Iba Ka Sa Lahat

714 20 11
                                    

Hello guysss!This spoken poetry request is for PrincessHazelBernalL...Sana magustuhan mo ang ginawa kong tula para sa ito...

---------
Iba ka sa lahat

Ang tulang ito ay sana makarating sa mahal ko
Dahil ito ang gusto kong iwika sa harapan ng mahal ko
Para maiparamdam ko sa kanya kung paano niya akong inalagaan ng totoo
At sinamahan hanggang dulo

Iba ka sa lahat ng aking nakasama
Dahil ikaw lang ang nagpahalaga
Nagpahalaga sa puso ko na dati ay nag-iisa
At walang pag-ibig na kinikilala

Iba ka sa lahat ng aking nakausap
Dahil sayo lang ako nakaramdam ng pag-iingat
Na kung ituring ay dyamante na ang presyo ay mabigat
Kaya ako ay nahulog sa iyong kalooban ng walang alinlangan

At higit sa lahat
Iba ka sa lahat ng aking nakilala
Dahil tinuring mo akong maharlika
Para walang manakit sa akin sinuman

Nakakatuwang isipin na parang kailan lang kita nakasama
Nakakabaliw isipin kung paano tayo mag-uusap na dalawa
At higit sa lahat
Nakakakilig isipin kung paano ka sa akin makatitig sa una nating pagtitig

Kaya siguro ako nahulog sa iyo
Dahil sa kakaiba mong titig
Na nagbigay pintig
Sa puso kong hindi naniniwala sa pag-ibig

Dahil sa akala ko na ang pag-ibig
Ay isa lang simpleng pintig
Pero nang naranasan ko ang pagpintig
Hindi na nabuka ang aking bibig

Naalala ko kung paano mo ako pinahanga ng iyong mata
Hindi dahil sa ito ay kakaiba
Kundi dahil sa ito ay nakakapanghina
Na kahit sino ay kailangan ng suporta

Naalala ko kung paano mo ako pinasigla
Dahil sa gaan ng iyong presensya
Kaya ako ay nadala
At naisama ang aking mga iniindang problema

At naalala ko kung paano ka nakinig
Sa mga problema kong wala na kahit sino ang nakikinig
Pero dahil sa naiiba ka
Ikaw parin ay nakinig
Kaya ako ay nahulog sayo ng ganun kabilis

Sa haba ng naisulat ko
Kulang pa yata ito
Para iparating sa puso mo
Na mamahalin din kita ng totoo

Kaya ang tanging hiling ko
Para hindi ka na mapagod pa sa pagbabasa nito
Makarating sa ito sayo
Para malaman mong opisyal na ito
Na ibibigay ko na ang puso ko sa iyo

Kaya ang tanging sasabihin ko lang sayo
Mahal iba ka sa lahat ng kilala kong tao
Iba ka sa mga taong minahal ko
Dahil ikaw lang ang tumagal at sa akin ay nagpakatotoo

---------

Hello guyss sana na gustuhan niyo yung ginawa ko ulit na tula

At kung may naisip kayong title na gusto niyong gawan ko ng tula just comment it below

And...

Please vote and follow me

P.S Lahat ng gawa kung tula ay ako lang po talaga ang gumawa...




















Spoken Word PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon