Sino Nga Ba Ako Sayo?

1.4K 26 3
                                    

Sino Nga Ba Ako Sayo?

Madaming tanong sa isip ko
Hindi alam ang magiging sagot para dito
Sa dami ba naman nito
Bakit ang tanong pang "Sino nga ba ako sayo"

Alam ko na walang salitang tayo
Namabubuo ng ikaw at ako
Pero nais ko lang ipakilala sayo
Kung sino na nga ba ako

Ako na iniiyakan ka sa tuwing magkalayo tayo
Ako na pinapanaginipan ka sa pagtulog ko
At ako
Ako na nagmamahal sayo ng patago

Ngunit gusto kong malaman mo
Ang halaga ko sa puso at isipan mo
Na kahit minsan ay hindi nagtanong
Nagtanong kong anong meron tayo
O kung may salita nga bang tayo

Tayo na nag uusap sa telepono
At magtatanong kong okay lang ba ako
Okay ba ako sa mga oras na ito
Okay ba ako sa ginagawa ko
Okay ba ako sa kausap ko
At okay lang ba ako bilang ako
Bilang isang taong masaya,matapang at matalino
Ngunit makikita lang sa labas ng aking pagkatao

Pero hindi mo alam na ako
Ako na inakala mong masaya ay umiiyak ng dahil sayo
Ako na matapang pero tumitiklop sayo
At higit sa lahat na ako na matalino ngunit nabobo sayo

Masakit isipin ang pangyayaring ito
Na parang sasabog na ang utak ko ng dahil sayo
Kaya nagpagdesisyonan ko na itanong ang tatapos dito
Kailangan ko na magtanong
Kung "sino nga ba ako para sayo?"

Sayo na walang ako
O ako na walang sayo
Pero parehas parin ako talo
Naguguluhan at nalilito

Ano nga ba ang sinabi ko
Ano nga ba ang tinanong ko
Alam kong malabong maging tayo
Dahil ako lang naman panigurado ang nagmamahal sa estadong ito

Imposible rin na makuha ko ang inaasam kong sagot sa tanong ko
Dahil alam ko na mas mataas pa ito sa lahat ng pangarap ko
At sigurado akong walang mabubuong salitang tayo

Dahil walang lebel ang relasyong ito
Ito na walang tayo
Tayo na parang hindi aabot hanggang dulo

--------

Hello guyss sana na gustuhan niyo yung ginawa ko ulit na tula

At kung may naisip kayong title na gusto niyong gawan ko ng tula just comment it below

And...

Please vote and follow me

P.S Lahat ng gawa kung tula ay ako lang po talaga ang gumawa...






























Spoken Word PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon