2:00 y media
Pumatak na ang oras
Para magsimula na naman ang panibagong misa
Bagong mamamanata
At bagong mga mukha ang makikitaMapupuno na ang mga upuan
Na nangangahulugang wala na akong mauupuanKaya lalabas na sana ako ng simbahan
Nang may tumayo na isang kalalakihan
Nagmamadaling umalis sa kanyang upuan
Hindi alintana ang sinasabi sa harapanKaya dali naman akong umupo sa kanyang upuan
Para hindi ako mahirapan
Nakaupo na ako
Pero nakaramdam ako ng kuryente sa tabi koNagkatinginan tayo
Pero sa hindi malamang dahilan nagtawanan tayo
Pero naputol nang tumunog ang aking telepono
At nakita ko ang oras
2:00 y media na
At dito tayo nagsimula
Pero...
Sa oras din palang yun tayo'y magtatapos
Dahil inaya mo ako magsimbaSa pag-aakalang gusto mo akong makasama
Sa pag-aakalang gusto mo akong maging masaya
Pero hindi pala
Kasi nagsermon na ang pari
Tungkol kay Eva at Adan na nagkamaliNang mapansin ko ang tingin mong parang nagkasala
Ngunit hindi ko pinansin dahil sa nararamdamang kaba
Dahil alam ko ang pinapahiwatig ng iyong mata
Kahit hindi mo sabihinIkaw nga ay may ginawang mali
Nanghihina na ako dahilan ng bigla kong pagluhod
Sabay pagdasal ko na sana "hindi totoo"
"Hindi totoo ang nakikita at nararamdaman ko"
Kasi hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko kung itoy totooPero pinatunog na ang kampanilya ng pari
Kasabay ng pagbagsak ng luha koAy ang pagnginig ng katawan ko
At hinawakan mo ko
Nagtitigan tayo
Kaya umupo na lang ako at tumahimik
Pero parang ambilis yata ng oras
Nagsalita na ang pari ng "Magbigayan kayo kapayapaan sa isa't isa"
Sayo agad ako tumitigNang bigla mong sinabi patawad
At umalis ka nalang bigla sa aking harapan
Iniwan mo ako sa upua
At tumunog ang relo
2:00 y media na
Tumawa ako ng pagak
Ngumiti ng peke
Dahil sa mga pangyayari
At nasabi sa aking sarili
Na sa oras na ito tayo'y nagtagpo
Pero dito rin pala tayo magsisimulang maglayo
---------
Hello guys sorry kung masabaw hahahahah
So guys kung gusto niyo magpagawa sabihin niyo lang
And vote if you like my work
And comment for your thoughts
BINABASA MO ANG
Spoken Word Poetry
PoesíaAng aking mga tulang mabubuo ay tatagos sa inyong mga puso... -NotPerfect09