CHAPTER 19 🔫: She's..

6.4K 182 12
                                    

Ryan's POV

Mabilis kaming nagbihis ng leather jacket. Dahil kailangan naming pumunta ulit sa lumang park. Humanda kayo SNAKE! Dahil hindi ko palalagpasin ang gabing ito na hindi ka namamarkahan. Alam kong ilaw ang may kagagawan kay L. Kung bakit siya takot na takot kahit hindi niya sinasabi. Alam kong kayo ang may pakana ng lahat. Kung bakit nagkaroon ng brownout at ang pagakawala ni L ng biglaan. Dapat sa oras na iyon ay nandoon na siya sa hall. Isa pang nakakapagtaka ay bigla na lang nawala ang copy ng CCTV sa loob ng school.

Maaaring nakalusot man sila sa mga guardia pero hindi nila ako malulusutan ngayon.

"Asaan na daw si Ice?" Tanong ni Zach habang naglalakad kami papuntang parking lot ng school. Oo andito kami dahil sa pagpaplano namin. Medyo madilim na ang kapaligiran.

"Susunod na lang siya.. May importante lang daw siyang dadaanan." Paliwanag ni Zach.

"Oh.. So.. Sino ba ngayon ang makakalaban natin?" Tanong ni Leo habang ikinukuyom ang kamao niya.

"The Snake." Paliwanag ni Erick.

"Talaga?!" Excited na tanong niya. "Matagal tagal na rin kasing hindi ako nakakaexercise itong kamao ko."

"Shut up Leo! Baka nga mapuruhan ka pa dahil wala kang ginagawa." Pang-aasar ni Zach.

"F*ck! Never! I'll show you!" Napailing na lang ako sa pagtatalo nila.

"You've better! If not, you only prove that you're already getting old!" Sabay tawa nilang lahat except sa akin. Nakita ko naman ang pag Kainis ni Leo dahil sa mga sinabi ni Zach.

Mabuti na lang at narating namin ang parking lot. Naririndi na kasi ako sa boses ni Leo. Masiyado silang maiingay.

Kanya-kanya kaming sumakay sa mga motor namin.

"Lance?" Tawag ko sa kanya habang sumasakay siya.

"Galawin niyo lahat 'wag lang ang leader ng Snake."

"Ok.." Sabay paandar namin ng motor at pinaharurot ito.

🔫🔫🔫

Pagkarating namin sa park ay pinatay muna namin ang kanya-kanya naming motor. Hindi naman sa natatakot kaming baka marinig ng Snake at tambangan na lang kami. No! We are not afraid! And we will never be afraid! Kailangan lang kasi naming hintayin si Ice. Nangangati na rin nga tong kamao ko. Gustong gusto ko na ngang pumatay.

"Ryan.. Come here." Nagmamadaling sabi ni Leo. Dahilan para magsisunudan naman kami. Mabilis kaming tumakbo papuntang park. Medyo hindi namin maaninag kung hindi dahil sa nag-iisang ilaw na pumapatay sindi.

"Who are they?" Takang tanong ni Zero habang pinagmamasdan namin ang dalawang grupo na tila ba nagpalatayan. Hindi kasi namin masiyadong maaninang kung ano ano talaga ang tuanay na nangyayari.

"I don't know either."

"Diba sila ang Snake?" Tanong ni Zach habang pinagmamasdan namin sila sa malayo.

"I don't know."

"There is only one way to find out." Sabi ni Erick.

"Hey! Walang kahit na sinong lalabas! Wala kang gagawin para makialam. Laban nila yan." Paliwanag ko.

"But–"

"No buts Erick. We all have to wait." Paliwanag ko. Kahit kailan talaga hindi kayang maghintay ng mga 'to.

"Ryan? Look at that." Turo ni Lance sa isang tao na nakaupo sa may madilim na bahagi ng Park. Hindi ko talaga maaninag ang muka niya pero parang familiar siya sa akin. Hindi ko kita ang muka niya pero alam kong kapag nakita ko iyon ay natatakot akong makita kung ano ang nilalaman ng mga mata niya. Isa lang ang ikinasisiguro ko.

T.O.P University (School Of Gangsters)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon