chapter 23: Remembered

873 35 19
                                    

Kyle's POV:
        
       
"Kyle!.. bilisan mo naman..bagal!..", tawag pa sa'kin ni RC habang pasakay na sya sa pinaka malaking ferri's wheel na yata na nakita ko dito sa Pilipinas.
     

Halatang excited nanaman sya na parang walang kapaguran.. Partida, kakapasok lang namin ulit sa skyranch dahil galing nga kami sa store kanina ha.
       
            
"God!.RC dyan talaga tayo sasakay?.",sabi ko pa.
       
             
Hala ka..ang taas ng ferri's wheel na'to..mabubuhay pa kaya ako after this?. Tignan ko pa nga lang sa baba e natatakot na ako.. paano pa kung nasa taas na ako..
               
           
"Oo..at wala kanang magagawa dahil binayaran mo na.."
                 
                   
"E p-pero..a-ano kasi----.."
                   
                  
"Wala nang kasi-kasi, halika na baka umandar na'to at maiwan pa tayo..",sabi pa nya..
               
              
'Anong maiwan?.Sa bigat ng ferri's wheel na'to malamang hindi maka alis 'to sa pwesto nya..',ito talaga yung gusto ko isagot sa kanya.
                
                       
Kaso halos umurong na ang dila ko sa takot kaya di bale nalang.. parang wala din naman syang naririnig e at mukhang decided na talaga sya na dito sumakay..
                   
                       
Tsaka nya ako hinatak nanaman papasok sa loob ng malaking bakal na'to..
                
               
'..Dyos ko po!!!..'
                 
                      
              
                    
......ilang segundo pa......
















"Waaaaaaaaahhhhhhh!!!...."

"Manoooong patigilin nyo naaaaaa!!...Ayoko naaaaaa!!...."

"Put me down!!....Pleaseeeee....!!"

""Waaaahhhhh!!!..Tama naaaaa!!..... Ibaba nyo ako ditoooo!!....."
            
               
Sigaw ako ng sigaw habang umaangat ang sinasakyan namin sa ere, hindi ko naman alam kung saang parte pa ako ng ferri's wheel kakapit.. nanginginig ako sa takot, pakiramdam ko pa ay maiihi ako o masusuka habang naririnig ko ang makina na nagpapa angat sa sinasakyan namin.. rather say, gusto ko nang maihi at masuka ng sabay dahil sa takot.. Naka dagdag pa sa kaba ko yung kitang-kita ko yung mga tao sa baba na lumiliit habang umaangat kami..
             
               
Tapos ang nakakainis pa e yung kasama ko na tinatawanan lang ako..
         
            
"Kyle..ano ba..ang sakit na ng tenga ko sa ingay mo.."
          
           
"Wala akong pake!..Waaaahhhhh!!!..Ihinto nyo na'tooooo!!!!.....",sigaw ko pa habang naka pikit sa takot.
              
               
The next thing I know is tinakpan na ni RC yung bibig ko ng kamay nya..
             
               
"Haay..tumahimik din..Ang sakit mo sa tenga!.",angal nya.
            
                    
"Hhmmm!!.hhmmmm!...",wala akong nagawa dahil ang diin ng pagkaka takip nya sa bibig ko.
                  
                 
"Anong sabi mo?.wala akong marinig..",tanong ni RC na parang nang aasar pa.
             
                 
'..Paano nya kaya maririnig ang sinasabi ko kung tinakpan nya ang bibig ko.. pssshhhh..'
                     
           
"Uhmm..paano mo ako maririnig kung tinakpan mo yung bibig ko?.",inis na sabi ko after ko alisin ang kamay nya sa bibig ko.
        
                  
"Ang ingay mo kasi..nakakahiya!.", sagot nya sabay irap.
                 
                     
"Bakit ka mahihiya e tayong dalawa lang naman ang nandito?.It doesn't make any sense.."
                 
               
"Ah sense pala ha.. E anong SENSE ng pag sigaw mo at pag tawag mo kay manong na operator nito kung kanina pa tayo naka angat sa lupa.. tingin mo maririnig kapa nya?. That thing really doesn't make any sense.. not at all.."
                 
                
'..aww..supalpal ako doon ha..'
                 
                  
"E natatakot ako e bakit ba?.Waaaahhhhh------!!!.."
                     
             
***.....bogsh....***
             
              
At naka tangap nga ako ng batok from her..
                  
               
"Outch!.. pssshhhh..masakit yun ha.. nakalimutan mo naba na boss mo ako?.".
          
                     
"Hoy boss..wala po tayo sa trabaho..kaya babatukan kita hangga't gusto ko..Kaya kung ako sa'yo tumahimik kana at napipikon na ako sa ingay mo!.",pag tataray pa nito.
                
            
Honestly, nakakatakot sya pag nagtataray..para nya akong kakainin ng buhay e..
                 
              
"Oo na.. sungit..hmmp..",tsaka ako umirap at pumaymewang sa kanya tsaka ko sya tinalikuran..
              
             
Pero imbes na mag taray nanaman sya ay ilang segundo akong hindi nakarinig ng kahit ano from her..
                
            
'..tahimik sya..bakit kaya...',tsaka ko sya unti-unting tinignan..
                 
               
"Wow....",sabi nya pa habang amazed na nakatingin sa kung saan..
           
                
Tinititigan ko lang sya..Nakakatuwa kasi yung biglang nawala yung inis sa mukha nya at napalitan ng tuwa.. Halata sa mata nya yung nararamdaman nyang saya at pagka mangha sa kung anong dahilan..
                
            
"Kyle..tignan mo dali!.",sabi nya habang di napuputol yung tingin sa malayo..napatingin nadin tuloy ako sa tinitignan nya..
           
       
'...a beautiful sun set....'
        
            
And it's just so amazing.. sobrang ganda na makikita mo yung pag lubog ng araw at pagbabago ng kulay ng langit mula sa ganito kataas na lugar..medyo ma-orange na ma-pula na pa dark na ang kulay ng langit mula sa taas hanggang bandang dulo kung saan lumulubog ang araw.. nag aagawan yung liwanag at dilim,.nakaka dagdag pa sa ganda nito ang bahagyang pag takip ng ulap sa langit..
        
                
Para tuloy akong lumilipad sa langit..nakakalimutan ko tuloy yung takot ko dahil naka focus ang mata ko sa ganda nito.. Naisip ko tuloy kung gaano ka swerte ang mga ibon na kaya nilang makita ito ng mas mataas pa araw-araw..
         
                     
"Ang ganda noh?.",sabi padin ni RC na hindi naman pinuputol ang tingin dito..
              
            
"Oo..ang ganda.....at ang lungkot din..", sagot ko.
          
             
"Bakit naman?."
        
           
"Malungkot kasi pag tapos ng araw.. magiging madilim nanaman.. kailangan mo mag hintay ng kinabukasan para makita mo ulit na nandyan ang araw..hindi mo nanaman sya mararamdaman hangga't hindi mag kinabukasan.."
       
               
"Hindi noh.. mararamdaman mo padin sya..", nakatingin padin si RC sa palubog na araw.. At natutuwa ako na makita syang at peace dahil dito..
       
            
"Paano?."
          
                
"Nakalimutan mo naba?. Binibigyan nya ng ilaw ang buwan para kahit nasa kabilang part sya ng mundo ay mararamdaman mo padin sya..kahit pa malayo sya.. Hindi nga ganon kaliwanag, pero may liwanag na magpapahiwatig sa'yo na nandyan lang sya.. at babalik ulit sya para mag bigay ng liwanag sa tao.."
                 
          
"Sana ang tao parang araw nalang..para kahit malayo sila, kahit iwan kapa.. e dadating naman yung oras na babalik din sya.."
        
          
"Babalik sya kung mahal ka nya..",sabi pa ni RC, pero parang sinasabi nya ang salita na'to para sa sarili nya.
        
              
"Diba dapat,.una palang hindi na nya ako pinagpalit sa iba kung mahal nya naman talaga ako?."
         
                
"Hwag mo kwestyunin..baka may dahilan lang talaga lahat..", nakangiting sabi nya.
        
                  
"Dahilan para mang loko?. Walang ganon..",sagot ko sa kanya na di ko naiwasan lumabas yung galit ko.
                
          
Pero hindi nalang sya sumagot, sa halip ay hinawakan nya ang balikat ko na parang nagsasabi na magiging okay ang lahat..
         
              
"Ayoko nanga pag usapan..masisira lang yung mood ko e..pasensya kana ha..Alam ko naman sinamahan mo lang ako para pagaanin yung pakiramdam ko e..", malungkot na sabi ko, dahil honestly, naalala ko nanaman yung nakita ko.
           
           
"Nandito ako dahil gusto ko..wag ka assuming noh..",biro nya pero ramdam ko naman na totoo yung sinabi ko..
        
             
"Oo na..pwede ba ikaw naman yung mag kwento?."
            
       
"Hmmm..anong ikukwento ko?."
              
            
"Siguro yung sinabi mo nalang kanina..yung doon mo sa store unang nakita yung first and last mo?. Love life ba yun?.."
       
           
"Hmmm..Oo.."
              
                 
"E nasaan na sya ngayon..?."
         
           
"Ayun..iniwan din ako at sumama sa iba na iiwan din lang pala sya..", malungkot na sabi nya.
          
         
"Ayun lang..ang tanga nya kasi.. feeling ko naman okay kang maging girlfriend e.. kinarma tuloy sya..buti nga sa kanya.."
          
         
"Iba yung nangyare sa'min..di gaya ng nangyare sa inyo ni Sam.."
      
         
"Huh?. paanong iba?."
         
           
"Basta..",tsaka sya tumingin ulit sa langit na parang may inaalala.
        
          
Ilang segundo nanaman syang tumahimik na parang ayaw nyang ikwento ang tungkol sa kanila ng ex nya. Pakiramdam ko tuloy ay sobrang mahal padin ni RC yung tao na yun hanggang ngayon para biglang malungkot sya ngayon habang kinukwento ito.
            
         
"Kalimot-limot ba ako?.",ito nalang ang sinabi nya pagkatapos ng ilang segundong pag tahimik. Hindi ko naman maintindihan kaya di ko alam ang isasagot ko.
           
         
"A-ano ulit?.",utal na sabi ko habang pino-proseso ng utak ko yung sinabi nya.
          
       
"Wala..tara na nga sa labas at tapos na yung time natin.."
       
          
'Tapos na?.Ang bilis naman..', kung kanina kasi ay takot na takot ako, ngayon ay parang at ease na yung pakiramdam ko.. salamat sa sun set at kay RC. Tsaka sya lumabas at sumunod naman ako..
           
            
At sa hindi inaasahang pagkakataon, may babaeng biglang sumulpot sa harap ko.. Bumanga ito sa'kin, medyo malakas kaya na out balance at natumba ako.. Ang nakaka inis pa ay nag dire-diretso lang sya sa paglalakad na parang walang taong nabanga..
        
            
Di ko alam kung dahil sa pagkaka bangga ay may parang nag flashback sa utak ko na hindi ko maintindihan..
               
      
'..Isa nanamang bahagi ng nakaraan na hindi ko maalala..'
           
           
Nasa school daw ako at prenteng naka tayo somewhere kasama ang mga kaibigan ko habang nakikipag kwentuhan ako sa kanila.. nang may babaeng biglang sumulpot din sa harap ko at binanga ako ng di man lang nanghingi ng tawad..hindi ko nakita ang mukha nya dahil di man lang ito lumingon sa'kin.. pero natandaan ko ang suot nya.. '..above knee na blue skirt at kulay peach na off shoulder..'
           
         
'Nakakita nanaman ako ng nangyare noon..pero mas malinaw na this time..',yun nga at biglang sumakit nanaman ang ulo ko..
              
            
'Who the hell is she..', pakiramdam ko ay may kinalaman sya sa buhay ko dahilan para maging ganito kasakit ang ulo ko.
    
     
~~~~~~
         
  
RC's POV;
      
    
"Kyle okay ka lang?.",nag aalala kong tanong sa kanya nang makita kong biglang sumakit ang ulo nya after syang matumba dahil sa pagkaka-out balance kanina.
      
     
'..walang hiyang babae yun..di man lang nag sorry sa nabanga nya!..'
      
       
Pinaki-usapan kasi talaga ako ni ate Lyra na samahan sya ngayon dito dahil kagabi halos ubusin na nya yung alak sa bar ni Phil.. Wala akong magawa dahil halos mag wala na sya kagabi.. Iyak sya ng iyak, halos awayin nya lahat ng makita nya.. tapos kung ano-ano pang sinasabi nya na di ko na maintindihan dahil sobrang lasing sya.. buti nalang at nandoon si Phil para alalayan kami..
    
    
Kaya tinawagan ko na din si ate kagabi para magpa tulong kay Kyle.. at ayun, pag dating nga ni ate ay kinwento ko agad lahat sa kanya..pati nadin kay Phil.. Syempre, galit na galit silang dalawa kay Sam, sure naman ako na ganon din ang magiging reaction ng kahit sino kung gawin yun sa kaibigan nila..
    
   
At naisip nga ni ate na dito nalang dalhin ang tulog na sa kalasingan na si Kyle..
    
    
'..paano nga naman sya matutulog sa bahay nila ni Sam kung mas maaalala nya doon kung paano sya niloko nito..'
       
        
I really can't believe that bitch.. after nyang agawin si Kyle sa'kin lolokohin nya lang?. Honestly, nang makita ko si Sam sa ganong itsura kahapon e gusto ko talaga syang kaladkarin palabas at pagsa-sampalin.. Swerte parin sya at hindi kami nag pang abot dahil mas inalala ko si Kyle na nagwawala na kahapon nang makita sila ng kabit nya on that place..
      
   
"Y-yeah.. don't worry.. I'm okay.."
         
         
"Are you sure?. Upo muna tayo..",tsaka ko sya inalalayan paupo sa isang bench "..anong nararamdaman mo?."
        
         
"Medyo masakit lang ulo ko, pero mawawala din 'to mamaya.. ganito naman talaga ako pag may nakikitang ala-ala e.. Ang nakakainis lang is hindi ko alam ang pagkaka sunod-sunod nito.. I'm not even sure kung nangyare ba talaga ito sa'kin noon before that accident.."
       
    
"May nakikita kang ala-ala?.",tanong ko.
         
      
Honestly, nakakita ako ng hopes dahil sa sinabi nya.. hopes na baka maalala na nya kung ano ako sa buhay nya.
      
    
"Oo.. konti.. biglang magpa-flash sa utak ko tapos wala nang kasunod yun.. sana lang maalala ko na lahat..Ang hirap kasi ng pakiramdam na magising ka isang araw na parang kalahati ng buhay mo ang nawala e.."
            
     
Nakita ko ang lungkot sa mata ni Kyle.. Pero mas nakaramdam ako ng lungkot dahil dito.. Iniisip ko kung kasama ba ako sa naaalala nya.. Pero parang hindi.. dahil kung oo, baka bumalik na sya ulit sa'kin..
       
       
'..Sana maalala mo na ako..'
       
         
"Sana maalala na kita noh?.",sabi pa nito habang naka ngiti sa akin.
          
     
"H-huh?."
          
           
"Wala..basta.. kain na tayo.. gutom na ako e..",tsaka nito hinila ang kamay ko.
             
         
Holding hands kami habang naglalakad..hindi ko tuloy alam kung anong magiging reaction ko.. sure ako ang pula ng mukha ko sa hiya.. wait, kinikilig ako!..
         
             
'...compose yourself RC...'
           
            
.... Nanatili syang nakahawak sa kamay ko hanggang makarating kami sa isang restaurant malapit sa skyranch...
        
           
"Tagal naman ng order natin..",angal ni Kyle habang hinihintay ang order nya e halos 5 mine palang naman kaming naghihintay.
           
     
"Wow..gutom na gutom?. Nag meryenda naman tayo ha.."
          
       
"Junk foods?. meryenda ba yun?."
        
           
"Whatever!. Mag selfie nga muna tayo bilis.. tingin ka dito.. wacky ha.."
          
    
Tsaka ko kinuha ang cellphone ko at nag picture nga kami.. As I've checked it.. Ang cute...

"Ang pogi ko dya----"               "Hello

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Ang pogi ko dya----"
      
       
"Hello..pwede makipag kilala?.", singit ng lalaki na pakiramdam ko ay kanina pa nakatingin sa amin.
     
        
In fairness, gwapo sya, singkit, matangkad at matangos ang ilong.. Kasama nya yung iba pa nyang kaibigan sa kabilang table na parang nag chi-cheer pa sa kanya habang nakikipag kilala sya sa'kin..
         
         
"Hello din..ahmm, di pwede e..di kasi tayo talo..", sarcastic na sagot ni Kyle sa lalaki
         
        
'..Siraulo talaga..e hindi naman sya yung kausap..'
        
      
"A-ah e.. sorry ha..hindi kasi sa'yo..kung pwede sa kanya ako makikipag kilala..", nakangiti pading sagot ng lalaki kay Kyle habang nakatingin sa'kin.
         
        
"Ahhh..sa kanya ba?. Sorry..Akala ko kasi sa'kin e.. she is... mine.. yeah she's mine..",pambabasag nanaman ni Kyle sa lalaki.
        
      
'.. Siraulo talaga..',napapa kamot nalang tuloy sa batok yung lalaki.
          
      
'..Anong sagot ni Kyle?. Kanya daw ako?!..'
    
       
"A-ahh..ganon ba..s-sige pasensya na-------"
         
      
"Ayy sorry..wag mo na intindihin 'tong kaibigan ko..nagbibiro lang 'to..", sagot ko sa lalaki tsaka ko tinignan ng masama si Kyle, para kasing bata.. nakakahiya naman sa lalaki..
       
       
"Kyle tumahimik ka.. nakakahiya..",bulong ko kay Kyle na natatawa lang sa kalokohan nya.
     
        
"Ahh..it's okay..By the way I'm Dylan.."
       
          
"..RC..and this is my friend Kyle.."
            
             
Tsaka ito nakipag shake hands sa'min.. In fairness, malambot ang kamay nya ha.. natatawa naman ako sa itsura ni Kyle, halata ang inis sa mukha nya habang kinakausap ako ng lalaki about anything..
    
            
'..mukhang magiging masaya ang bakasyon namin ni Kyle..'
    
       
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

A/N;

At dahil sinipag ako.. Ito na po.. sorry kung busy ako ha..

Please support my other works, The Gangster's Girl and Come What May.. Puro po ito GxG story..

Comment..Vote..Live.. Love and be Free..

PS,

Love you Love

-MVP

Forget You Not (Miss Sungit and Me book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon