Kyle's POV;
"Kyle nandyan na sila..", sigaw ni Marco mula sa malayo, tsaka tarantang nagsibalikan sa kanya-kanyang mga table ang mga tao..
Nandito ang lahat..sila Mom and Dad, ang mga kaibigan ko ay present din..And to my surprise, pati parents ni RC nandito.. Oo, sila 'to, bilang na meet ko na sila last time.. May mga tao paring hindi familiar sa'kin ang nandito.. Pero lahat sila ay masayang nakatingin..
'..is this my same old dream?', I know, dahil blurred ang paligid..
'pero familiar talaga 'tong panaginip na'to..', gaya ng dati, may pakiramdam ako na hindi lang basta panaginip ang scenario na'to..
Gaya ng dati, mababakas lang ang ganda ng paligid sa mga ilaw at bulalak na blurred din sa paningin ko..
'I know this kind of dream..ito yung paulit-ulit kong napanaginipan..' Ang di ko maintindihan ay kung bakit paulit-ulit sya na parang walang ending..dahil lagi syang napuputol sa iisang scenario..
'..bakit...'
Pinagmamasdan ko yung sarili ko.. Bihis na bihis ako,.gwapo pero kakaiba yung magkahalong kaba na literal na nararamdaman ko din ngayon, excitement at tuwa ang nakikita ko sa mukha ko.. Lalo na nang may sasakyan na pumarada sa kabilang dulo ng isle..
'..nakita ko na nga ito dati...'
Doon ko na nakitang bumaba si Ate Lyra habang nakangiti sa'kin..nag thumbs up pa sya tsaka inalalayang bumaba ang isang babaeng naka suot ng white dress..Gaya ng lagi kong nakikita kapag napapanaginipan ko 'to..
Bigla kong naramdaman ang mabilis na tibok ng puso ko.. Pero kakaibang tibok na parang di galing sa panaginip lang..I can even feel how fast my heart beats habang nakatayo ang babae sa kabilang dulo..
Pero gaya padin ng una kong napanaginipan ang bagay na'to,. hindi padin malinaw ang mukha nya, pero sigurado akong maganda sya kahit naka blind fold pa sya..
Tsaka unti-unti ngang inalis ni ate Lyra ang blind fold nya.. Malabo man pero bakas din ang pagkagulat sa mukha nya habang tumitingin sya sa paligid.. Hanggang sa sinenyasan sya ni ate Lyra na maglakad upang puntahan ako sa kabilang dulo..
'.. sigurado ako..sya din yung babae na laging nasa panaginip ko..',sabi ko pa sa sarili ko habang nakikita ko pa ang sarili ko kung gaano kasaya na naghihintay sa babae sa kabilang dulo..
'.. sino kaba talaga....'
At parang dininig ng langit ang tanong ko, nang unti-unting lumilinaw ang pigura ng babae sa panaginip ko..
And to my surprise, habang palapit ng palapit ang babae sa'kin ay mas lalong nagiging klaro ang mukha nya sa panaginip ko.. Ilang hakbang pa nga ang ginawa nya palapit sa'kin ay.........
'..RC?....',buong pagtataka, pagkagulat pero may kahalong tuwa ang naramdaman ko nang ang magandang mukha nga ni RC ang nakita kong naglalakad palapit sa'kin..
'..RC... it's RC!....'
*.....krinnggggggg... kriiiiinnnggggg...*
"Sh*t...",inis na sabi ko nang bigla akong gisingin ng alarm clock.. It's already 7am at gaya ng araw-araw ko, kailangan ko pa ngapalang pumasok sa trabaho..
Pero yung inis ko kanina ay biglang napalitan ng tuwa nang maalala ko na nakita ko na sa wakas kung sino yung babae sa panaginip ko..May pakiramdam kasi ako na lahat ng nasa panaginip ko ay parte ng mga nawawalang ala-ala ko.. bigla tuloy akong napa balikwas sa higaan..
'..sya yung babae sa panaginip ko?. Pero paano?..'
'..ilang taon kong napapanaginipan yun ng paulit-ulit...si RC lang pala..'
'.. I'm sure, that it's not just a dream!..'
'...I need to confirm everything...!'
'..anong gagawin ko!...'
Tsaka ko naisip na tawagan yung taong alam kong di mangingiming mag sabi sa'kin ng totoo..Dali-dali kong kinuha ang phone ko at nag dial ng number dito..
"Hello Phil..we need to talk.. meet me this morning, I'll just text you the details..bye..", bungad ko agad sa tinawagan ko. Di ko na sya binigyan ng dahilan para tumangi, tsaka ko binaba ang telepono..
'..I need to know what really happened..'
~~~~~~~~
Phil's POV;
"Hey.. good morning dude..", bati ko kay Kyle nang dumating sya sa resto na sinabi nyang pag meetan namin.. Nauna lang naman ako sa kanya ng mga ilang minuto kaya okay lang na late sya..
Don't know why she asked me out, biglaan naman kasi yung yaya nya, and knowing her, this must be that important.. Anyway, galing lang ako sa isang music tour abroad at sakto namang kakauwi ko lang kagabi nang tawagan ako kanina ni Kyle..
Syempre, informed naman sya na uuwi ako, pero di ko lang akalain na ganito nya ako ka-miss.. ^__^
"Mornin', sorry I'm late, just need to fix something first at the office..", bati nya..
"Nah.. it's okay, on the way lang naman yung resto..", sagot ko habang paupo na sya sa harap ko..
"Anyway bakit bigla mo akong kinita.. What happens to be the problem?. Don't tell me, problema nanaman?. Sasapakin na kita..", natatawang sagot ko..
"Sira, serious thing 'to..", sagot nya na biglang nagpa kaba sa akin.
'knowing her..tsssk, bakit nanaman kaya....'
"Gaano ba ka seryoso?.",tanong ko habang nakatingin sa menu ng resto.
"It's about my dream..", nahihiya nyang paninimula.
"Your dream?., pinapunta mo ako dito dahil sa panaginip mo?. Anong akala mo sa'kin, marunong bumasa ng panaginip?.baluga ka!.",natatawang sagot ko.
"Dude, this is serious!..",inis na sagot nya na di man lang natawa sa sinabi ko..
"Ano ba kasi yun?."
"Tsssk.. it's just happen na may bagay akong paulit-ulit na napapanaginipan..",nahihiya nyang pag uumpisa..
"Tapos?...."
"And it felt like it was not just an ordinary dream..", seryoso nyang sagot.
'..bakit parang alam ko na'to..'
"Okay..go on.."
"I am dreaming about this proposal.. actually, ako yung nag propose to someone.. at nakita ko kayong lahat doon, as in kayong lahat.. pamilyar din sa'kin yung lugar at scenario, kaya sure ako na di basta panaginip yun dude..", kwento nya..
Tinitignan ko lang sya habang hinihintay kung anong susunod na sasabihin nya.. She's so serious at confused at dahil doon, nakaramdam ako ng awa sa kanya..
'para sa taong walang ginawa kundi magbigay.. bakit kailangan mawala ang alala mo Kyle..'
"noong una hindi pa malinaw lahat..kasi tanging kayo lang na pamilya ko yung lagi kong nakikita bukod sa mismong lugar.. pero kagabi..",putol nya na tila nag aalangan at nahihiya pa syang ipag patuloy yung kwento nya..
"What about last night?."
"kagabi, naging malinaw na sa'kin lahat, at first akala ko na si Sam yung babae na laging malabo yung features sa panaginip ko.. but I was wrong..and it turned out to be RC.. it is always been R--------.."
"Sabi ko na..",putol ko sa sasabihin nya pa..
"What do you mean by that?.", confused na tanong nya.
"Alam ko naman na maaalala mo din lahat..", sagot ko.
"You mean?....."
"Yes dude, it's always been RC.. And I want to congratulate you..kasi after all this year, may konting naaalala kana..gumagana na ng matino yang tuktok mo....", sarcastic na sagot ko. "And yes dude, hindi yun basta panaginip lang.. it actually happened years ago..", dugtong ko pa..
"What?. You mean, nangyare nga talaga yun?.and you guys all know na naging kami ni RC?.",inis pa na sagot nya.
"Stupid!..of course I know,. we actually all know..",natatawang sagot ko.
"Pero bakit di nyo sinabi sa'kin lahat?. baka maala----"
"Bopols kang bipolar ka noh?.",inis na sagot ko sa kanya.. "Naaalala mo ba kung paano mo tinangi si RC noon, kayo at ng kabet mo?.", sagot ko habang napayuko lang sya dahil dito..
"Pag gising mo palang sa hospital, imbes na si RC ang hanapin mo, si Sam agad ang hinanap mo.. Ganon ka kabobo!.. na kahit ipilit namin na si RC na ang girlfriend mo noon, di ka sa'min naniwala.. Worst is, dahil doon kaya nagawa ni Sam na wag kaming palapitin lahat sa'yo.. dahil nong panahon na yon, si Sam lang ang importante sa'yo.. Na takot ka iwan ni Sam?. Si Sam ang mundo mo, at kami?, itsapwera sa buhay mong bugok ka!."
"Hindi ko naman al-----"
"Whatever dude,. ano ka ngayon?. Iniwan ka din nya.. To clear things ha, iniwan ka nanaman nya para sa iba.." , sarcastic na sagot ko pa, pero nananatiling naka tingin lang sya sa'kin..
Kita ang disappointment sa mata nya, ang guilt at panghihinayang.. Kung sabihan ko man sya ng masakit, para naman sa dinanas ni RC yun sa kanya.. Don't get me wrong guys, sya ang kaibigan ko, pero di purkit wala syang maalala e bi-baby-hin ko na sya thru my words.. Kasalanan din naman nya, dahil di sya marunong makinig..
"Nakita mo kung gaano pinagtabuyan ni Sam si RC, at ganon ka katanga dahil wala kang ginawa!."
'..tama lang 'to, para matauhan..'
"Kahit na sana pinilit nyong ipaalala sa'kin..", nahihiya pero diing sagot nya..
"Pinilit namin dude, naaalala mo yung time na pati parents mo e kinausap kana din about dito.. Pero wala, you were blinded by the thoughts of someone na una palang binitawan kana, sabagay ganon ka naman talaga, sobrang engot mo pag dating kay Sam, kahit noon pa.. At hindi mo alam kung paano nasaktan si RC dahil doon.."
"Kaya ba ganon nalang sya nong una nya akong nakita ulit..", naiiyak na tanong nya.
"Baka..I don't know.. pero yun yung reason kung bakit sya umalis ng bansa..", sagot ko.. "ngayon parang blessing in disguise pa nga yung nagkasakit yung Tatay nya at kailangan nya umuwi dito e..", biro ko na pilit kong mabago yung awra nya..
"Siraulo ka..",natatawang sagot nya.
"Oh bakit?.."
"..di kaya okay na may sakit ang Tatay nya..baliw ka talaga e..",pagalit nya sa'kin.
Pigil padin ang tawa nya,. pero all of a sudden bigla nanaman syang tumahimik..
"..p-paano na ngayon..", may panghinayang na tanong nya
"Anong paano na ngayon?.", curious na sagot ko.
"Ee may boyfriend na sya.."
"Bakit?.naalala mo naba na mahal mo sya?. O naaalala mo lang na minahal mo sya noon?. Kasi dude magkaiba yun..", seryosong sagot ko..
"Kasi kung minahal mo lang kasi sya noon kaya ganyan yung reaction mo, baka dapat lang na hayaan naman natin si RC na maging masaya.. After all, puro sakit ng ulo lang ang binigay mo sa kanya ng maraming panahon, I mean dude, don't get me wrong ha.. Pero don't be selfish para di ibigay sa kanya yung kasiyahan na yun and I know, Dylan really loves-------"
"I love her..",putol nya sa sinasabi ko.
"W-what?."
"I said I love her..and I am dead serious.."
"Sure kaba?."
"Yes dude, ayoko na mag explain kung paano ko nasabi pero seryoso ako.. And I want her to be mine.. again..", madiin na sagot nya..
"Ayon..sa case na yan e mukhang mahihirapan na tayo ha.. Medyo late kanang ugok ka e..", natatawang sagot ko.
I can say na seryoso nga si Kyle sa sinasabi nya..
"Am I that late?.", malungkot na tanong nya.
"Hmmmm..hindi naman.. but I don't want to give you false hopes.. Sure ako, mahihirapan ka ngayon..",sagot ko.
"Gusto ko na maalala lahat..", frustrated na sagot nya habang halata ang inis sa sarili.
"Wag mo madaliin na maalala lahat.. come to think of it..baka kaya mo nakalimutan yung mga bagay noon e dahil may mga naka sakit din sa'yo.. Bakit di mo subukan na mag buo ng bagong memories with the person?.", mahabang litanya ko.
"paano nga, e may boyfriend na sya?.",inis na tanong nya.
"Bonak..",bulong ko na pakiramdam ko e narinig din naman nya..
"Anong bonak?. Ano?.",tanong nya with kunot noo..
"Bonak..bobong anak..", natatawang sagot ko.
"Bwisit ka, mag seryoso ka nga!."
"bakit ba kasi ako pa ang tinatanong mo pag dating sa kung paano na kung may boyfriend sya?. Wala kabang utak?. Try mo kaya mag isip!."
"Ee ano ngang gagawin ko?!.", pagpipilit nya.
"Sa part na yan dude..pwede ba ikaw na mag isip?. Kaya mo yan!..", kunwaring pangde-deadma ko habang tinitignan ulit ang menu ng resto.. "Sa ngayon, pwede ba kumain na muna tayo?. Gutom na ako e.. nakaka gutom yang problema mo!.", sagot ko tsaka ko sinenyasan yung waiter para lumapit sa'min..
Di naman talaga ako gutom, gusto ko lang na di Kyle mismo ang mag isip ng gagawin nya.. Kaya naman nya yun.. Support team lang kami..
'..ang tanong, ano nga ba ang gagawin nya, lalo pa at nandyan si Dylan..'
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
A/N;
Binilisan ko lang, puro convo muna ng mag bff..
Follow nyo lang po ako..
Sa IG: @iamharrykraft19
Sa Tiktok (oh!!..may tiktok ako!!..): @bababochog
See you on next chap..
BINABASA MO ANG
Forget You Not (Miss Sungit and Me book 2)
FanfictionIf you ever read Miss Sungit and Me..Sure you will understand it's book two. This is story is about Kyle and RC.. couple who use to believe that forever exist even in "this" kind of "thing".. Paano nga ba muling iikot ang istorya ng masungit at...