chapter 34: Textmate

935 33 8
                                    

   
RC's POV;
     
    
   
*.....beeep...beeep.....*
    
    
    
Sasakay na sana ako ng kotse ko nang marinig ko na may kung sino ang bumusina muna sa'kin..di ko nalang pinansin.. nagmamadali na kasi akong umuwi at pagod na ako..
     
    
Nandito kasi ngayon sa basement parking ng G.Ads building..Pauwi na ako after a long day work..
     
    
     
*.....beeep...beeep.....*
    
     
    
Narinig ko pa na inulit ng kung sinong driver ang ginawa nyang pag busina habang pinapatay-sindi pa ang head light nya.. tsaka ako nag decide na tanawin na kung sino ito..
    
   
At nang makuha na nito ang pansin ko, mukha ng nakangiting si Dylan ang nakita kong bumaba sa driver's seat ng kotse.. Hawak nya ang isang bugkos ng roses habang unti-unting lumalapit sa'kin..
     
    
"Hello Honey.. Happy monthsary...",sabi nya pagkalapit sa'kin..
     
    
"M-monthsary?.", nalilitong tanong ko.
    
   
'..wait, anong petsa naba ngayon?..'
    
    
Oo ngapala, it's been a month simula noong maging kami.. At sa araw-araw na yun, naging consistent si Dylan sa pagiging sweet sa'kin..Minsan nga nakaka konsensya na, kasi naging consistent din ako sa nararamdaman ko.. Na gaya noon ay sarado na yata talaga ang puso ko para sa iba..
    
   
Ginawa ko naman lahat e..sinubukan kong aralin na mahalin din sya.. Na baka maging masaya din naman ako sa kanya.. Pero ang hirap..Lalo na kung kasama ko araw-araw yung taong dahilan kung bakit naging mahirap sa'kin na mag mahal ng iba..
   
   
"Monthsary..1 month na kaya tayo..Di mo naalala?.", nakangiti pading sagot nya.."For you...",tsaka nya inabot ang bulaklak sa'kin..
    
     
Di ko alam kung paano kinakaya ni Dylan yung ganito.. Na mas importante pa sa'kin ang trabaho ko kaysa sa kanya.. Di naman sya manhid e..Alam ko nararamdaman nya yun.. Pero laging malaki ang puso nya para intindihin ako..
    
    
"Thanks.. sorry kung wala akong gift sa'yo..di ko kasi-----------..."
    
   
"Wala kang gift?.grabe ka naman,. masyado mo namang pinahalata sa'kin na di mo talaga gusto na naging tayo..",putol nya pa sa sasabihin ko tsaka sya malungkot na yumuko..
     
     
Bigla tuloy akong nakaramdam ng awa sa kanya,.lalo na nang makita ko yung sakit sa mata nya.. '..Ganoon naba ako ka obvious para mahalata nya yun?..'
     
    
"Dylan a-I'm so---------...."
     
   
"Joke...",sagot nya sabay peace sign sa'kin..tsaka sya tumawa..
    
   
Di ko tuloy maiwasan ang map ngiti sa kanya..Dahil sa mga bagay na pinipilit nyang magaan para lang ngumiti ako.. Pero bakit parang kahit joke lang yun ay di ko padin mai-alis ang awa na nararamdaman ko..
    
   
"Sira ka talaga...", sagot ko tsaka ko sya tinapik sa braso..
    
   
"Seryoso ka kasi masyado e..",sabi nya habang tumatawa padin..
   
   
"Tsaka di ngapala yang rose ang gift ko sa'yo..Nagpa-reserve kasi ako sa isang restaurant..Kaso may problema pa ako..",sabi nya ulit.
    
   
"Anong problema naman yun?."tanong ko.
   
    
"Hmmmm..di ko kasi alam kung sasama sa'kin yung yayayain ko..Naipag paalam ko pa naman sya sa Nanay nya..", sagot nya pa habang kunwaring nag-iisip..
    
   
'..Nakapag paalam na sya..paano pa ako tatangi?..'
    
   
Kilala na din kasi nya ang parents ko.. Minsan kasi nang umuwi ako sa'min from work, di ko alam na sinundan nya na pala ako.. Nagulat nalang ako na kumakatok na  sya sa bahay..At sya pa nga ang nagsabi sa Nanay at Tatay ko na boyfriend ko sya e..
     
   
Ayoko padin kasi na may ipakilala sa parents ko na bagong tao nanaman sa buhay ko.. after what happened to me last time.. Ang hirap na din magtiwala na may ipapakilala ka na di ka sigurado na tatagal.. Paano kung hindi nga..Lalo na ngayon na halos kakauwi lang ni Tatay sa Hospital..Di ko pa kaya na mai-stress nanaman sya dahil sa'kin..
    
   
E kaso, mapilit si Dylan..gusto daw nya patunayan na seryoso sya sa'kin..Kaya ito, pati number ng Nanay ko ay kinuha nya nang di ko alam..
    
    
"Oo na..ikaw talaga..",nakangiting sagot ko.."Alis na tayo, baka gabihin pa tayo e.."
    
   
"Wait..",sagot nya sa'kin tsaka sya tumingin sa ibang lugar.. "Kyle!..si Kyle nga..Hey!..", tsaka tinawag yung taong pasakay na din yata sa kotse nya..
    
    
"hey!.kayo pala yan..", sagot ni Kyle tsaka kumaway sa kanya.. tsaka nagbigay ng tipid na ngiti sa'kin..At tipid na ngiti din naman ang sinukli ko sa kanya..
    
    
Actually, madalang nalang kaming nagkakasama ni Kyle..busy kasi sya ngayon sa dami ng projects e..At dahil sa gamay na nito ang mga nangyayari sa company ay di na sya masyadong pinapahawak ng presentation para sa client, for training purposes lang naman yun noon kaya yun pinagawa ni tito Raul sa kanya..But now, puro approval at documentation nalang ang hinahawakan nya.. In short, di na kami nagkakasama sa mga projects.. Minsan nga halos ako nalang ang gumagawa nito e..Di na gaya ng dati mula nang maging kami ni Dylan..
    
   
"Long time no see ha?..", sagot ni Dylan.
    
   
"Ha?.ahh..busy e..", sagot din ni Kyle na isang kotse lang ang pagitan sa'min.. "mukhang may lakad kayo ha.."
    
   
"Ahhh..Oo, monthsary e..", proud na sagot ni Dylan tsaka biglang umakbay pa sa'kin..
   
   
"Talaga?.Ang bilis pala ng araw.. Anyway, congrats..", sagot ni Kyle. Napansin kong bahagya nya pang tinignan ang kamay ni Dylan na nasa balikat ko..pero mabilis nya din namang inalis ang mata nya dito..
    
   
Di na ako kumibo, hinayaan ko nalang na sila ang mag usap.. besides, di din naman ako pinapansin nong isa..
    
    
"Thanks..so paano?.Una na kami?."
    
    
"Sige..alis na din ako.. ingat kayo ha..", sagot ni Kyle na binuksan na ang pinto ng kotse nya..
   
    
"Sige.. ingat din..",tsaka ako inaalalayan ni Dylan na makapasok sa kotse nya tsaka sya pumunta sa driver's seat at pumasok na din..
    
     
   
     
*.....bzzzzt....bzzzzzzt.....*
     
     
      
Halos kaka andar palang ng sasakyan ni Dylan ay napansin ko nang nag vibrate ang phone ko..
      
    
'...may naiwan ba ako sa office?..', tanong ko pa sa sarili ko tsaka ko chineck kung sino ang nag text..
    
    
     
( Ingat..😉 - Kyle )
    
    
Isang text message ang na receive ko mula kay Kyle na lihim na nagpasaya sa puso ko..at dahil dito ay biglang tumibok  ng malakas ang puso ko.. Feeling ko tuloy, kung di maingay ang tunog ng sasakyan ay pati si Dylan ay maririnig ito..Di ko naman kayang pigilan kahit pa nga ang mapangiti mag isa dahil doon..
    
   
Actually unusual yung magtetext sya ng ganito ngayon..Lalo na busy kami pareho at di na kami masyadong nag uusap.. sa laki ba naman ng building ng G.Ads..
     
     
"May nag text sa'yo?.",tanong ni Dylan na napansin yatang nakatitig at nakangiti lang ako sa phone ko..
   
   
"Ahh..Oo, about work..", pagsi-sinungaling ko, ayoko din naman kasi na pag isipan nya ako ng masama.. Lalo na si Kyle..
    
     
Honestly, pinag-iisipan ko talaga kung paano sasabihin kay Dylan na nabigla lang ako nang sagutin ko sya.. Na kaibigan lang ang tingin ko sa kanya.. Ang kaso ay paano?. Sobrang bait ni Dylan, at dahil doon ay mas natatakot ako na masaktan sya..
      
       
"Ganon..replyan mo na..baka importante..", sagot nya habang naka focus lang ang mata sa daan..I just nod as an answer, ayoko na din kasi dagdagan pa yung kasinungalingan ko sa kanya..
   
   
( Thanks..ikaw din.. -RC 😊 )
     
    
Natataranta pa akong i-type ang reply ko para di makita ni Dylan..Iniiwasan ko din ang mapangiti kahit kilig na kilig naman talaga ako..ayoko din naman kasing magpaka manhid sa maaring maramdaman nya..
    
    
     
    
*....sent....*
   
   
       
Tsaka ko tinago ang phone ko sa bag.. Kung mag reply man ulit sya ay di na ito mapapansin ni Dylan na naka focus padin sa pagda-drive..Mamaya ko nalang din papansinin yung phone ko.. Baka makita pa ni Dylan kung sino ang nag-titext..
     
       
    
    
.......after few minutes......
     
       
    
     
"Why here?.",agad kong tanong nang ma realize ko kung saan kaming restaurant pumunta..
    
      
"Sabi kasi si Debbie ito yung paborito mong pinupuntahan noon e.. Ayaw mo ba dito?.If you want lipat nalang tayo....", sagot nya tsaka alanganing tumayo tsaka aabutin pa sana ang mga gamit namin para umalis na..
    
   
Pero mabilis ko syang pinigil at hinawakan sa kamay..agad naman syang naupo na sa table na pina-reserve nya.. 'Nandito nadin naman kami.. siguro okay na'to..'
   
    
Ito kasi yung lugar na lagi namin pinupuntahan ni Kyle noon.. actually, kahit hindi monthsary ay nandito kami.. Maganda kasi talaga dito, mabait ang mga crew at higit sa lahat, masarap ang pagkain..
     
    
"No.. it's okay.. besides nandito nadin naman na tayo e..", sagot ko.. "Ayoko na din mag byahe pa.."
    
    
"Buti naman.. nakahinga ako ng maluwag doon ha..",biro nya pa.. "Chineck ko kasi sa internet 'tong place, maganda naman ang reviews kaya naniwala nalang ako kay Debbie.."
    
    
Tsaka ako napatingin sa favorite na spot namin ni Kyle..doon sa gilid, sa table na malapit sa glass wall kung saan kita mo ang lahat.. Nasa 2nd floor kasi ang restaurant na'to.. At gustong-gusto namin ni Kyle na nakikita ang mga magagandang ilaw sa Metro, Yung matataas na building sa gilid namin..Yung mga billboard sa paligid..Yung masasayang tao na makikita.. Ang saya lang kasi tignan lahat, na parang walang iniisip na problema ang buong mundo..na wala  kaming iniisip na problema..pero noon yun..
     
     
May panahon pa nga na pinagti-tripan namin yung mga tao, yung gagawa kami ng skit na ang bida e yung mga taong nagkukwentuhan sa labas..na kami din ni Kyle ang nagda-dialouge habang sinasabayan namin yung buka ng bibig at kilos ng mga taong nakikita namin.. Alam mo yung parang commercial ng junk food noon..Basta ganon.,tsaka kami tatawa na parang kami lang ni Kyle ang tao sa restaurant na'to..
     
    
'.. ibang-iba na pala yung noon sa ngayon.. ',ang lungkot lang kasi malayo nang mangyari lahat ulit yun..
     
      
"Hon...Hon....",tawag sa'kin ni Dylan habang bahagyang inuuga ang kamay ko, tsaka sya napatingin sa lugar na tinitignan ko kanina pa.. "Okay ka lang?."
     
     
"Ha?.A-ah..Oo, may sinasabi ka?.", tarantang sagot ko.. pakiramdam ko kasi kanina pa sya may sinasabi na kanina ko padin hindi napapansin..
    
    
"Ahhmm.. I'm just asking kung anong gusto mong kainin?.", sagot nya na may pilit na ngiti habang hawak ang menu..
     
   
Napansin nya siguro na di ko talaga naintindihan yung sinasabi nya kanina pa..
     
    
"Ikaw na ang bahala..", sagot ko tsaka parang automatic na bumalik ang mata ko sa pwesto na tinitignan ko kanina..
     
    
"Ah hon..gusto mo ba lumipat doon?.",tanong ni Dylan tsaka tinuro yung pwesto na di ko maiwasang tignan.."Pansin ko kasi na kanina kapa nakatingin doon..baka gusto mo lumipat..", nakangiting dugtong nya..
    
   
"Ha?. Wag na.. okay na ako dito..", pilit na ngiti ding sagot ko.
    
   
Pero di ko pading maiwasan ang di mapatingin sa lugar na yun.. hanggang sa may babae at lalaki nga ang umokupa sa upuang kanina ko pa tinitignan..
    
   
"Sure ka?."
   
    
"Oo, tsaka tignan mo may mga nakaupo na..",sagot ko tsaka nya tinignan din ulit yung mesa.
     
   
"Sige, don't worry..next time, doon na tayo uupo..", sagot nya tsaka malapad na ngiti ang binigay sa'kin..at tango at ngiti lang ang sinagot ko sa kanya..
      
     
      
       
....after two hours....
    
     
     
Sa wakas nakauwi nadin ako.. Ayoko nadin naman kasi na mag puyat ng malala dahil sobrang pagod ko na din sa 8 hours of work palang..
    
   
Pabagsak kong hiniga ang katawan ko sa kama..pipikit na sana ako para ipahinga ng konti ang mata ko.. Kaso bigla kong naalala yung cellphone ko..
     
      
'..baka nag reply pa ulit si Kyle....',sa isip ko tsaka ako dali-daling tumayo at hinalungkat ang bag ko..agad kong kinuha ang phone ko..
    
     
As I have checked it, may dalawang messages akong na-receive, isa yung kay Nanay na nagsasabi lang na mag ingat ako sa date ko..at isa yung kay Kyle..
     
     
'Nag text si Kyle!.',sa isip ko tsaka ko excited na binasa ang message nya..
    
     
( Thanks..nasa bahay na ngapala ako.. Ikaw ba?. Ay oo ngapala may date ka.. enjoy..😉😊💘  - Kyle )
     
    
'..di padin sya nagbabago..ang daming emoticons...',tsaka ako nag isip ng ire-reply sa kanya..
   
   
'..More than 2 hours na pala yung last text nya.. gising pa kaya yun?..'
    
    
( Hi.. sorry late reply.. kakauwi ko lang e... -RC )
    
    
  
*....sent....*
    
      
Ilang segundo lang ang lumipas ay nag vibrate na agad ang phone ko..
    
    
"Ang bilis mag reply ha..",sabi ko pa habang naka ngiti tsaka ko agad kinuha ang phone ko..
   
   
( Hello honey..bahay na po ako.. -Dylan)
    
   
At biglang nawala ang ngiti ko dahil sa disappointments na naramdaman ko.. Hindi naman pala sya yung inaasahan kong nag text sa'yo..
     
     
( Okay..ako din.. tulog kana.. matutulog na din ako..pagod talaga ako today e.. ) ,walang ganang reply ko kay Dylan..
    
    
*.......sent......*
        
        
( Okay.. thanks for the night.. Love you... -Dylan ), reply nya ulit pero siguro dahil sa disappointed nga ako ay di na ako nag abala pang mag reply..
    
    
At ayoko na ding hawakan pa ang phone ko dahil dito.. tsaka ako tumayo at lumakad papunta sa closet..
    
    
'..Naku RC..wag kana umasa na mag text sya..kanina pa tulog yun...',inis na sabi ko sa sarili ko..
    
     
"Makapag bihis na nga lang.."
    
   
Naghahanap ako ng pang tulog sa closet nang narinig ko nanaman na nag vibrate ang phone ko..
    
   
'...Si Dylan lang naman ulit yan..',
    
    
Nag decide ako maligo muna bago ko dinampot ang phone ko para i-check ang text ni Dylan.......
     
     
    
    
    
But to my surprise........
    
   
    
    
'...si Kyle....', tarantang sabi ng utak ko nang makita ko kung sino ang nag text.. tsaka ko dali-daling binuksan ang phone at binasa ang text nya..
    
     
'..shit..kanina pa sya nag text..'
    
    
( It's okay.. I know you're busy.. sorry din kung late.. nakatulog pala ako sa study table ko ng di ko napapansin..😂 -Kyle )
    
   
( Hey, still up?. Sorry naligo pa ako  e..di ko napansin na nagtext ka.. Anyway, Bakit dyan ka kasi natutulog?..)  -reply ko habang umaasa na gising pa sya..
    
   
( Sobrang pagod ko kasi kanina e.. Alam mo na..Anyway, it's okay..naligo din naman ako e..😉 )- reply nya
     
     
( Subsob ka kasi masyado sa work e..chill lang kasi..) - sagot ko habang nakangiti sa phone na parang nasa harap ko lang ang kausap ko tsaka ako nag simulang mag blower ng buhok..
      
      
( Hindi naman masyado.. Kailangan lang..ikaw din kaya, lagi kang busy.. )-reply nya
      
        
( Ang dami kasi nating work loads ngayon..hehe ) - reply ko
      
       
( Hmmm..can I call?.para mawala yung pagod ko..😊😉💘💘💞 )- reply nya na kinagulat ko pa.
     
   
'..anong sabi ng mga emoticons nya..', kinikilig pa na isip ko..
     
      
Magbibihis na sana ako nang biglang tumunog yung phone ko kahit di pa ako nakakapag type ng isasagot sa kanya..
     
    
   
    
    
*......Kyle Calling......*
        
    
  
   
'..how can I say no....'
    
   
    
"H-hello....", bungad ko sa kanya nang sagutin ko ang tawag nya..
     
    
Nag kunwari pa akong antok para di halatang excited ako sagutin ang tawag nya..
     
    
"..Hi..Naka istorbo ba ako?.", sagot nya.
    
   
"Not really.. ", sagot ko
     
      
"..Buti naman..hmmmm..ano nang ginagawa mo?.",tanong nya sa kabilang linya..
       
     
"N-nagbibihis?..",nag-aalangan kong sagot habang nakatingin sa salamin.. Napapa lip bite pa ako sa thought na sana nakikita nya kung gaano ako ka sexy ngayon..
      
          
'..Haay RC..ang landi mo!..', kunwaring pagalit ko pa sa sarili ko.
     
     
"Ow... o-okay...", medyo utal na sagot nya.. natatawa tuloy ako, nakakarinig kasi ako na parang nate-tense sya..
      
       
"Anyway, why did you call pala?.", tanong ko na may pigil na ngiti..
     
      
'..RC.. masyadong maganda na ang tingin mo sa sarili mo....', pagalit ko ulit sa sarili ko..
     
         

"Hmmmm..just want to make sure na nakauwi kana..And just want to say goodnight..", sagot nya.
     
   
'..gusto nya mag goodnight?..', pag ulit ko sa sarili ko.. Di ko tuloy maiwasang kiligin at mapa kagat sa lower lip..Buti nalang at di ko sya kaharap..kundi...... makikita nya na para nanaman akong lokaret..
    
   
"Ahhh.. don't worry.. I'm safe.. hinatid naman ako ni Dylan pauwi..", sagot ko na di ko pinansin yung pag goodnight nya..baka ano pa ang isipin nya e..
    
    
"Buti naman..kundi sige ka..ako na ang laging maghahatid at magsusundo sa'yo..", sagot nya pa na lalong nagpa taas ng level ng kilig ko sa katawan..
      
    
"Sira!..puro ka kalokohan.. matulog kananga!.", kunwaring pagalit ko pa sa kanya tsaka nag kunwaring nag hikab ako para isipin nya na antok na din ako..pero ang totoo, mukhang mawawala ang antok ko dito..
    
    
"Oo na.. sungit.. goodnight,. tulog kana din ha..goodnight..bye..",halata naman sa boses nya ang antok.. bahagya pa syang nag hikab..
     
    
"Bye.. goodnight!..", kunwaring nagsusungit pang sagot ko tsaka ko pinatay yung call..
     
    
Tsaka ako nagsimula nang magbihis..Ilang minuto pa ay umayos pa ako ng higa sa kama habang mukhang tangang naka ngiti padin sa cellphone ko na naka patong sa side table..
     
     
Kanina antok na antok ako.. ngayon naman di na ako makatulog..Ilang minuto na akong nagpapa ikot-ikot sa kama pero di ko na makita ang antok ko..
    
    
    
'Haay..kasalanan mo talaga 'to Kyle e..'
      
     
   
  
     
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
      
    
A/N;
     
    
Kinilig kayo?. Ako din e..pero dahil sa antok na ako..next time nalang ulit..
     
     
Plug ko lang po ulit yung new stories na sinusulat ko..
    
    
"Naked Eye" and "Come What May".. And guys, ulitin ko lang po, naka HOLD po ang "The Gangster's Girl" for personal reason..
    
   
Paki support nadin po yung una kong sinulat na "Miss Sungit and Me"..
    
   
Grazie'.. -HK
    
    
PS,
    
   
Thanks Love, sa maraming bagay na naging dahilan kung bakit malakas ako dahil sa'yo.. Love you...
  
  
-MVP

Forget You Not (Miss Sungit and Me book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon