Pasko Na

1.4K 15 1
                                    

Pasko Na

Pitong letra
Dalawang salita
Nagsisimula P
"Pa" kung bigkasin

Pa...pag-ibig nasaan ka naba
Palagi nalang kita hinahanap sa iba
Padami na ng dami ang taong nagmamahalan
Padami na rin nang padami ang mga katulad kong nag-iisa

Paano na ito
Pasko na nag-iisa pa rin ako
Palagi nalang ba ito
Palayo na ng palayo ang ating espasyo

A ang letrang sumunod
"Ah" kung bigkasin
Ang lakas yata ng hangin
Ako ay hindi makahinga dahil sa mga nangyayari

Ano pa ang magagawa ko
Antagal na akong naghahanap sa mahal ko
Alam ko naman na hindi hinahanap ang pagmamahal
Ang sa akin lang naman ubod ka nang tagal

Susunod na ang letrang S
"Sa" kung bigkasin
Sa...Sasapit na ang pasko pero wala ka pa rin sa tabi ko
Sasaya na ang mga tao habang ako ay malungkot pa dahil sa kakahanap sayo

Natapos na ang tatlong letra
Tutungo na tayo sa pang apat
Letrang K ang susunod
"Ka" kung bigkasin ng mga tao.

Ka...Kapit lang sabi ng mga kaibigan ko
Kaibigan na laging nasa tabi ko
Kakayanin ko ito
Kasi hindi nila ako iiwan kahit isang segundo

Nasa letra na tayong paborito ko
Ang letrang O
Na nagpaikot sa pagkatao ko
Na ang basa ay "Oh"

O...Oras na para ikalampag ang kampana
Oras na para ngumiti sa lahat ng problema
Oras na para magpatawad sa isat isa
Oras na rin ba para tumigil na

Buo na ang salitang PASKO
Pero parang nakakalungkot ang kinahinatnan nito
Kasi sa pagkakaalam ko may letra pang "N" at "A"
Na nagsisilbing pag-asa sayo

Ang letrang N
"Na" kung bigkasin
Nakakatawa isipin
Dahil sa ginawa mong paghahanap sa akin

"Na" nayata ang nagpabago sa akin
Nakakatawa kasi isipin na lahat ng paghihirap ko ay nagawa mo rin
Napapangiti ako sa bawat pagkukwento mo ng paghahanap sa akin
Napasaya mo ako dahil sa sinabi mong "tayo na at wala ng maghahanap pa"

At ang huling letra
Na magpapabago sa tulang ito
Ang letrang uulitin ko
Ang letrang A
"Ah" kung bigkasin

Ang sabi ko uulitin ko ang letrang ito
Ang dahilan nito ay kasama at nakita ko na ang hinihintay ko
Ang taong magmamahal sa akin ng totoo
Ang simbahan lang pala ang sisira sa sumpang binuo lang ng isipan ko

Ang saya ko
Ang bait kasi ng tadhana
Ang pag-ibig ko ay akin nang natagpo
At hindi na ako muling iiyak dahil sa paghahanap sa kadugtong ng aking puso

Masaya na ang aking pasko
Isama mo pa ang aking puso
Dama ko na ang pagkabuhay ni Jesus
Kaya isa lang ang masasabi ko sa gabing ito

Magdiwang ng nakangiti
Kalimutan ang problema sa oras na ito
Dahil sa oras na ito
"Pasko Na"

---------

Hello guyss sana na gustuhan niyo yung ginawa ko ulit na tula and merry christmas

At kung may naisip kayong title na gusto niyong gawan ko ng tula just comment it below

And...

Please vote and follow me

P.S Lahat ng gawa kung tula ay ako lang po talaga ang gumawa...






























Spoken Word PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon