CHAPTER 28 🔫: Feelings and Jealous?

5.3K 162 4
                                    

Darlie's POV

Hay.. Gusto kong masulo ang buong bakasyon na 'to na kasama si Ice. Sana lang mag umepal ang Icy na 'yon!

Asaan kaya siya?! Hay.. Mahanap nga.

Sakto ng paglabas ko sa kuwarto ko ay nakita ko si Ice na papalabas sa kuwarto ni... Icy?! Kaya bumalik ako sa kuwarto ko at sinilip siya.

Humarap ulit siya sa kuwarto ni Icy at yumuko ito. Bahagya siyang ngumiti pagkatapos niyang pagmasdan ang kuwarto nito. What's with him?! Bihira siyang ngumiti pagdating sa akin. Paano mo nagagawang ngumiti Ice kapag siya ang nakikita mo?!

Dahan-dahan siyang naglakad papunta sa kuwarto niya at bago niya iyon isinara ay sinulyapan niya muna ito.. Pero bago 'yon ay meron muna siyang sinabi na hindi ko maintindihan.

"Bogoshipeo.. Icy.."

Ano daw?! Argh! Ano kaya ang Ibig sabihin ng sinabi niyang 'yon. Kainis naman oh.

"Huh! I will make you mine again Ice.." Nasisiguro ko 'yon. At kapag nangyari 'yon. Mawawala na sa buhay ko ang Icy na 'yan.

Icy's POV

Time check, 9:30. Shocks! Masiyado yata akong nakatulog. Umaalburuto na rin itong tiyan ko. Hay.. Makakain na nga.

Nang makapunta ako sa living room ay walang tao. Asaan kaya sila.

"Hi ma'am.. Nag-iintay po sila sa may beach. Sa may cottage po." Sabi ng babae. Ng tiningnan ko ang name tag niya, 'Zane', Zane pala ang pangalan niya.

"Ah ok, thanks.." Naglakad ako papunta sa may cottage na sinasabi niya. Isinuot ko muna ang sunglass ko at hinanap sila. Nasa may lilim sila ng puno. May cottage na malaki at nakikita ko si Tito'ng nag-iihaw ng barbeque. Habang sina Tita naman ay nag-aayos ng mga pag-kain sa lamesa.

Ng papalapit na ako ay nakita ko ang ayaw kong makita. Nakatayo siya habang topless malapit sa may puno. Nakashades ito at nakapamulsa. Ang cool niya.

Nang makita niya akong nakatingin sa kanya ay ngumiti siya kaya napaiwas agad ako ng tingin. Ang bilis-bilis na naman ng tibok ng puso ko. Argh! I hate this feeling.

"Oh iha you're awake." Sabi ni Tita, mommy ni Ice.

"Ah oo nga po eh. Sorry po." Sabay upo ko sa bamboo na cottage.

"Don't be sorry iha. Malapit na rin kaming matapos. Do you want to eat?" Alok niya sa akin ng barbeque.

"Ah, thank you po."

"Mommy.. Where is the Ice cream that you brought?" Tanong ni Kevin. Nakasuot siya ng pang swimming trunk and may dala-dala siyang maliit na bola. Ang cute niya talaga.

"Oh! I forgot it. Sabi ko na nga ba parang may nakalimutan ako. I'm sorry honey.." Nalungkot naman ang muka ni Kevin dahil sa sinabi ng mommy niya sa kanya.

"I will buy!" Sabay pa maming sabi ni Ice kaya napaiwas kaagad ako ng tingin.

"Ako na lang.. I will use the Car." Pagpepresenta ko.

"No! Ako na lang. 'Di mo naman masiyadong kilala ang lugar na 'to." Sabi niya.

"Pero–"

"Hay naku! Kung gusto niyo kayong dalawa na ang sumama para maipasiyal mo si Icy, Ice!" Utos ni Tito sa kanya.

Hindi ko naman maiwasan ang hindi kabahan dahil sa sinabi ni Tito. Kaming dalawa lang?!

"Ah–"

"Ok Mom. Let's go?" Nakangiti niyang sabi habang inaabot Yong damit at tsinelas niya sa may ilalim ko. Kainis na lalaking 'to.

Kinuha ko ang tsinelas niya at itinakbo ito.

T.O.P University (School Of Gangsters)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon