CHAPTER 50 🔫: Hope

2.2K 45 15
                                    

Ryan's POV

"I don't need to repeat the plan. Just all of you remember to not get caught." Sabay tingin ko sa kanilang lahat.

"We will." Sagot nilang lahat at isa-isa naman silang nag silabasan sa sasakyan. Ilang metro ang layo namin mula sa nasabing gusali kung kayat malayo rin na makita kami ng kung sino mang mga kalaban. Bahagya ring nasa medyo kataasan ipinarada namin ang aming sasakyan. Isa itong parang bundok na may malawak na cliff kung kayat masyadong dilikado ang sasakyan namin sa baba at maaaring makita pa ng kalaban.

Agad na kinuha ko ang baril ko sa likod at kinasa ito. Sabay balik ko parin sa may likod ng bewang ko.

Isa-isa rin silang kinuha ang mga baril nila. Except for  Thea and Lance sila ang magbabantay sa sasakyan. Si Leo ang sa computer command and au Thea ang sa Sniper command.

Lahat naman kaming mga natitira. Mia, Xia and Ally and Leo ay papasok mula sa baba ng gusali habang ako, si Zach and Zero ay sa aakyat naman sa taas ng gusali.

Base on the Blueprint ng gusali na nakuha ni Lance ay isa itong 6th floor na gusali na pag mamay-ari ng isang pumanaw na chines dahil dati itong pabrika ng mga pagawaan ng illegal na baril at droga. Malayo ito sa syudad kung kayat malaya nilang naisasagawa ang mga illegal na gawain. Matagal ng hindi nagagamit ang gusaling ito kung kayat luma na at kinakalawang.

"Ryan.." agad akong napalingon kay Lance na busing tumitipa ng laptop niya sa loob.

"What?"

"May nadidetect ako.." naka focus parin ito sa laptop niya at bumaling naman sa isa.

"Sino, si L?"

"No.. it could be Ice. Maaaring ginagamit niya ang detector watch para mahanap niya ang kinaruruunan ng signal na nagmumula sa necklace ni Icy and nakukuha ko ang signal niya. Nasa loob na siya ng gusali sa ngayon. You need to go now." Agad naman akong tumango at sinimulan ng lumabas papunta sa abandunadong gusali.

Nakita ko naman ang mga kasama ko na ginagawa naman nila ang mga napag-usapan.

Icy's POV

"Damn it!" Mahina kong sabi. Halos tatlong lalaki ang naitumba ko at walang malay bago ko marating ang loob ng pintong pinasukan ko.

Medyo madilim ang loob.. Hindi ko masiyadong maaninag ang kabuuan.

"Pare.. mag bantay ka na nga rin doon sa taas." Agad akong nagtago sa likod ng mga sirang drum na malapit sa dalawang goons na nag-uusap.

"Pero pare-"

"Sige na pare ako na ang bahala dito. Wala namang mawawala dito." Medyo may pagka british accent pa yong isang goons kung mag salita. Ayos ah..

"Okey sige. Sa taas na ako." Agad naman na umalis na ang isang lalaki at natitira na lang ang isa pang goons. Ayos, kaya ko 'to!

Dahan-dahan akong naglakad sa likuran niya plano ko na sanang paluin siya sa ulo ng bigla na lang siyang gumalaw mula sa kinatatayuan niya.

"Wag kang gagalaw!" F*ck!

Agad namang itinaas ng lalaki ang dalawang kamay niya. Nang hahampasin ko na siya sa ulo niya ay agad niya ring nahawakan ang kamay ko.

"Shit!" In just a snap ay hawak niya na ang baril na kanina ay hawak ko at itinutok ito sa ulo ko ng bigla na lang siyang mag salita na ikinalaki ng mata ko.

"Don't move, stupid" agad akong napatingin sa mga mata niya. Natatakpan ang buong muka niya ng mask kung kayat tanging ang mata niya lang ang nakita ko.

Those pair of grey eyes.

"I-Ice?" Agad akong napaso mula sa kinatatayuan ko ng maramdaman ko ang paglapat ng kamay niya sa braso ko.

T.O.P University (School Of Gangsters)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon