chapter 11: Cliche

953 36 27
                                    

Kyle's POV;

At wala na nga akong nagawa sa gusto ni Ate Lyra. Honestly, di ko talaga alam na ngayon ang dating nya from Canada kung saan sya naka base, syempre for work purposes ano pa nga ba.

Anyway, nandito nga kami sa tabing dagat at walang sawang kwentuhan habang kumakain ang ginagawa namin..Medyo gumamabi na din..ewan ko ba sa mga 'to at di nagsasawa sa kwentuhan..

"Haay, ang tagal naman..", angal ni Ate Lyra.

"Wait..are we still waiting for someone?. Don't tell me may in-invite pa kayo ha.. I mean it's already 10..", I asked, kung maka arte kasi sila e parang may bisita pa.

"Nah..it is not someone.. it's something..",si Jane sabay smirk.

"Something?..."-ako.

"Ayan na pala e..woooh..",tili ni Mitch habang napapa palakpak naman ang iba sa papalapit na sina Manong Cardo at Aling Rosa.

"Oh my gosh Manang.. salamat po..", excited na sabi pa ni Jel.

"Uhaw na uhaw Jel?.",sabi ko pa with matching poker face.

"E bakit ba.. ngayon nalang kaya ulit natin nagawa 'to..",si Jel sabay irap.

"Oo nga..see kumpleto nanaman tayo..I mean na kumpleto din tayo..sa wakas..",OA na sabi pa ni Debbie.

"Tama..si Ate Lyra nag Canada..si RC nag America..at ikaw na bugok ka nagka amnesia tapos nag asawa ng tinalo pa yung guard namin sa bahay..hahaha..",si Mitch na di ko alam kung seryoso o nang aasar.

"Guard?.",takang tanong ko.

"Guard..halos di kami makalapit sa'yo noon e..sobrang higpit..buti nga pumayag yun na magtrabaho kana e..", Mitch explained.

Yes, super bantay talaga ako ni Sam..I mean even now..Hindi ko nga alam kung paano ko sasabihin na kasama ko si RC sa company..I mean, after nong last time na nagkita sila sa convenient store na ganon sila mag usap..

"Haha..under..",si Jel sabay dila.

"Whatever..", pambabasag ko sa pagiging pabebe nila.

But honestly, parang nakita ko na nga ang bagay na ito..yung ganito kami kasaya on the same place..

Naaalala ko before na madalas nga kami dito nila Jane lalo nong highschool days..Pero yung kasama si RC?.I don't know, but it's like deja vu.. You know.. remembering an event even if it's just your first time.

'first time nga ba?. E bakit sabi ni Jel ngayon nalang ULIT?.'

"Pasensya na kayo't natagalan ha..e nagpabili pa ako sa may labasan at wala na pala kaming stock e..", sagot ni Mang Cardo habang inaayos ang mga wine na pinamili nya..

"Okay lang po iyon..di nyo naman po alam na mag tatagal kami rito..",sagot ko pa.

"Oo nga po..akin na po dito ya't ayusin na namin..",sabi naman ni Ate Lyra.

"Naku hija wag na at kami na ang mag aayos ng mga ito..",sabi naman ni Manang Rosa.

"Nay kami na po, magpahinga nalang po kayo at gumagabi na..",sabi ko sa kanila bago sila nag paalam sa'min..

Totoo naman kasi, super late na kaya.. Pero may isa akong bagay na napansin...

"RC okay ka lang..?",tanong ni Jel sa katabi nya na kanina pa nga tahimik. Napansin din pala ni Jel na tahimik si RC.

"Oo nga.. okay ka lang ba?.", tanong naman ni Mitch.

"Yes.. don't worry..", tipid na sagot nito.

Forget You Not (Miss Sungit and Me book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon