CHAPTER 12 🔫: Pay?! What?!

6.6K 195 7
                                    

Icy's POV

Ipinark niya sa harapan ng bahay namin ang kotse. Lumabas ako at ganon din siya. Ano ba'ng gagawin niya dito? Ay Tanga! Andito nga pala si Ryan.

"Pasok?" Sinamaan ko siya ng tingin dahil sa sinabi niya.

"Natural papasok ako dahil dito ako nakatira." Sabay patiuna ko ng lakad. Narinig ko naman ang pagtawa niya. Huh! Mabulonan ka sana. "Tita–" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng makita ko si Tita'ng may kasamang anim na babae sa sala. Lahat sila tiningnan ako. Lahat sila halatang may edad na pero grabe ang gaganda nila.

Nakita ko rin ang pagpasok ng limang lalaki galing sa pool. Lahat sila hindi naka suot ng nakasanayan nilang damit, leather jacket. Lahat sila naka white v-neck shirt. Ang Ho–

"Hot right?" Nagulat ako ng bigla na lang siyang bumulong sa tenga ko.

"No!" Sagot ko at pumunta kay Tita. Nahihiya ako sa kanila. They maybe caught me by staring. Dumagdag naman ang Zero na yon.

"Oh Icy andiyan ka na pala. Pakidala na lang yan sa kusina iha." Ngumiti lang ako kay Tita at pumunta sa kusina habang nilagpasan lang silang Lima. Gosh! Bakit kaya ang ho–ARHG!

"L? You're back. And ano yang nasa damit mo?" Tanong saakin ni Tom. Tiningnan ko yong damit ko. Patay may dumi at ang gusot pa. Anong sasabihin ko.

"Ahh.."

"L, may ginawa ka ba?" Gusto kong sabihin na wala akong ginawa pero yong ibang tao Meron ginawa. Anong sasabihin ko? Baka magalit saakin si Tom pati na rin si Ryan.

"Ahhh–"

"Nadulas kasi siya Tom. Buti't nandoon ako kaya nahawakan ko kaagad yong damit niya. I'm a life saver right?" Bigla na lang sumulpot ang isang 'to. Pero mabuti na lang dahil hindi ko talaga alam kung ano ang sasabihin ko.

*Sigh*

"..Next time be careful ok? Anyway put that things on the ref and change your cloths." Sabay umalis na siya. Phew.. Mabuti na lang.

"So. The life saver saves you again." Yabang!

"What are you doing here?!" Inis kong tanong sa kanya at isa isang nilagay sa ref ang mga pinamili ko.

"My mom.. She's here." Tiningnan ko naman siya ng nakakunot na noo.

"What do you mean?" Lumapit siya saakin at ihinarap ako sa pinto paharap sa sala. "You see that woman with curly short hair?" Tiningnan ko naman yong tinituro niya. Isang babaeng curly buhok. I think nasa 40's na ang edad niya. Kapag tinitigan mo siya kamuka niya nga si Zero.

"Yeah?" Kunot noo kung tanong. Humarap siya saakin at hinimas ang noo ko. Napaurong naman ako sa ginawa niya.

"She's my mom. And pwedi ba iwas iwasan mo ang palaging nakakunot na noo. Mas maganda kapag hindi naka kunot." Sabay ngiti niya. Nakayuko naman ako sa sinabi niya.

"Is that a complement?"

"No, it's a joke." Sabay tawa niya kaya pinalo ko siya sa braso. "Just kidding.. Anyway.. I should go to the pool. See you later." Sabay ngiti niya ulit. Ano bang meron sa kanya at mahilig siyang ngumiti? Tss..

"I don't know that you were friends?" Nagulat na lang ako sa may biglang sumulpot.

"Were not friends! And as if you care!" Inis kong sambit sa kanya.

"Of course I care. He's my friend.." Yeah yeah yeah! Inignor ko na lang siya at naglakad na papunta sa kuwarto ko ng magsalita pa siya. "Next time be careful, Denvill." Sabay alis niya. F*ck! Ano bang ibig sabihin ng Ice na yon?!

T.O.P University (School Of Gangsters)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon