Sa Aking Pagbilang

645 17 0
                                    

Sa aking pagbilang

Sisimulan ko ito
Sa numerong paborito mo
At tatapusin ko ito
Sa numerong tatapos sa salitang tayo

Isa
Mahal naalala mo pa ba?
Kung paano tayo nagkakilala
Nung naggkabanggaan tayo na hindi sadya
Oh plinano lang talaga ng tadhana

Dalawa
Mahal naalala mo pa ba?
Kung paano tayo nagsimulang dalawa
Kung paano mo binago ang lungkot sa aking mata
At pinnalitan mo ito ng saya

Tatlo
Mahal siguro naaalala mo ang pangyayaring ito
Kung paano mo kinuha ang aking numero
Para lang matawagan ako sa telepono
At para lang matigil ka lang sa tanong mo
Kung "Ayos lang ba ko?"

Apat
Mahal naalala mo pa ba?
Kung paano ka bumanat
At kung paano ka naging sapat
Sa pusong sayo lang tapat

Lima
Mahal naalala mo pa ba?
Yung mga oras na sagot na ang mismong nakuha
Na nagdulot sa atin ng saya
Pero hindi din nagtagal
Ito rin ay nawala
Dahil sa paglingon mo sa iba
Kaya...

Anim
Hindi na ako babalik sa mga ala-alang malalim
Dahil nalulunod na ako ng palihim
Hindi mo alam ang nangyayari sa aking damdadamin
Dahil kahit anong gawin kung dasal na taimtim
Wala parin akong mararating sa destinasyong madilim

Pito
Dinaig ko pa ang mata ng kwago
Dahil lang sa kakahintay sa paliwanag mo
Pero napuyat lang ako
Dahil wala naman akong nakuhang sagot sayo
Pero kahit ganon
Napatunayan kong wala lang talaga ako sayo

Walo
Walong buwan kitang iniyakan
Para lang ang sakit ay maibsan
Ngunit hindi pa pala lumisan
Kaya hindi pa nakukuha ang gustong kalayaan
Dahil naghahanap pa ng daan
Papunta sa sinasabing masayang katapusan

Siyam
Ito na ang pang-siyam
Maaabot na natin ang ating inaasam
Sa wakas at hindi na kita matatawag ng kasuklam suklam
Dahil sa ginawa mong pang-iiwan

Sampu
Ito na siguro ang dulo
Dulo ng tulang ito
Dahil ito na ang numerong pinakaayoko
Hindi dahil sa ito ang kaarawan ng bago mo
Kundi dahil na siguro sa araw na ito
Araw na naghiwalay tayo
At hinding hindi ito malilimutan ng aking puso
Dahil sa araw na ito ako umiyak ng todo

Kaya mahal tatapusin ko na ang tulang ito
Para wala nang iiyak na puso
At para wala nang masasaktan pa lalo
Kaya mahal hindi man tayo umabot hanggang dulo
Ang mahalaga ay nakasama mo ako
Para mahanap mo ang makakasama mo hanggang sa dulo
Kaya tinatapos ko na ang tulang ito
Para magawa na natin ang ating gusto

---------

Hello guyss sana na gustuhan niyo yung ginawa ko na tula

At kung may naisip kayong title na gusto niyong gawan ko ng tula just comment it below

And...

Please vote and follow me

P.S Lahat ng gawa kung tula ay ako lang po talaga ang gumawa...



















Spoken Word PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon