Icy's POV
"L! Natapos mo ba yong exam? Kamusta?" Tanong ni Xia
"Ok lang naman, in fact sa tingin ko perfect ako nito!" Alam ko 'yon. Hahahaha.. Honor student kaya ako sa dati kong school.
"Malabo naman yata yan." Sabi naman ni Mia.
"Eh Bakit naman? Kaya ko namang maging Rank 1 eh." Umiling iling lang sila.
"Hindi mo ba alam?"
"Na ano?"
"Na si Ice Hunter Leordaé ang Rank 1 ng Phoenix University?" Sabi ni Thea. Biglang nalaglag ang panga ko. Ang lalaking 'yon? Rank 1 ng Phoenix University?! Ahhh.. Oo nga pala. Eh sa kanila naman kasi 'to!
"Yeah right! Kasi sa kanila 'to! How powerful!" Sabay palakpak ko pa.
"No L! He is just D*mn Genius! Sabay-sabay tayong nag-exam diba? Nakita mo naman kung paano niya sagutan ang test paper ng walang kahirap hirap."
"Ni hindi niya ginalaw kaya wala talagang kahirap hirap!"
"Eh sa yon ang totoo."
"Shut up! Gutom na ako eh.." Sabay ngiti ni Ally. Gutom lang naman pala. Hay ewan..
🔫🔫🔫
"Mauna na kami L, you sure na di ka sasama?" Tanong ni Drane.
"Nope, mauna na kayo.. May dadaanan pa kasi ako eh. Sige na ingat kayo."
"Pero di mo dala ang motor mo. Wala ka pa namang service."
"I'm fine girls.. Mag cocommute na lang ako." Sabay takbo ko papasok sa mall. Mangungulit pa kasi ang mga 'yon. Eh pano di ko dinala ang motor ko dahil sinundo nila ako sa bahay gamit ang Van.
Katatapos pa lang naming kumain sa malapit na Starbucks. Eh ito na naman ako sa mall. Kailangan ko kasing mamili ng panregalo para sa Birthday ni Tom. Yup, This coming Friday.
Pumunta muna ako sa men's section ng Penshop. Mas gusto niya kasing iregalo ko sa kanya ang latest na motor na binili ko.
"Yes ma'am how can I help you po? Panregalo po ba sa boyfriend niyo ma'am?"
"Ay naku hindi Miss. Para sa Pinsan ko. May shirt ba kayong black and white. Gusto ko 'yong 100% cottony. And I want black shoes kung pwedi?" Mahilig din kasi siya sa mga ganyan
"Ah.. This way po ma'am.." Sabay guide niya sa akin.
"Ah. Ok, thank you." At nagsimula na akong mamili.
May nakita akong Red na converse shoes, may white siyang shoe lace at High cut siya, 'yong isa naman low cut lang.
"Miss, magkano ba 'yan?" Tanong ko sa saleslady. Pero nakuha ko na 'yong dapat kong bilhin.
"Ah ma'am, 3,500 pesos po. Pero pang couple shoes po yan ma'am." Ay ganon?! Eh sa wala naman akong pagbibigyan niyan eh.
"Pweding isa lang kunin ko?"
"Ay naku hindi po pwedi ma'am. Pang couple po kasi yan eh. Pwedi mo naman po ma'am iregalo sa boyfriend niyo." Hay.. Sayang naman. Kanino ko naman yan ibibigay? Si Ryan hindi naman mahilig diyan. Tss..
"Miss.. How much is that?" Bigla akong napatingin sa isang batang babae. I mean hindi na talaga siya bata. She's like 14 years old.
"3,500 pesos po ma'am. Pang coup–"
"I know, gusto ko yan."
"Hep hep hep.. Ako nauna diyan." Sabi ko naman sa kanya.
"Hindi mo naman siguro bibilhin eh. Muka naman kasing di mo afford." Aba't kung makapag salita 'to parang kaedad ko lang ah.
BINABASA MO ANG
T.O.P University (School Of Gangsters)
Teen Fiction7 lalaking napakayabang.. Sabi nila magaling daw sila sa pakikipag laban.. Sabi nila Lahat daw sila guwapo at mayayaman.. Mahalaga sa kanila ang isa't isa.. Sa kabila nyan ay Lahat sila nakakainis.. What if I curse them by accident?! What if I meet...