CHAPTER 10 🔫: Miss?

6.7K 217 8
                                    

Icy's POV

"Oh aga ng gising ah?" Bati ko kay Tom na kumakain sa lamesa. 6:30 na din kasi. Minsan kasi ginigising ko pa yan.

"Syempre marami kasi akong dapat na asikasuhin." Sabay kagat niya ng sandwich.

Tiningnan ko naman si Ryan na busy sa binabasa niya. 'Di man lang ako pinansin. hmp!

"L, alam mo naman yong sa Acquaintance party? Pupunta ka ba?" Tanong niya saakin na ikinagulat ko. Akala ko hindi niya na ako papansinin.

"I don't know.. Maybe.." Sagot ko. Eh sa hindi ko naman alam eh. Ang boring kasi.

"You have too.. It's Amazing."

"I hope so.." Sabi ko na lang sabay kuha ko ng gatas sa counter para mag timpla. Balak ko ngayong pumunta sa Shadow at gumala kasama nila. Wala naman kasing pasok ngayon eh, sabado. Kaya pahinga time.

"Alis na ako ha." Paalam ni Tom saamin.

"Saan punta mo?"

"Sa kaibigan ko lang, L. See you later." Sabay lakad niya palabas at narinig ko na lang ang pagharurot ng motor niya.

"Ako rin L.. I have to go–"

"Sa Phoenix ba?" Nakangiting tanong ko habang iniisip ko pa yong nangyari kahapon. Pagkatapos kasi nong insidente eh nakita ko si Ryan'ng lumabas ng T.O.P council na mapulang pula ang labi.

"Yeah.."

"Ok. Ingat.." Pagkatapos no'n ay narinig ko na lang siyang pinaharurot ang motor niya.

So.. Ako na lang pala ang mag-isa ngayon sa bahay. I think I should go to the Shadow. Mag sho-shopping kami.

🔫🔫🔫

"Oh L? What brings you here?" Tanong saakin ni Thea habang nakatutok sa cellphone niya.

"My feet." Sarcastic kong sabi na tinawanan lang ni Xia at Mia.

Tumabi ako sa tabi ni Thea na patuloy parin sa pagkalikot sa cellphone niya. Dumating naman si Ally at Drain na may dala dalang popcorn. Ok, ngayon ko lang narealize na boring din sa bahay ng Shadow.

"What the F*ck si this announcement?!" Inis na wika ni Thea dahilan para tingnan ko siya ng nagtatanong.

"What is it?" Tanong ni Drain. Sabay naman na nagsilapitan ang shadow sakanya, pati ako.

"It was the f*cking announcement.. The Acquaintance party.." Eh, ano naman ang connect?

"Is it important?" Tanong ni Ally.

"No! Kaya lang ang corny." Sabay-sabay kaming nasialisan. Hindi naman pala importante eh. "Eh kasi.. They are searching a girl who is good in dancing. Sabi din dito na kung dino ang masuwerteng mapipili ay siya ang sasayaw sa Acquaintance Party." Ang corny nga.

"Oh my Gosh.. Just like a fairytale.. Dancing with the prince." Sabi pa ni Xia kaya sinamaan ko siya ng tingin

"At sino naman ang may pakulo niyan?"

"Edi ang T.O.P. Sila ang gumawa ng Announcement eh. And kung sino daw ang girl na mapipili siya ang isasayaw ng isa sa mga T.O.P." kalokohan! Sino ang gustong makasayaw sila? Ang sasama ng mga ugali nila. Ba't kaya maraming babae ang nagkakandarapa sa kanila?

"Sino daw?"

"Si President." President? Ito ba yong narinig ko sa mga maklase namin na President?

"Who?"

"President Ice Hunter Leordaé." Bigla akong napatingin sa kanya. Hindi dahil sa Siya ang President ng School dahil expected ko na rin yan. Kaya lang sa Hulihan ng pangalan niya, Leordaé?

T.O.P University (School Of Gangsters)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon