Hindi ako siya

3.7K 70 6
                                    

Hindi ako siya

Mahalin mo ako kung sino talaga ako
Hindi yung ikukumpara mo ko
Sa dati mo

Heto na naman tayo
Nag aaway na naman sa problema ito
Magkaharap na nag iisip ng solusyon nito
Oh baka nag iisip nang maisusumbat sa pagkatao ko
Isusumbat na magiging sugat sa puso ko
Siya na ang mabait
Siya na ang matalino
Siya na ang maalaga
Siya na...
Siya na ang perpekto
Ayan nalang lagi ang ipinangsusumbat mo tuwing nag aaway tayo
Masakit...sobrang sakit marinig sayo
Na parang ako ang bangungot mo
At siya ang pantasya mo
Kaya minsan dahil sa kalituhan ng isip at puso ko
Napapaisip nalang ako na "Bakit pa ako?"
Bakit pa ako ang pinili mo
Kung patuloy mo akong ikukumpara sa dati mo
Dati mo na sobrang perpekto para sayo
Habang ako ay isang napakalaking panggulo sa inyo
Bakit pa ako ang pinili mo kung huhusgahan mo lang ako
At bakit pa ako ang pinili mo kaysa sa dati mo
Sabi mo sa akin nasa kanya na ang lahat ng hinahanap mo
Pero bakit ngayon ako ang kasama mo?
Nasaan na ang perpektong kinukumpara mo?
Bakit hindi siya ang nasa tabi mo?
Kung maayos siya sana kayo pa at hindi magiging tayo
Gulong gulo na ako
Laro lang ba ito para sayo?
Sana sinabi mo para nakapag P.E uniform ako
Tandaan mo tao din ako
Nasasaktan sa mga pinaggagagawa mo
Hindi ako social media na nilalabasan mo ng sama ng loob mo
Hindi ako salamin na kahit anong oras at makikita mo
Makikita mo ako sa kanya at siya sa sarili ko
Lagi mong tandaan na magkaiba ang salitang siya at ako
Siya na nang iwan sayo
Ako nanatili sa tabi mo
Siya na nagpaiyak sayo
Ako na nagpangiti sayo
Siya na hindi pinahalagaan ang pag ibig mo
Ako na minamahal ka bawat segundo
Siya na pinili ang iba kaysa sayo
Ako na pinili ka kahit kanino
Hindi man ako kasing gwapo ng dati mo
Hindi man ako kasing talino ng dati mo
Hindi man ako kasing bait ng dati mo
Hindi man ako kasing perpekto ng dati mo
Isa lang ang maipagmamalaki ko
Yun ay ang pinaglaban kita habang siya sumuko na sa estado niyo
Mali ang pinili mo
Pero mas mali ang ihambing ako sa taong hindi ako mananalo
Maling mali...dahil tandaan mo na siya at ako
Ay magkaiba sa mundong ito
Kayat kung mamahalin mo ako
Mahalin mo ako kung sino at ano ako











Spoken Word PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon