Kyle's POV;
*.....tok...tok....tok.....*
Saktong tapos na ako maligo nang makarinig ako ng katok sa pinto..Ilang minuto nadin ang nakalipas nang maka alis si Sam at Chloe.. Naisip ko kasing dumiretso sa shower para mag alis ng init sa katawan.. At mag alis nadin ng init ng ulo dahil sa pag uusap namin ni Sam kanina..
"Sino yan....",tanong ko sa kumakatok habang nag aayos ng buhok.
"Ako 'to anak...",sigaw ni Manang Rosa mula sa labas. Tsaka ko sya pinagbuksan ng pinto.
"Kanina pa sila umalis..", sabi agad ni Manang nang napansin nyang nagpa linga-linga ako sa paligid.
"Narinig ko nga po na umalis yung sasakyan nila..pero baka kasi mali ako..", sagot ko.
"Hinahanap ka ng bata..di mo man lang nilabas bago umalis.. di ka man lang nagpaalam..", sabi pa ng matanda tsaka ito pumasok sa kwarto.
Naririnig ko yung disappointment sa boses nya dahil sa actions ko pero naisip ko na mas mabuti nadin yun para sa amin ng bata..
"Mahihirapan lang kasi sya Nay.. I mean sa pag alis nya dito at sa pag papaalam sa'kin.. Mas maganda na ang alam nong bata ay kailangan nya tumira malapit sa parents ni Sam..", sagot ko.
Oo..yun ang pinalabas namin ni Sam sa bata para di sya mag alala sa pag cope up nya sa thought na wala na ako sa araw-araw nya.. Ayaw din naman namin isali yung bata sa gulo namin ng nanay nya..
"Kawawa naman ang bata.. kahit kasi sabihin nyo na hindi sya damay ay nadamay na talaga sya sa nangyayari sa inyo ni Sam, lalo na at malapit ang loob sa'yo ni Chloe..", malungkot pa na sabi ng matanda.
"Lagi ko padin naman pong pupuntahan yung bata Nay.. Good thing is kahit papano pumayag si Sam na pwede padin ako lumapit kay Chloe.. Yun na nga lang ay di ko na kaya na makasama pa si Sam..", sagot ko.
Habang mas tumatagal ang pag uusap namin ni Manang ay mas naramdaman ko ang kalungkutan at katahimikan sa loob ng bahay na dati-rati ay tawa ni Sam at Chloe ang maririnig mo.
"Paano ang medication nong bata..", nag aalalang tanong ni Manang.
"Wag na po kayo mag alala..nagsabi naman po ako na tutulungan ko padin si Chloe sa lahat hanggang di pa nakakahanap ng trabaho si Sam.."
'..pero sa ngayon..ito ang pinaka tamang gawin..'
~~~~~~~~~
Lyra's POV;
"Good morning Manang...si Kyle po?.",tanong ko tsaka nag mano sa matanda.
Nandito ako ngayon sa bahay ni Kyle..nabalitaan ko kasi ang nangyare, yung pag alis naman ni Chloe, kaya agad ko syang pinuntahan after ng trabaho ko abroad.
"Ikaw pala yan..kaawaan ka ng Dyos..kailan kapa nakauwi?..", sagot ni Manang na tuwang-tuwa na makita ako.
"Kakauwi ko lang po..dito na po ako dumiretso para bisitahin ko ang pinsan kong ewan..hehe.. alam naman po ni Mommy na dito na muna ako..", sagot ko pag pasok ng bahay ni Kyle.
"Ahh..mabuti naman..sige, akyatin mo na sya sa kwarto.. ewan ko kung gising na yun..sakali nga ay gisingin mo na din.. tirik na ang araw e tulog na tulog pa yung bata na yun e..", sagot ni Manang tsaka tinuloy ang pag wawalis na kanina nya pa yata nasimulan.
"Sige po..akyat na po ako ha..",paalam ko kay Nanay.
....Ilang saglit pa.....
*.....tok...tok....tok.....*
"Kyle..open the door..late na.. wake up!.",sigaw ko sa labas ng pinto ni Kyle habang paulit-ulit ulit kong kinakatok ang pinto nya..
'..Malamang tama si Manang, tulog pa ang ugok na'to..'
Maya-maya ay narinig ko nang parang tumayo si Kyle para yata buksan ang pinto..
"Ate..ang aga mo naman..",sabi ni Kyle habang nag hihikab.. kinukusot pa ang mata nya e..
"Gosh..anong maaga?. 11am na..super late na oh..kumain kanaba?. Wala nanaman ba sa oras ang kain mo?.", pagalit ko sa kanya habang pumapasok ako sa kwarto nya.. "Tignan mo nga 'tong kwarto mo...God ang kalat!."
"Sinaniban kaba ni Mommy ate?. May sermon ako sa umaga e..",angal nya tsaka humiga ulit sa kama.
"Ano ba..tumayo kana!.",tsaka ko sya pilit na hatakin sa pagkaka higa.."Pag di ka umayos, isusumbong kita kay Tita.."
"Ate naman e..",angal nya, natakot yata mas dragon kasi kung magalit yun si Tita e..hehe
"Oh bakit?.Tumayo kana at kumain kana!.Ipapalinis ko kay manang 'tong kwarto mo ha.. at wala kang magagawa..Ang kalat, sigurado akong pinag bawalan mo silang pumasok dito..",pagalit ko pa habang naka crossed arms sa harap nya.
"Haay..ako nang bahala sa kwarto ko..tsaka pwede ba, wag mo na idamay si Mommy..",pabalang na sagot nya tsaka inis na umupo sa edge ng kama..
"Oh..Edi natakot ka..",tsaka ako tumalikod sa kanya.. "Sumunod kana sa'kin ha.. nagugutom na ako..
I'm tired, so please wag kana umarte..",sabi ko tsaka ako bumaba para pumunta sa kusina.
....Maya-maya....
"Buti naman bumaba kana..lika na dito sa tabi ko.. nagugutom na ako..", bungad ko sa bagong ligo na si Kyle.
"Malamang..ang kulit mo e..",bulong nya pero narinig ko naman.
"Hoy.. tigilan mo yan at naririnig ko naman..", sagot ko pero nag roll eyes lang sya.
Ang totoo..naaawa ako lalo sa kalagayan ni Kyle..una yung kay Sam..Kaya nong nabalitaan ko yun ay pumunta agad ako sa kanya e.. yun nga lang ay kailangan ko umalis agad for a business trip.. Ang malala, di pa ako nakakauwi ay nabalitaan ko naman yung tungkol sa bata..
'..Binigay ni Kyle lahat sa mag-ina.. pero bakit parang dulo-dulo ay wala pading natira para sa kanya?..'
Saksi kami sa kung paano nya ipag laban si Sam..nong pinili nya na maniwala kay Sam kahit di nya alam na si Sam ang dahilan kung bakit wala syang maalala ngayon..
......flashback.....
*....paak!..paak!....*
"Walang hiya kang babae ka!. Anong ginawa mo ha?!.",sigaw ko kay Sam matapos ko syang sampalin ng dalawang beses.." Tignan mo kung anong nangyare sa pinsan ko dahil sa'yo!."
"Ate tama na..nakakahiya dito sa Ospital..",awat sa'kin ni Jane habang hinahawakan din ako ng iba pa..
"Bitiwan nyo ko ha..kung ayaw nyong kayo ang maka-tikim sa'kin!..",sabi ko sa mga umaawat sa'kin.. halata namang natakot sila dahil wala silang nagawa kundi bitiwan ako.
"At ikaw..ano!. Nawala naba ang dila mo?. sumagot ka!..",sigaw ko kay Sam.
Tama.. nandito nga kami ngayon sa Ospital.. ilang araw nang agaw buhay na naka ratay si Kyle sa higaan dahil sa aksidenteng nangyare sa kanya..
Halos mag eskandalo na ako pero wala akong pakelam.. Si Sam, puro sugat lang ang natamo nya sa aksidente..Kaya nga pauwi na sya ngayon e.. pero si Kyle.. lantang gulay ngayon na halos di na namin alam kung kelan gigising or worst, e kung gigising paba sya..
"Hindi ko sinasadya!.maniwala ka..di ko ginustong mangyari yun sa kanya..!", sagot pa ni Sam habang di na din maiwasan ang umiyak.
"Sinungaling!.Anong hindi sinasadya?!..Na-recover yung dash cam sa sasakyan ni Kyle.,at alam mo ba, nakita doon na ikaw ang may kasalanan ng lahat!.",singhal ko sa kanya. Alam ng Dyos kung gaano ko pinilit na i-compose ang sarili ko wag ko lang mapatay ang babae na'to sa harap ko..
'Ano 'to biktima sya?. Napaka sinungaling!.'
Kasama nya sa aksidente si Sam, pero base sa imbestigasyon ng mga pulis ay si Sam ang dahilan kung bakit nawalan ng control si Kyle sa pagda-drive..
Kita sa kuha ng dash cam kung paano nag talo ang dalawa sa loob ng sasakyan.. Rinig na rinig namin kung paano pinilit ni Sam ang sarili nya kay Kyle.. at nang di nya makuha ang gusto dahil si RC na ang mahal ni Kyle ngayon ay nakipag agawan sya ng manibela kay Kyle hanggang sa bumanga ang sasakyan nila at lubha ngang nasaktan si Kyle sa nangyare..
"Hindi ko sinasadya.. gusto ko lang naman na mag usap kami..", sagot ni Sam.
Iyak sya ng iyak habang ang ibang kasama namin ay walang kaalam-alam sa sinasabi ko.. bakas ang pagtataka sa mga mukha nila habang kino-kumpronta ko si Sam..
"Oh bakit.. kinausap ka naman nya ha!. Maayos yung sinabi nya sa'yo na hindi na ikaw ang mahal nya!.. Ang problema sa'yo, makasarili ka!. Gusto mo na lagi mong makukuha lahat ng gustuhin mo!. Kahit maka-sakit ka ng iba e wala kang pakelam!."
"..a-ate...",narinig kong sabi pa ni Jane na tila pinapa kalma ako.
"Nakaratay si Kyle at di namin alam kung kailan sya magigising o magigising paba sya.. Ngayon mo sabihin na di mo sinasadya!..",mahabang litanya ko habang nagpipigil na sampalin ulit ang kaharap ko.
"Mahal ko sya..hindi ko gusto na nangyare 'to lahat sa kanya!."
"Mahal?..magkaiba ang pagmamahal sa obsession..Pero tingin ko hindi ka obsessed.. Kasi sa lagay mo na yan, baliw kana!."
"..S-sorry.. sorry talaga...", takot na sabi nya.
"Sorry?!. F*ck you!. Pag may nangyareng masama sa pinsan ko..wala nang pupuntahan yang sorry mo!...."
......end of flashback.....
Simula nang mangyari yun..tinapos ko na ang pagiging magkaibigan namin lalo ni Sam.. Dahil nang magising si Kyle ay mas naging malala ang sitwasyon para sa kanila ni RC..
"Ngapala..sabi ni Tita balak mo daw
bilisan mo na at aalis tayo..",sabi ko pa nang maalala ko ang sinabi ni Tita sa'kin minsan nang tawagan ko sya.
"Oo.. masyadong malaki kasi 'tong bahay na'to para sa'kin mag isa..", sagot nya habang nagsisimula na ding kumain.
"Oh bakit.. nandito naman sila Manang ha..", sagot ko.
"Yun na nga din yung isa ko pang iniisip e.. masyadong malaki 'tong bahay.. kawawa naman sila Manang Rosa at Manong Cardo sa pag aasikaso sa buong bahay..e diba nilipat ko na din sa G. Ads yung ibang kasambahay dito para may trabaho padin sila..", paliwanag nya.
"Ee bakit mo kasi nilipat..Alam mong malaki yung bahay na'to.."
"Ako lang ang inaasikaso nila..mukha namang tanga kung marami ang kasambahay ko samantalang ako lang ang nakatira dito sa bahay.. besides, mas kailangan sila Manang Rosa sa bahay namin sa probinsya..", sagot nya ulit.
"Sige na nga, tutulungan na kita.. tatawag na ako sa mga kakilala ko para mapa bilis ang pag benta mo dito sa bahay mo.. But after this anong plano mo, I mean saan ka titira..
"Sa dati kong condo, doon sa malapit sa school at sa company.. Mas okay na yun para mabilis lang mag byahe on my way to the company.. Iba na din kasi ang traffic ngayon e..", sagot nya.
"Yeah.. mas grumabe pa dahil sa ginagawang MRT.."
"Anyway, thanks ate ha..sa lahat.. Buti nalang talaga nandyan kayo for me.. Lalo na ang parents ko, grabe yung binibigay nilang pasensya sa'kin..",parang naiiyak pang sabi ni Kyle.
Naawa tuloy ako lalo sa pinsan ko, pero kung tinatatagan nya ay kailangan ko ipakita na mahal namin sya kesa sa ipakita namin na naaawa kami sa kanya.. Dahil mas kailangan nya yun lalo na ngayon..
"Ang drama mo..Lakas maka baby girl na emote mo e..",sabi ko, halata namang napikon sya dahil nag poker face lang sya..
"Anyway, bilisan mo kumain Kyle..mag bihis ka at may pupuntahan tayo..", excited na sabi ko.
"What?. saan nanaman?.", sagot nya na napapa iling pa.
"Aangal kapa?. E diba naka leave ka ng 1 month?. Soos..iba talaga pag CEO..bakasyon grande..",biro ko sa kanya.
Nang umalis kasi si Chloe sa bahay nya ay parang wala na sa wisyo si Kyle lalo na pag pumapasok sya.. Kwento pa ni Tita ay halos araw-araw daw na lutang si Kyle sa trabaho, andyan yung lagi syang nagkakamali sa kahit anong bagay sa opisina.. Lagi din daw syang antok pag pumapasok.. Kaya minabuti daw ni Tito ang pag pahingahin sya ng 1 month.
"Grabe ka din sa'kin e noh..", sagot nya tsaka inis na tumingin sa'kin.
"Joke lang e.."
"Oo na..pero ate, saan nga kasi tayo pupunta?.
"Basta..magtatanong kapa e wala ka naman magagawa..", sagot ko with witty smile nang may maisip akong masayang pupuntahan..
'..Kaming bahala sa'yo Kyle..wag ka mag alala..'
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
A/N;
UD na agad diba?. Told you guys.. hehe..
📌 100 votes naman dyan..kung ayaw oh edi kawawa si ako..hehe
📌 Comment nalang?. Ayaw nyo padin?. Grabe naman yan..
📌 Follow kaya?. Ayaw padin?.Delete ko na'to e...
📌Sige na nga.. Spread the Love nalang..para may world peace.. ✌✌
PS,
Love.. thanks sa lahat lalo na sa mga araw na walang-wala ako e lagi kang nandyan for me..lagi kitang pasasalamatan.. mahirap lang ngayon e hindi na para bukas.. I won't stop loving you... Love you.. sobra..
-MVP
BINABASA MO ANG
Forget You Not (Miss Sungit and Me book 2)
أدب الهواةIf you ever read Miss Sungit and Me..Sure you will understand it's book two. This is story is about Kyle and RC.. couple who use to believe that forever exist even in "this" kind of "thing".. Paano nga ba muling iikot ang istorya ng masungit at...