una palang..
"Babe no..hindi ako papayag na mawala ka sa'kin!..",pagmamaka-awa nya pa.
Niyakap nya ako sa likod, nararamdaman ko na halos lumuhod na sya pero parang wala ako sa mood na humarap sa kanya at makinig pa sa mga kasinungalingan na sasabihin nya..Iyak sya ng iyak pero wala akong maramdaman na awa sa kanya..
"Ano ba Sam, bitiwan mo nga ako!. Nakakadiri ka!. At anong sinasabi mo na di ka papayag mawala ako?. Guess what.. ikaw ang gumawa ng dahilan para mawala ako sa'yo!."
"Kyle.. please.. I was just seduced..",sabi pa nya.
"Seduced?.Fuck yun Sam!.Walang na seduced lang na naka patong pa sa nang seduced sa kanya!. Now sabihin mo sa'kin ang totoo..Ilang beses may nangyare sa inyo?."
"Kyle please.. I'm sorry...."
"Madami na diba?. Dahil ginusto mo yun!. Tsaka pwede ba,.wag mo akong tangahin!. Matagal na akong tanga kaya pwede umalis kana!."
"Aalis ako ngayon..pero babalik ako..babalikan ko kayo ni Chloe..", umiiyak pa din na sabi nya.
"Oh ngayon gusto mong gamitin si Chloe?.Ano 'to,.bigla mong naisip na maging ina sa kanya?. Naiisip mo ba yun pag iniiwan mo sya dito sa bahay habang nakikipag kita ka sa lalaki mo?!."
Iyak padin sya ng iyak..ang totoo, gusto ko syang saktan sa sobrang sakit na pinaramdam nya.. pero pinipilit ko na kumalma dahil baka mag break down ako..
"Wag ka mag alala.. ibibigay ko sa'yo ang anak mo dahil yun ang tama..At tutulungan padin kita sa mga gastusin sa kanya.. magiging magulang padin ako kay Chloe..pero hanggang doon nalang yun..Dahil hindi ko na kaya maging asawa sa'yo!.",at yun nalang tsaka ko sya iniwan sa sala habang umiiyak padin.
Hindi ko na hinintay na lumabas sya hanggang marinig ko nalang na umalis na ang kotse nya.. Ako naman, tumambay muna sa kwarto ng natutulog nang si Chloe..
'..Alam ko kailangan kita ibigay sa Nanay mo dahil mas may karapatan sya sa'yo..pero wag ka mag alala Chloe, hindi padin kita pababayaan..'
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
A/N;
Sorry sa matagal na UD ha.. wag kayo mag alala..babawi ako sa inyo.
Comment, Vote, Follow and keep rockin'the free world.
PS,
Love.. Thank you sa lahat..sa lahat lahat.. Love you...
-MVP
BINABASA MO ANG
Forget You Not (Miss Sungit and Me book 2)
FanfictionIf you ever read Miss Sungit and Me..Sure you will understand it's book two. This is story is about Kyle and RC.. couple who use to believe that forever exist even in "this" kind of "thing".. Paano nga ba muling iikot ang istorya ng masungit at...