Pinunit na Pahina

1.7K 38 2
                                    

Pinunit na pahina

Ito na naman tayo
Mali ito na naman kayo
Kayo na naman ang bida sa kwentong ito
Habang ako ang panggulo sa storya niyo
Mahirap man gawin ito
Pero aking gagawin para sa ikasasaya mo
Sisimulan ko na ang kwento
Kwentong kayo ang bida
Habang ako ang kontrabida
Pero paano ko sisimulan ang ating storya
Kung alam ko naman na mali ang mga sinulatan nating pahina
Pahina na magsisilbing alaala sa ating dalawa
Kaya ako nalang ang aayos sa ginawa nating magulong storya
Para malaman nila ang nangyari sa ating dalawa
Sisimulan ko ito sa mga emosyong madadama
Una
Lungkot ang nadama ng hindi natupad ang pangako sa isat isa
Pero mapapalitan mo ito ng ginhawa dahil sa isang kataga
Katagang "hindi ko man natupad ang pangako ko sayo ang importante mahal kita"
Pangalawa
Selos na nakakainis madama
Ngunit matatawa ka
Sa iyong mukha
Na mukhang kamatis sa pula
At ang panghuli at hindi mawawala
Saya sa tuwing babatiin mo ako ng magandang umaga
Saya sa iyong halik na aking dinarama
Saya sa tuwing ikaw ay nakikita
At saya sa tuwing nagbibigayan ng katagang mahal kita
Pero sana hindi nalang natapos ang saya
Para masaya pa sana tayong dalawa
Ngunit lahat nga ng saya ay mapapalitan ng luha sa mata
Oo masakit na ang sinulatan nating pahina ay hindi natin muling masusulatan pa
Kaya ipagpapatuloy ko nalang mag isa
Pero mahirap pala
Mahirap pala mag isa
Kung nasanay ka nang may kasama
Kasama sa tawanan
Kasama sa kalokohan
At kasama bumuo ng storya
Pero ano ang aking magagawa ko kung alam ko naman na hindi tayo para sa isat isa
Masakit kaya gagawin ko na talaga
Ang paraan para ikaw ay sumaya
Kaya mahal ito na ang susi sa iyong saya
Para kayong dalawa ay maging maligaya
Ikaw ay aking pinapalaya na
Sa aking pusong nagpakatanga
Nagpakatanga sayo pero naging masaya
Kaya pupunitin ko na ang lahat ng pahina
Pahina na binuo nating dalawa
Na sana ay magsisilbing alaala
Para sayo ay ipadama at ipaalala
Na tayo ay naging masaya sa tulong ng isat isa

---------

Hello guyss sana na gustuhan niyo yung ginawa ko ulit na tula

At kung may naisip kayong title na gysto niyong gawan ko ng tula just comment it below

And...

Please vote and follow me

P.S Lahat ng gawa kung tula ay ako lang po talaga ang gumawa...








Spoken Word PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon