RC's POV;
"Oh hija, okay ka lang ba dyan?.", tanong pa ni Nanay kay Kyle nang ihatid nya pa kami sa kwarto..
Sya na din ang nag ayos ng kwarto ko habang nasa sala kami ni Kyle kanina at saglit na nagpapahinga.. Nakakahiya naman kasi na di malinis dito.. kahit papano naman ay bisita padin sya..
"O-opo, okay na po.. salamat po sa pagpapatuloy..naka abala pa po yata ako..", nahihiyang sagot ni Kyle na dahan-dahan pang naupo na din sa kama habang bahagyang pinag mamasdan ang loob nito..
Dahil bumuhos nga ang malakas na ulan,.ayun, wala ngang naging choice si Kyle kundi dito na matulog.. At dahil di kami kasing yaman nila e wala din syang choice kundi makatabi ako..Wala naman kaming guest room e.. Alangan namang pauwiin ko sya, e bagyo na yata ito at sobrang lakas talaga ng ulan sa labas..
"Ano kabang bata ka, para ka namang iba..Ayos lang iyon, kesa naman magmaneho kapa sa ganitong kapangit na panahon..", sagot ni Nanay. "Mabuti na nga lamang at dito ka sa amin inabutan ee, isipin mo kung sa kalye ka, delikado pa naman ang panahon..", dugtong pa nito..
At nahihiyang ngiti lamang ang sinagot ni Kyle sa kanya..
"Oh sya anak..ikaw na ang bahala sa bisita mo ha..at matutulog na din ako..antok na din ako e at marami pa akong gagawin bukas",pagpapaalam ni Nanay.. "Goodnight na sa inyong dalawa.."
"Opo Nay.. goodnight po..", sagot ko tsaka sya lumabas na ng kwarto.
"goodnight po.. s-salamat po ulit..", nahihiya pading pahabol ni Kyle..
Ang totoo, di ko talaga inexpect na magiging ganon padin ang pag tanggap ni Nanay kay Kyle.. Sa kabila ng lahat ng nangyare..pero sabi nga ni Nanay noon, di sinasadya ni Kyle na di na nya kami maalala.. Kaya siguro ganito sya kay Kyle, yung parang naging okay sa kanya na nandito si Kyle.. After all, naging mabuti naman si Kyle sa pamilya ko noon..
'..ako pa nga yung naging hindi mabuti kay Kyle noong kami pa..'
"Ahhhmm..RC.."
"Oh?.",tanong ko habang kumukuha ng damit ko.. syempre naman, shower muna bago matulog..
"P-pwede akong maka hiram ng damit, k-kahit ano na.. T-tsaka towel na din..makikiligo na din sana ako..hehe", nahihiya pang sabi nya habang napapa-kamot..
'..cute talaga..',sabi ko sa sarili habang natatawa nalang sa actions nya.
"Ahh okay, yun lang pala e..", sagot ko tsaka ako nag halungkat ng mga gamit na naitago ko na..
'..hmmm..ito,.bagay 'to sa kanya..',sabi ko nang makita ko ang isang pamilyar na damit galing sa ilalim ng closet ko..
"Ito oh..try mo...",sabay abot ko ng damit..Kinuha naman nya ito tsaka tinitigan ng matagal..
"Hey.. you okay?.", curious na tanong ko..
"Nothing..", sagot nya while smirking.
"Hooy, what were you thinking huh?. Nakangiti ka mag isa dyan.."
"Bakit ka may damit ng pang lalaki?.ikaw ha..",pang aasar nya.
'..teka..anong iniisip nito?..'
"Sira..di yan akin noh.. baliw nito.."
"Oo na..joke lang e.. E kanino pala 'to?.", natatawang tanong nya.
"Mga naiwang damit m---I mean ng kakilala ko..tama, ng kakilala ko nga..", tarantang sagot ko. "Madalas kasi dito yun noon..Kaya nag iiwan sya ng damit na pamalit dito, para di na daw sya mag bitbit pa araw-araw.. Medyo tamad mag dala ng gamit yun e..", dugtong ko pa.
"Talaga?.sobra siguro kayong close kaya may mga damit pa sya dito?. E nasaan na pala sya?. I mean, sa tagal nating magkakilala e I didn't have the chance to meet that person.."
"A-ah e..Yun ba?..b-busy lang talaga yun tsaka nasa abroad na sya e..Oo tama..yun nga..kaya di mo na talaga sya makikita..", pagsi-sinungaling ko tsaka ako tumalikod ulit sa kanya at naghanap ulit ng damit ko..
"I see, In fairness sa kakilala mo ha.. parang pareho kami ng taste sa damit..", sagot nya habang tinitignan padin yung mga damit na binigay ko.
'..e talaga namang pareho kayo ng taste, e sa'yo kaya damit yan..'
Kyle has her own fashion sense, sophisticated at elegante sya manamit kahit noon pa, kahit nga pambahay pa yan maganda nyang nadadala ang damit.. Pero wag OA, nagsusuot sya ng damit na kahit galing sa ukay.. syempre pag ako ang bibili..
'wala naman syang choice kundi suotin ang bigay ko..' ^____^
"At pareho pa kami ng brand ng undies..", natatawang dugtong nya..
'.. sa'yo nga kasi yan.. paulit-ulit?..'
"Wait..itong undies nya talaga ang susuotin ko?."
'..ayy oo ngapala, medyo hygienic ngapala 'tong si Kyle..', I mean syempre naman underwear padin 'to, malay nya ba kung sinong sumuot nyan kahit sa kanya naman talaga ang mga gamit na'to..
"Don't worry, bago yang mga yan..", sagot ko which is totoo naman..Ito yung last na binili namin sa mall na naiwan nya dito sa bahay ee..
"Hmmm...", sagot nya habang tumatango..
"Wait..."-sya
"Ano nanaman?.", inis na sagot ko, dami nya kasing tanong..
'..kulit!..' -____-
"pang lalaki 'to ha....ikaw---"
"haay nakow, wag ka ngang malisyosa!. iwan na nga kita.. Mauna na ako maligo at gagabihin na tayo ng malala..", sagot ko tsaka ko sya iniwan na parang tanga pading nakatingin sa damit nya..
On the second thought, alam ko kung anong iniisip ni Kyle about sa damit na pang lalaki, but honestly, wala na akong enough energy na mag explain sa lahat ng pangungulit nya.. Tsaka why would I anyway..
Tsaka ako nagsimulang mag shower..
'.. wait dito sya matutulog?..', tarantang sabi ng utak ko nang ma-realize ko na kanina ko pa pala napag desisyunan na patulugin sya sa tabi ko.. At dahil sa isipin na yun ay bigla nanamang lumakas ang tibok ng puso ko tsaka biglang uminit ang mukha ko..
'..teka RC..diba okay na sa'yo kanina?. Anong inaarte mo dyan?.'
Bigla ko tuloy naalala yung nangyare sa'min noon sa resort nila sa Zambales.. Yung......
'..Oh my god RC.. tigilan mo yan!!..', pagalit ko sa sarili ko..
Kaya para maiwasan ang pag iisip pa ng kung ano, minabuti ko nalang na ipagpatuloy ang pag sha-shower ng mas mabilis..
'.. bakit ko ba kasi naalala pa yun!!!.'
~~~~~~~
Kyle's POV;
At wala nga akong naging choice kundi dito na sa bahay nila RC magpatila ng ulan..
'bakit kasi biglang lumakas yung ulan, okay naman sya kanina!..'
Mabuti nalang at mabait ang Nanay ni RC kaya di na ako masyadong nahiya, konti lang.. Kaso kawawa yung Tatay ni RC, na stroke pala ito pero mabuti nalang ay nagiging okay na daw sya sabi ng Nanay nya..
Ang totoo, parang pamilyar sa'kin yung kwarto ni RC, yung simpleng design ng kwarto nya..Ewan ko lang kung saan ko 'to nakita noon..
'..Ang laki din naman ng kwarto nya kahit papano, at ang linis pa nito ha..di gaya ng akin..hehe..', ito yung nasa isip ko habang nililibot ang mata ko sa loob ng kwarto ni RC..
At sobrang organized nya, nakita ko kasi kanina yung closet nya nong hanapan nya ako ng masusuot,. sobrang ayos nito.. Yung mga pang alis, pang opisina at pang bahay nya ay bukod bukod ng lagayan.. Kung ako yun, bahala na..hehe..
Napatingin tuloy ako sa damit na hawak ko, yung binigay sa'kin ni RC kanina.. Weird kasi pero kahit itong mga damit ay pamilyar din sa'kin..
'..baka nagkataon lang na same brand..'
Maya-maya ay biglang bumukas ang pinto ng CR..at lumabas doon ang naka tapis lang na si RC..
'.. shit...'
Sobrang sexy nya..Alam mo yung alam kong naka nganga ako, but I can't help it.. Dyosang bagong ligo yata ang lumabas sa CR..
Pantay yung kulay ng balat nya.. Yung walang bakas sa part ng katawan nya yung nasunog sa araw.. kitang-kita yung curve ng katawan nya sa medyo basang towel na nakapalibot sa kanya.. at yung boobs..
'hooy Kyle, ang manyak mo!.', pagalit ko sa sarili ko habang tinitignan ang dyosang lumabas sa banyo.. but I can't help it..
'..Ang hot nya..' at naka add up pa sa hotness na yun e yung pag tulo ng tubig sa balikat nya na nagmumula sa basa nyang buhok..
'.. I'm not checking her out.. I'm just appreciating her beauty..', iniisip ko tuloy kung naging ganito din ba kaganda sa mata ko si Sam after nya mag shower..
'haaay Sam..ayoko na maalala ka!.'
"Hey Kyle...",tawag nya sa'kin..
"Y-yeah?.",utal na sabi ko..
'..wait, kanina nya paba ako kausap? Nakakahiya!..'
"I know I'm beautiful, but please wag mo na ako titigan.. maligo kana at gabi nya..",natatawang sagot nya habang nakaupo na sa harap ng salamin at nagsisimula nang mag blower ng buhok nya..
"Feeling... I'm not...", tsaka ko sya inirapan.. Kunwaring pagtataray ko para di nya mahalata na at some point ay totoo ang sabi nya..
"Whatever..", natatawang sagot nya.
Tsaka ako dumiretso nalang sa CR at nagsimula nalang din maligo.. Ang sexy naman kasi.. Ang swerte nga naman ng boyfriend...
"Makaligo na nga lang.."
After few minutes natapos na din ako.. Dito na ako nag bihis sa loob ng CR, nakakahiya naman kasi na mag bihis sa harap nya..
Pag labas ko ng CR, nakita kong may kausap sya sa phone habang nakatayo sya malapit sa pinto ng kwarto..
'ahh..baka boyfriend..', I just know, nakangiti sya ee..
"Yeah I'm good, anyway sige na.. Goodnight na din...Love you too..", sunod-sunod na sagot nya sa kausap..
'nag I love you too..told yah, boyfriend nya..', pag-a assume ko pa..
Pero bakit ganon, ito na yata yung pinaka nakakainis na I love you too na narinig ko.. At kung bakit ako naiinis?. I honestly don't know why..
Pero pakiramdam ko din ay hindi lang basta inis ang nararamdaman ko, kasi kung "inis" lang yun.. bakit parang ang sakit sa puso..? Parang pinipiga yung puso ko ng ilang minuto..
Hanggang sa maramdaman ko na ako naman yung tinatawag nya..
"A-ah eh, ha?.",tanong ko pa sa kanya after nyang tawagin ng tatlong beses pa ang pangalan ko..
'tulala Kyle?. parang tanga ka lang!.'
"Sabi ko mag latag kana sa baba..",sabi pa ni RC habang hawak ang makapal na kumot..
"Sa baba?.", gulat na tanong ko.. Yung tipong ang lungkot ko kanina for I don't know reason, tapos biglang nag shift sa pagka inis dahil sa sinabi nya..
'..kaloko!..'
"Oo, sa baba..", cold na sagot nya..
"Teka bakit sa baba?.",reklamo ko, ang sakit kaya sa likod mahiga sa semento..
"Bakit, saan mo gusto?.",tanong nya sabay taas kilay.
"Edi dyan sa tabi mo.."
"Sa tabi ko?. Manigas ka!."
"Bakit hindi?. E ang laki-laki ng kama mo tapos sa sahig mo ako pahihigain?.ibang klase..",protesta ko..
"Bakit ba gusto mo sa kama?. May balak kang masama sa'kin noh?."
"Wag ka umasa, masasaktan ka lang!.tsaka, paano kung magka pulmon-----"
*..tok...tok..tok..*
Di ko na natapos ang sasabihin ko nang biglang may kumatok sa kwarto ni RC..
"Anak..ano bang nangyayare sa inyo dyan?.buksan mo nga ito!..",medyo malakas na boses ng Nanay nya ang umawat sa'min habang kumakatok ito sa pinto..
'naku naman..nabulahaw pa yata namin..si RC kasi, paka damot!.'
Inis na binuksan naman ni RC ang pinto matapos nya akong irapan..
"N-nay bakit po?.", nahihiyang tanong ni RC sa Nanay nya.
"Anong bakit?.e gabing-gabi na, kaiingay nyo padin.. Di makatulog ang Tatay mo..pambihira ka oh..Ano bang pinag tatalunan nyo at abot sa kabilang kwarto ang ingay nyo?.",sermon ng Nanay nya.
Oo, mukhang pati ako ay na sermunan din ng wala sa oras.. Si RC naman kasi!.Nakakahiya tuloy..
"W-wala po, nag aayos na nga po kami ng higaan namin..",sagot ni RC.. tsaka ko nahihiyang ipinagpag ang hawak ko nang makapal na kumot at inilatag nga ito sa sahig..
'..mukhang walang choice..'
"aba teka Kyle, anong ginagawa mo?.",tanong ng Nanay ni RC habang takang naka tingin sa akin..
"N-naglalatag po ng higaan?.",di siguradong sagot ko dahil sa hiya..
"Bata ka oo, alam ko.. pero bakit sa lapag ka naglalatag e napaka laki naman ng kama ni RC?.",takang sagot nya pa sa'kin..
"P-po?. k-kasi po.."
"Kasi po Nay nahihiya daw tumabi si Kyle sa'kin kaya sa lapag sya matutulog..", pagsisinungaling ni RC habang pinandidilatan ako ng mata.. "Diba Kyle?.",dugtong pa nito na parang nagsasabi ng -magkamali ka ng sagot, patay ka sa'kin- look..
"A-ahh..o-opo..hehe..",labag sa loob na sagot ko..
"Anong nahihiya?. Wag kana mahiya,. mas nakakahiya kung hayaan kong matulog ang bisita ng anak ko sa sahig, ikaw talaga na bata ka oh..",sagot nya tsaka pumasok sa kwarto ni RC at kinausap ako na parang ang tagal ko na syang kilala.. Kagaya ng way nya kanina pa..
"Po?. hindi na po, okay na po ako dito..", sagot ko habang ipagpapatuloy sana ang ginagawa ko kanina..
Kaso ayun, pumasok nga ang Nanay ni RC at kinuha ang kumot na kanina lang ay hawak ko..
"Hindi na..dito kana matulog..", utos nya habang inaayos ang dalawang unan sa kama.. Yung para sa'kin at para kay RC.. "Ang laki-laki ng higaan e dyan ka sa sahig magtyatyaga..",dugtong pa nito..
"At ikaw namang bata ka, tulungan mo na nga ang bisita mo at nang makatulog na kayo.."
"Opo Nay..", pigil na inis na sagot ni RC sa Nanay nya habang gigil na nakatingin sa'kin..
I was like, what?.e sabi ng Nanay mo- look into her..tsaka sya umirap nanaman sa'kin.. Natatawa nalang tuloy ako, e kasi nga ako ang nanalo sa aming dalawa..
'mukhang masarap ang tulog ko nito..'
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
A/N;
Hello gees.. sorry for the supeeeeer late UD..Anw, di ko na po na edit kung may typo errors ha.. sorry na agad..
Daming ganap ee.. Mag ingat po tayong lahat!..
Stay Home, stay safe!..
-bab
BINABASA MO ANG
Forget You Not (Miss Sungit and Me book 2)
FanfictionIf you ever read Miss Sungit and Me..Sure you will understand it's book two. This is story is about Kyle and RC.. couple who use to believe that forever exist even in "this" kind of "thing".. Paano nga ba muling iikot ang istorya ng masungit at...