Feeling Na Naging Assuming

909 18 1
                                    

Feeling na naging assuming

Sisimulan natin ito
Sa salitang nararamdaman ko
Feeling para sayo
Pero nahahambing sa pagkaassuming ko

Ginaganahan na naman ako gumawa ng tula
Dahil sayo aking sinta
Ang daming gustong isulat
Sa tulang para sa aking sinta

Inaalala ang mga ginawa mga alaala
Nabinuo nating dalawa
Na parang merong ako at ikaw
Sa tingin ng ating mga pamilya

Pero

Mahirap isipin ang susulatin
Dahil sa mga mata mong kay gandang tingnan tulad ng mga bituin
Bituing kumikislap sa tuwing ako ay tumitingin
At hindi ito'y nagsisinungaling

Masaya ako dahil kilala na talaga kita
Yung tipong nakangiti ka pero umiiyak ka na pala
Yung tipong galit ka pero kinikilig ka na pala
At yung tipong nakikita sa iyong mata ang pagmamahal pero hindi pala

Dahil sa sobrang daming pwede kong pagkamalian sa iyong mata
Doon pa sa pagmamahal na mali pala

Hindi alam ang sasabihing kataga
At hindi ko alam kong ano ang matatawag sa ating dalawa
Oh sa akin lang na nagpakatanga at umasa
Habang ikaw ay walang alam na nagpapaasa ka na pala

Masakit pero masaya
Dahil kahit panandilian lang
Ako ay sumaya
Sumaya sa tuwing tayo ay magkasama
At sa tuwing tayo ay nag uusap habang nakatitig sa mga mata

Pero hindi nga talaga mangingibabaw ang saya
Kapag may lungkot pa rin ang nadadama
Dahil makikita mo sa aking mata
Ang butil at patak ng pagluha

Sumasakit na ang ulo ko
Kasabay pa nito ang pagkalito
Isama na rin ang pagkagulo at pagkahilo
Dahil mahihirapan ako ipaliwanag sayo ang nararamdaman ko

Pero kahit nahihirapan ako
Ikaw parin ang iniisip ko
Iniisip ng isipan ko
At minamahal ng puso ko

Oo kahit masakit
Ikaw pa rin ang iniisip
Ng puso kong nawasak
Dahil nawala na ang nagsisilbi ditong dikit

Pero tama na
Dahil ako lamang ay iyong pinasa
Hindi lamang sa salita
Kundi sa gawa

Kaya mahal sige na
Ikaw ay akin nang pinapalaya
Sa isip kong ikaw lang ang laman
At sa puso kong ikaw lamang ang nakatira
Pero ngayon ay wala na

Kaya mahal tatapusin ko na ang feeling na naramdaman ko sayo
Feeling na akala ko ay totoo
Pero ako lang pala ay naloko
Dahil sa pagkaassuming ko

Kaya para sa mga aasa pa sayo
Isa lang ang ipapaalala ko
Huwag kayo magfifeeling kong ayaw niyong masabihan ng assuming

---------

Hello guyss sana na gustuhan niyo yung ginawa ko ulit na tula

At kung may naisip kayong title na gusto niyong gawan ko ng tula just comment it below

And...

Please vote and follow me

P.S Lahat ng gawa kung tula ay ako lang po talaga ang gumawa...



















Spoken Word PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon