CHAPTER 9 ?: The Revenge 2

7.1K 192 1
                                    

Icy's POV

"Nakakainis!!" Sigaw ko sa loob ng room. Wala pa kasing masiyadong studyante. Kakaunti pa lang. Kami pa lang ng Shadow at ng iilang studyante.

"So what's the next plan?" Tanong ni Thea habang nakatotok sa libro niya.

"Ako na ang bahala diyan." Sabay ngiti ko sa panibago kong plano. Pero Nakakainis parin talaga! Eh pano kalat na sa buong campus ang nangyari saakin kaninang umaga.

Pagpasok ko kasi sa loob ng Phoenix University eh may bigla na lang nagtapon saakin ng malansang tubig. And take note.. May kumuha pa saakin ng picture habang basang basa ako! Sabayan pa ng malakas nilang tawanan at ang Nakakainis na pagngiti ng Ice na yon. Ah kung dukutin ko kaya ang lamunan niya! Para hindi na siya maka ngiti. Hmp!

"You sure L?" Tanong saakin ni Ally.

"Actually.. Kailangan kita Ally." Sabay ngiti ko pa ng nakakaloko. Tingnan lang natin kung hindi kayo magalit. Iisa isahin ko kayo.

"What's on your mind L?" Tanong sa akin ni Mia.

"Basta.. Alam kong gagana to."

Bigla kaming nag-ayos at naupo sa kanya-kanya naming pwesto ng dumating na si Ma'am Elizabeth. Mahirap na baka bungangaan niya kami.

"Good morning class.." Nakangiting bati nito. Ok, anong meron?

"Good morning ma'am.." Bati din namin sa kanya.

"Ok I have a good news to all of you." Huh? Ano naman kayang good news niya?

"It's about the upcoming Acquaintance Party. Na kung saan ay lahat kayo na required pumunta dito sa School next week.. Gaganapin ito ng 8:00 pm sa Gymnasium.. I hope you will all cooperate.." Acquaintance party?! Tss.. Ano ba ang special non? Mga baguhang studyante na nagsasaya. Mas pipiliin ko pa na matulog na lang sa bahay buong gabi o di kaya ay mag shopping kasama ang Shadow.

"Maganda 'yan. Makikita na naman nating kakanta ang T.O.P." masiglang wika ng nasa unahan kong babae. I think she is Sally.

"Oo nga, last year inalay ni President ang kanta niya kay Darlie.. So sweet." President? Kakanta?

*sigh*

Boring nga.

"We are expecting everyone to participate in this upcoming activities. Are we all clear?"

"Yes ma'am.." Sagot namin. Yong iba masayang masaya na sumagot habang ako.. Wala lang

Nagpatuloy na ulit si Ms. Elizabeth sa pagtuturo niya ng lesson.

🔫🔫🔫

"Hello? Can I order the most spicy pizza and can you extra the spicy sauce.. And–Oh! A choco–cappuccino coffee.. Thank you." Wika ko sabay end ko ng tawag. Magiging masaya to.

"Ok na ba to L?" Tanong saakin ni Ally na nakasuot ng nerdy glass, sabog na buhok, at hindi fashionable na damit.

"That's better.. Just do what I say.."

"Ok."

"L.." Tawag naman saakin Drain at Katlyn na galing sa grocery store. Andito kami ngayon sa may waiting shed malapit sa school.

"Is this enough?!" Sabay pakita niya saakin ng binili niyang asin.

"The more the merrier." Sabay ngisi ko.

"Ok L.. Gets ko na kung anong plano mo. But don't worry.. We will happily help you." Sabay ngiti ni Xia.

"You've done a lot. Thanks.. See you later." Sabi ko sa kanilang apat. Sina Mia, Xia, Katlyn at Drain na tinulak tulak ko pa.

T.O.P University (School Of Gangsters)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon