CHAPTER 21 🔫: WTF?!

5.9K 183 19
                                    

Icy's POV

"Takbo L! Takbo!" Naririnig kong Sigaw ni Ryan. Pagtingin ko sa likuran ko ay nakita ko si Ryan na duguan. Kita kong umaagos ang dugo sa may braso niya. Kaya binalikan ko siya.

"No L! Run! Run before they get you!" Napatingin naman ako sa mga lalaking naka tayo sa likuran niya na may hawak na baril na maaaring hindi sila magdadalawang isip na iputok.

"Pero!"

"Run!" Bigla akong kumaripas ng takbo dahil sa sinabi niya. Habang tumatakbo ako ay bigla na lang nag-iba ang lugar. Biglang naging beach. Tumatakbo ako sa isang lalaki na nakatayo sa may pampang. Nakatalikod ito kaya hindi ko makita. Lumingon ulit ako sa likuran ko at nakita ko ang sabay-sabay na pagkalabit nila ng baril.

Tumingin naman ako sa lalaking kaharap ko.

"Tulong." Tawag ko sa kanya. Bigla naman siyang lumingon.

Hindi man siya ang inaasahan kong makita o ang taong sasagip sa akin sa bingit ng kamatayan pero Bakit ang gaan ng loob ko sa kanya? Bakit biglang nag slowmo ang lahat?

"Stupid?!" 'Yang tawag niya parin sa akin ay hindi nagbabago kahit napaka angas niyang tingnan.

"Tulongan mo ako!" Bigla niya akong hinapit sa bewang at ikinulong sa mga bisig niya.

T.O.P University (School Of Gangsters)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon