Tandaan Mo Tao Ako

369 17 0
                                    

Tandaan Mo Tao Ako


Hindi dapat pinapahiya sa harap nang barkada
O ihaharap mo sa iba pag gusto mo lang nang kasama
O di kaya sasaktan 
Kapag may nagawa akong hindi mo nagustuhan

Tandaan mo tao ako

Nasasaktan kapag sinasaktan mo
Umiiyak kapag niloloko mo
At namamatay kapag iniiwan mo

Tao ako
Hindi aso na pinapaalis mo
Hindi ako aswang para layuan mo
At hindi ako payaso para ipahiya sa mga kaibigan mo

Tao ako gustong mabuhay nang masaya
Hindi yung ginanamit mo lang pag gusto mo lang sumaya ka
Tao ako gustong mabuhay na kasama ka

Hindi yung nakahanap ka lang nang iba iiwan mo na ako sa kama

Mahal tao ako

Hindi basura para itapon mo
Hindi chitchirya para ipatikim sa mga kaibigan mo
At hindi ako baboy para babuyin mo

Kasi mahal tao ako

Hindi isang bagay para ibenta mo

Ibenta kung kani kanino
Kahit labag sa loob ko

Pero anong gagawin ko
Mahal kita kahit nawawala na ang respeto mo
Respeto mo sa sarili ko
Pero anong gagawin ko sa respeto mo kung yung sarili ko hindi ko marespeto

Pero alam ko tao ako
Kailangan mahalin
Kailangan alagaan
At kailangan irespeto

Kasi mahal sana sabihin mong mahal mo ako
Sige sabihin mo kakapit ako

Kahit delikado

Kakakapit ako kahit alam kong sa huli masasaktan ako

Gagawin ko yan kasi tao ako
May isang salita kapag gusto ko

Kayang gawin lahat para sa mahal ko

Kasi tandaan mo tao ako kaya kang iwanan nang isang segundo



---------


Hello guys alam kong pangit yung update ko ngayon well lagi naman hahahah pero sana basahin niyo pa rin ako at tuluyan suportahan dahil sumali ako sa Wattys2018.


Dont forget to vote

And comment for your thought







Spoken Word PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon