Icy's POV
"Manong Ben?" Tawag ko sa isa sa mga tagapamahala namin sa kuwadra sabay tingin ko sa wrist watch ko. It was 10:15 in the morning and nagising ako ng 9. Si Ice? Well he was peacefully sleeping. Ewan kung gising na 'yon.
"Bakit po ma'am?" Sabay lapit nito sa akin habang pinupunusan niya ng towel ang kanyang muka. Basa na rin 'yong damit niya. Siguro naglinis siya ng kuwadra?
"Asaan po si Maximus?" Kanina pa kasi ako hanap ng hanap eh hindi ko siya makita. Sa laki ba naman ng kuwadra na 'to. May sariling kuwadra si Max. He was my favorite horse. Simula bata pa ako ay siya ang pinakagusto ko sa lahat. Kaya lang bakit wala siya sa sarili niyang kuwadra.
"Ay naku po ma'am. Dinala po siya ng Lolo niyo sa bayan kani kanina lang po. Kailangan niya po kasing ipatingin ito sa beterenaryo. Medyo sinisipon po kasi ito dahil sa paiba ibang panahon." Paliwanag nito. Hays sayang. Gusto ko pa naman siyang ipasiyal sa buong hacienda.
"Ganon po ba?" Napatingin ako sa ilang kabayo ng kuwadra sabay hinga ko ng malalim.
"Kung gusto niyo po ma'am maaari niyo po munang gamitin si Logan." Sabay turo niya sa kabayong kulay brown na pagmamay ari ni Ryan. Ayoko talaga sa ilang kabayo dito sa kuwadra. Medyo masusungit at sadista kung sasakyan mo.
"Hmmmm?" Kay Logan..
"Kung ayaw niyo po ma'am. Maaari naman po kay Lumiere." Sabay turo niya sa black na kabayo. Pag-mamay ari naman yon ni Lolo. Paborito niya si Lumiere. Mabait kasi itong kabayo. Di tulad ni Logan.. Katulad ng amo niya.
"Ahhh. Sige po. Si Lumiere na lang." Bahagya naman yumuko si mang Ben at kinuha na ang kabayo sa kuwadra.
Inayos niya muna ang mga dapat na ilalagay dito. At bahagya niya itong sinyklayan sa buhok.
"Hindi naman po yata ako mapapagalitan dito ni Lolo?" Sabay sakay ko sa kabayo.
"Ah. Hehehe.. 'Di naman po yin nagagalit sa inyo ma'am." Sabay ngiti nito.
"Sige po salamat." At dahan-dahan ko ng pinaandar si Lumiere.
Gusto ko munang puntahan ang ubasan ni Lolo. I was craving for grapes. Malalaki kasi ito 'di gaya ng nabibili sa Manila. Dito rin namin kinukuha ang isa sa pinakasikat na wine sa buong mundo ang Denvilia San Sebastiana Wine. Hango ang pangalang ito sa apelyido namin at sa pangalan ng yumaong ina ni Lolo na si Lola Sebastiana na unang nagtanim ng ubas sa paligid ng bahay nito.
Hindi lang basta ubasan ang meron kami. Mayroon din kaming tanim na mga pinya, tubo, palayan, mais, buko at iba pa.
Usually.. Marunong din kaming gumawa na kape na iniimport sa ibang bansa kaya naman ang hacienda namin ang isa sa may pinakamaraming supply ng mga produkto.
Si lolo at lola lang naman ang nakakapalago nito. Syempre dahil narin sa tulong ng mga tagapamahala ng bawal produkto namin katulad na lamang ni Mang Ben. Siya ang nag-aayos ng kuwadra.
Ng makarating na ako sa may ubasan ay kitang kita ko na ang kulay violet na may green na mga ubas. Bigla akong namangha sa dami ng mga tauhang gumagabas ng ubas. Malinis parin ang buong ubasan. Kaya naman sagana ito at malalaki.
Sandali ko munang itinali si Lumiere sa Sanga ng kahoy.
"Nice one body!" Sabay tap ko rito.
Naglakad lakad muna ako sa paligid ng ubasan ang sarap nilang tingnan.
"Don't just stare, just grab one!" Bigla akong nagulat dahil sa biglang pagsulpot niya.
"Pwedi ba ha 'wag ka ngang manggugulat!" Inis kong sabi sa kanya.
BINABASA MO ANG
T.O.P University (School Of Gangsters)
Teen Fiction7 lalaking napakayabang.. Sabi nila magaling daw sila sa pakikipag laban.. Sabi nila Lahat daw sila guwapo at mayayaman.. Mahalaga sa kanila ang isa't isa.. Sa kabila nyan ay Lahat sila nakakainis.. What if I curse them by accident?! What if I meet...