Icy's POV
I woke up 7:30 in the morning dahil sa tunog ng alarm clock. Yong sinag din ng araw na tumatama sa nakabukang kurtina.
Shocks! Ang sakit parin ng ulo ko.
Plano ko na sanang bumangon ng maramdaman kong maynakadagan sa akin kaya hindi ako makabangon. Nang tiningnan ko sa may tabi ko ay nakita ko ang natutulog na si Ice.
Nakaharap siya sa akin habang natutulog. Medyo nakasiksik ang ulo niya sa may leeg ko. Pero bakit hindi ko magawang itulak siya?!
Pansin ko rin kapag natutulog siya ang amo-amo ng muka niya, mahaba ang pilikmata at napakatangos mg ilong niya. Akala mo kapag natutulog eh parang isang napaka-among tupa! Tss.
"Hmm.." Bigla siyang napaungol kaya napapikit ulit ako. Mahirap na baka mapagkamalan pa akong stalker no which is absolutely not!
Naramdaman ko ang paghigpit ng pagkakayakap niya sa braso ko to the point na. Dinig na dinig ko na ang maglakas na pintig ng puso niya. Bakit kaya parang abnormal ang puso niya. Sobrang bilis kasi ng tibok. Huh! Hindi kaya.. May sakit siya?
Umusog siya ng kaunti habang kinukusot kusot ang mata niya. Akala ko nga gigising na siya kaya pagkakataon ko na sanang bumangon ng bigla ba namang ipinatong ang napakahaba niyang binti sa akin. Aba't! Grabe na ang isang 'to ah!
"Hoy!" Tawag ko sa kanya. Sinusubukan ko ring tanggalin ang paa niya. Ang bigat eh!
"Hoy! Ano ba Ice!" Kiniliti kiliti ko pa siya pero walang effect. Kailangan ko ng umuwi. Baka Nag-aalala na si Ryan sa akin.
"Ano ba Ice! Uuwi na ako!" Pero 'di parin.
Aha! Alam ko na!
"Ice..." Lumapit ako sa tenga niya gamit ang malumanay kong boses. "Ice.. Alam kong nagtutulog tulugan ka lang.. Alam mo bang kanina pa ako naiinip dito." Sabay haplos ko sa braso niya. Nakita ko naman ang pag stiff niya. Hahaha... Gumagana nga.
"Ice... Ba't 'di ka man lang gumagalaw diyan." Nilapit ko ang bibig ko sa may leeg niya. Hinawakan ko ang pisngi niya at binanat ito. Cute–What?!
"Ahhh.. 'Di ka gigising ha.." Kiniliti ko siya sa tagiliran ulit pero wala! 'Di umubra.
*ting*
Bigla na lang may nag pop sa aking idea. Tumagilid ako ng kaunti para makabuwelo. Sinakto ko ang paa ko sa may paa niya at malakas na sumipa–
"Haha–"
Bigla na lang akong napatigil sa pagtawa ng hilahin niya ako sa paa at sabay kaming nahulog. Bali naka dagan ako sa kanya.
Ang lapit-lapit ng muka niya sa akin. 'Wag niyang sabihin na ito na ang pangatlong kiss na nanakawin niya sa akin?! Kundi malilintikan siya sa akin!
"Icy... I Lo–"
"Stupid! Wake up!" Bigla na lang akong napabalikwas ng bangon at napatingin sa kanya.
Nakakunot at magkasalubong ang kilay niya. Wala din siyang expression pero halata sa kanya na nacucurious siya.
"Are you ok?"
"Yup!" Sabi ko while popping the 'p'.
Huminga naman siya ng malalim at naunang maglakad.
"Ok, just go downstairs after you finish. The breakfast is ready. And–Oh! Wash your mouth twice. You have a bad breath." Sabay tawa niya pa.
"What?!" Inamoy ko naman ang hininga ko–'Di naman eh! Kainis!
Good thing it is just a dream.. I hope it will never happen.. Right?
🔫🔫🔫
Bumaba ako sa sala ng bahay nina Ice kahit medyo nahihilo pa ako.
BINABASA MO ANG
T.O.P University (School Of Gangsters)
Teen Fiction7 lalaking napakayabang.. Sabi nila magaling daw sila sa pakikipag laban.. Sabi nila Lahat daw sila guwapo at mayayaman.. Mahalaga sa kanila ang isa't isa.. Sa kabila nyan ay Lahat sila nakakainis.. What if I curse them by accident?! What if I meet...