Akin Ka Na Lang

418 14 0
                                    

Akin Ka Na Lang


Akin ka lang
Yan ang mga salitang iniwan mo na kay sarap balik-balikan
Mga salitang kay tamis at hindi matanggihan
Pero nang mawala ka para kutsilyong matalas sa puso kong hindi naiwasan


Sinulat ko ito hindi para makonsensya ka
Kundi para ipaalala ang mga naiwang alaala
Alaala na hanggang ngayon ay itinatago pa
At umaasang pagkatapos nito ay magkakaayos pa tayong dalawa


Maayos pa ang ating simula
Sabi mo pa nga

Mahal na mahal kita

Bakit bigla kang nagbago,nanlamig at hindi nagpakita

Nagmahal ng iba o nagsawa ka na
Sabi mo noon ako'y iyo at ikaw akin lamang
Pero bakit biglang napako lahat ng pangako mo
Kasi bigla kang nang iwan at nagbago

Nakita kitang may kasamang iba
Pero sabi mo sa akin wala lang siya
Naniwala ako kahit masakit na
Pero wala nga ba talaga kahit hawak mo ang kamay niya?

Ganun ba talaga pagnagmamahal ka?
Nagpapakamartir kahit dapat tama na
Pilit nagbubulag bulagan

Kahit sinasabi nilang relasyon natin ay kasinungalingan


Sabihin mo sa akin ang katotohanan
Seryoso ka ba o nagbibiro lamang
Sa relasyong dapat nagbibigayan
Hinihingi mo ay kalayaan

Pero bakit huli na at hindi mo ko sinabihan
Naghanap muna nang iba bago mo ako pakawalan
Hindi magising sa bawat katotohanan
Na sa bawat paggising ay wala na ang nakasanayan

Mga tawag at text na napapangiti
Yakap halik na nagpapakilig
Ngayong wala ka na iniisip ang mga ala ala

Na para bang kahapon lang ayaw ko nang maalala

Dahil habang tumatagal ay lalo ko lang napapagtanto

Na hanggang dito nalang dahil iniwan mo na ako

Walang masabi walang pasabi sa mga kilos mong hindi mawari

Hanggang dito nalang siguro ang ating yugto dahil pagod na ako hindi na lalaban at susuko

Siguro ito na ang ating dulo
Bakit nga ba ginawa ko pa ito?

Pero hayaan mo na yan dahil patapos narin naman

Dahil nasabi ko na ang aking nararamdaman


Panalo ka na sa larong ito

Larong hindi ko alam na kasali pala ako

Kung plano mong saktan ako

Sana sinabihan mo na ako para hinanda ko na ang sarili ko

Akin ka nalang

Ang pagtatapat mo sa akin ng iyong nararamdaman
Pero nang tayo na ay bigla kang hindi nagparamdam

Kaya nagtapos nalang tayo sa isang paalam


---------


Hello please dont forget to vote and comment for your thoughts...

Spoken Word PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon