CHAPTER 16 🔫: Acquaintance Night

6.8K 180 8
                                    

Icy's POV

"Good morning, Tito, Tita, Ryan, Tom?" Bati ko sa kanila habang papababa galing sa kuwarto.

"Oh, kain na Iha. Pagkatapos nito may lakad tayo." Lakad? Himala first time kong marinig yan kay Tita.

"Saan po, Tita?"

"Basta.. I heard na Meron kang gagawin ngayon.." Hindi ko ma gets ang sinasabi ni Tita. Tiningnan ko naman ng Anong-pinagsasasabi-ni-Tita-look pero wala naman silang masagot, They just both shrug.

"Hindi ko po alam, Tita?"

"Try to think it, iha."

"You sure 'di mo naaalala, L?" Umiling iling lang ako sa tanong ni Tom.

"Lagot ka, L."

"Ok, taposin niyo na ang breakfast niyo at ng makapunta na kayo sa kanya-kanya ninyong pupuntahan." Sabi ni Tito naman. Kaya ipinagpatuloy na lang namin ang aming kinakain

"Dad?"

"Yes?" Tanong ni Tito kay Ryan habang nagbabasa ng diyaryo.

"How's lolo and lola?" He ask all of a sudden. Oo nga, kamusta na kaya sina Lolo at Lola.

"They were fine.. What if you better try to visit them?"

"I think about it, Dad." Oo nga, gusto ko na ring dalawin sina lolo at Lola. Miss ko na sila eh. Pati sina Mommy and Daddy.

"Son, tumawag nga pala ang mga pinsan niyo kanina." Sabi ni Tita.

"Huh? Sino po Tita?" Tanong ko.

"Troy, Makki, Aaron and Sam. Kinukumusta nila kayo. Minsan kasi magbonding naman kayo." Oh my Gosh! Namiss ko tuloy ang Cross 4.

"Ok, isisngit po namin sa Schedule namin." Hectic kasing masiyado ang schedule namin. Lagi na kaming busy.

*Ding Dong*

Tatayo na sana ako para pagbuksan kung sino man ang nasa gate ng bahay ng magsalita si tita'ng siya na lang daw.

Maya-maya pa ay dumating na si Tita na may ngiti sa labi. Mababakas ming masaya siya habang maydala dala siyang isang kahon.

"Oh, iha, para sayo." Akin? Sino naman kaya ang mag bibigay niyan sa akin? Wala naman kasi akong inaasahang maymagpapadala.

"Galing daw po kanino, Tita?" Sabay tayo ko at kinuha ito sa kamay niya.

"Galing kay Leordaé daw, iha. I think it's a dress. Go and check it." Halatang mas excited pa si Tita kesa sa akin. Siguro ito na yong isusuot ko mamaya. Sakto wala pa naman akong susuutin.

"Galing kay Ice, mom?"

"I think so, son. Kanino pa ba manggagaling." Sabagay tama naman si Tita. Alangan naman kay Skie. Asa!

"Go and try it, L." Ngayon utos na rin ni Tom. Hay..

"Ok." Hindi naman kasi ako katulad ng ibang mga babae diyan na kill joy kapag nagsusuot ng Dress. Kahit bihira akong magsuot ng dress hindi ako nahihiyang magsuot noh.

Tinapos ko muna yong kinakain ko at pumunta ako sa kuwarto. Ng binuksan ko ang damit ay namangha ako sa designs nito. Isang light blue sleeveless na dress at medyo kita yong likuran. Above the knee siya at may mga suite na butterfly sa hips na nagform into belt and a pair of silver high hills. Woahh.. Maganda rin pala ang taste ni Dumb. Siguro kasi marami na yong naging girlfriend.

*Knock Knock*

"Pasok po." Alam ko naman kasing si Tita ang kakatok. Excited siya eh.

"Iha, can I see it?" Sabay upo ni Tita sa kama ko.

T.O.P University (School Of Gangsters)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon