Huwag...

292 11 0
                                    

  Huwag...

 Huwag kang magmamahal ng classmate

 Kung ayaw mo macheckmate
 At huwag mo titigan ang iyong kaseatmate
 Para di ka mapagalitan ni teacher

 Ballpen diyan tayo nagsimula 
 Nang mahulog mo ang panulat na pula
 Sa sahig itoy tumama
 Na dali ko naman kinuha

 Ulo koy iniyuko
 Para maabot ang gustong makuha
 Pero bat pa ako yuyuko
 Kung nasa tabi ko lang naman ang gusto kong makuha 

 Napangiti ng munti
 Ngunit pinilit na ikubli
 Para di mapansin ng aking katabi
 Na akoy sa kanya ay may pagtingin 

 "Ito na yung ballpen na nahulog mo"
 Ang nasambit ko

 Ngunit may gusto pang isambitla
 Na sana sa susunod ikaw na man yung mahulog
 Ngunit di naman sa sahig kundi sa aking pag ibig 

 Ngunit di masabi
 Dahil nagpakuha ang guro ng papel
 Kaya kumuha agad ng isang buo
 Para mabigyan ang aking katabi 

 "Ito isang buong papel sanay tanggapin mo"
 Ngumiti ka naman ng tipid at kinuha ito
 Buti pa yung papel ko natanggap mo
Pag ako nagtapat sayo may papel na ba ako sa buhay mo 

 Napabuntong hininga na lamang
 At tinuon ang mata sa pisara
 Isa hanggang sampu ang bilang
 Walo pataas ang kailangans sagutin ng tama para pumasa 

 Ngunit bat ako nagkaroon na ng tama

 Pero bat ako di mo parin ako kayang ipasa

 Simpleng oo pwede na
 O di kaya yakap tatalon na ako sa tuwa

 Lumipas ang mabilis na minuto

 Na kinalutang ng isip ko
 Na mas lalo nagsanhi ng pagmamahal ko sayo
 Kailangan na magwasto sabi ng guro 

 Nakapalumbaba sa mesa
 At tinama nalamang ang lahat ng sagot
 Dahil kapag nagmahal ka di siya magiging mali sa paningin mo
 O kahit baliktarin man ang mundo 

 Isauli na ang papel sa nag mamay ari
 Ngunit yung puso ko kahit huwag mo na isauli
 Basta mahalin mo lang ako
 Para maging masaya ako 

 Ngunit parang may mali
 Dahil imbes A B C D ang mga letra
 Naging katagang
 Mahal kita

 Ngunit saglit may sinagot ka
 Na "Sorry may jowa na ako"
 Hindi alam ang gagawin
 Kaya tumingin na lamang sayo
At sinabing huwag kang maniwala dahil isa lamang itong biro

 Pero ang kalahati ng biro
 Ay nagiging totoo
 Nakakaiyak di dahil sa sinabi mong parang panaksak

 Bagkus dahil ako ay bumagsak sa pagsusulit at sa katabi ko na di pinahalagahan ang pag ibig   ko  

 Kaya kung magmamahal ka
 Huwag sa classmate
 Dahil di mo masasabing siya ang iyong soulmate
 Dahil sa dulo ikaw lang din ang checkmate  


---------


hello po sana nagustuhan niyo yung ginawa kong tula...


VOTE...

COMMENT...

And thank you for reading my poem love you guys...

Spoken Word PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon