CHAPTER 1 🔫 : Excited?

14.5K 331 22
                                    

Icy's POV

*Bang Bang*

Sunod-sunod na putok ng baril ang pinakawalan ko.

"Bulls eye!" Sakto sa target. Hindi parin ako nag babago. Ang galing ko parin pagdating sa baril.

"Very Good apo.." Sabay tapik saakin ni lolo sa balikat.

"Thanks lo."

Iniisip nyo siguro kong mamamatay tao ako? Hahahaha.. Hindi noh! This is just one of my hobby. Mahilig kasi akong humawak ng baril..

By the way.. My name Is Icy Reign Denvill I live with my Lolo and Lola.. Dito sa hacienda namin. Iniisip nyo siguro kung asaan ang mga magulang ko? Well nasa States sila with my two crazy brothers. Red Anthony Denvill and Blue Cartel Denvill. They are my crazy brothers.. Nasa states sila for business..

Naranasan nyo na ba ang tumira sa isang bubong kasama ang isang dosenang lalaki?! Well to tell you all the truth eh ganon ako. I live with my twelve boy cousins.. Dalawa doon ay ang kuya ko. Pero Dati yon. Kaya nga one of the boys daw ako eh. Ganito kasi yon. According to our families generation ay bihira ang ipinapanganak na babae. Ako lang nag-iisang apo ni lolo na Babae. Kaya ako ang naiiiwan kay lolo.

Naitatanong nyo ba kung bakit dati yon? Eh kasi six sa mga cousin ko ay nasa iba't ibang bansa na para sa mga kompanya nila kabilang na doon ang dalawa kong kuya. Yes! We are rich! So Damn Rich! Ang natira ko naman na anim na pinsan. Ay nag-aaral pa. Si Excil Denvill ay kasalukuyang nag-aaral sa all boys school. Yong apat ko namag pinsan si Troy, Makki, Aron, and Sam Denvill ay nag-aaral naman sa isang sikat na private school. And last but not the least Ryan and Tommy Denvill ay nag-aaral sa isang powerful school ang Phoenix University. Hindi ko alam kung anong klaseng school yan pero Sabi nila maganda din daw dyan. Bukod sa mga mayayaman ang nag-aaral dyan ay dyan din nag-aaral ang Boyfriend kong si Skie Wade Leordaé. Yeah, I already have a boyfriend.. Nag tatanong kayo kung bakit ang layo ng school namin? Eh kasi 2nd year high school ng nag transfer sya sa Phoenix University. Pero kahit magkalayo kami eh hindi parin sya nag sasawang hindi ako padalhan ng bulaklak at reagalo. Pangarap ko nga ring mag-aral sa University na yan para makasama ko sya. Hinihintay ko na lang ang pasya ni Daddy, Mommy and Lolo..

"Apo! Ok ka lang ba? Hindi ka ba masyadong pinapagod ng lolo mo?" Nag-aalalang tanong ni Lola habang may dala-dalang juice at sandwich.

"I'm fine Lola.. Really.."

"Ano ka ba naman mahal.. Tinuturuan ko lang naman ang apo natin na humawak ng baril. Alam mo na for self-defense." Paliwanag naman ni lolo habang nilalagyan nya ng bala ang magazine ng baril.

"Reolando Denvill! Alam mo namang nag-iisang apo nating babae itong si Icy eh Ayoko lang syang humawak ng baril. Gawaing pang lalaki yan eh. Mabuti pang turuan mo na lang yong mga apo mong lalaki." Sabay bigay saakin ni Lola ng juice..

"Thanks Lola.."

"Mahal.. Kahit babae sya eh kailangan nya ring matuto nyan. Hindi ba apo?" Sabay tingin saakin ni Lolo.

"O-opo lolo.. Ok lang po toh Lola.. Promise po eh pang self-defense lang po toh." Huminga na lang ng malalim si Lola at naupo sa tabi ko habang pinag mamasdan si lolo na tinatamaan ang mga target.

"Ano pa nga bang magagawa ko.."

"Lola.. I promise.. I will be safe.." Sabay kasa ko ng baril at patuloy na tinatamaan ang ulo ng target.

T.O.P University (School Of Gangsters)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon